"Ate!" mabilis na nagsi-takbuhan ang mga kapatid ko pagkapasok ko pa lamang ng maliit na bahay na tinutuluyan namin.
"Kumusta?" nakangiti kong tanong sa dalawa kong kapatid at hinalikan sila pareho sa noo. Napangiwi ako ng simple nang maramdaman ko ang pagkirot ng pagitan ng mga hita ko.
"Ayos lang po kami, Ate. Bakit nga po pala hindi ka umuwi kagabi? Pinahirapan ka na naman po ba ni Aling Bebang?" nakakunot noong tanong ng disi-otso anyos kong kapatid na si Jaxon.
"Hindi, ano ka ba. Maaga akong nakapag-out kahapon. May bago lang kasi akong raket kagabi kaya ayun, madaling araw na kami natapos kaya mas minabuti kong ngayong umaga na lang bumyahe para hindi delikado." mahabang eksplina ko dito.
Tumango-tango naman ito at napasulyap naman ako sa kinse anyos kong kapatid na si Nichola na tahimik lang na bumalik sa harapan ng mga libro niya.
Tumingin ako kay Jaxon na may nagtatanong na mga mata. Sumenyas ito sa akin na sa labas na lang kami mag-usap.
"Kinausap daw po kasi siya ng adviser nila. Gusto daw po nito na pasalihin siya sa seminar sa susunod na buwan dahil isa siya sa mga maaaring maging valedictorian."
Napangiti ako sa sinabi nito.
"Ayun naman pala eh, bakit siya malungkot kung ganoon naman pala ang sitwasyon? Hindi ba dapat na maging masaya siya?"
Napabuntong hininga naman ito napakamot sa batok.
"Problema nga iyon, Ate. Kailangan daw po kasi magbayad ng tatlong libo para doon dahil para sa dalawang araw nilang seminar." sabi nito kaya napaiwas ako ng tingin.
"Sumunod ka sa akin sa loob." sabi ko rito at naupo sa tabi ni Nichola. Naupo naman sa harap namin si Jaxon at nakatingin sa lapag.
"Hindi ba at sinabi ko na sa inyong dalawa na hindi niyo dapat pinoproblema ang tungkol sa pera dahil ako na ang bahala para roon. Ang hinihiling ko lang naman sa inyo eh ang mag-aral kayo ng maigi. Hindi iyong lagi na lang kayo nagsi-sikreto tungkol sa mga bayarin sa skwelahan." mahabang litanya ko sa mga ito.
"Sorry po, Ate. Ayoko lang naman kasi sabihin sa iyo kasi nahihiya ako. Lagi na lang po kayong pagod umuuwi dahil sa iba't ibang trabaho na pinapasok ninyo." malungkot na wika nito at pinahid ang luha sa mga pisngi nito.
Napabuntong hininga ako at hinaplos ang likod nito para patahanin. Tumingin ako kay Jaxon at tinitigan ko siya ng mataman.
"Kasi..."
"Jaxon, sabihin mo na." pinanlakihan ko pa siya ng mata kaya wala siyang nagawa kundi ang sabihin sa akin.
"May thesis po kasi kami. Yung produkto namin kasi kulang pa ang budget dahil hindi pa po ako nakakapagbigay." mahina nitong tugon.
"Pero Ate Eos, huwag na po kayong mag-alala kasi iyong kalahati naman po eh kinita ko na po doon sa paglilinis sa library ni Mang Isko." sabi nito kaya napakunot ang noo ko.
"Sinong nagsabi sayo na magtrabaho ka, Jaxon? Hindi ba ang kabilin-bilinan ko sa inyong dalawa na wala kayong ibang gagawin kung hindi ang mag-aral? Ayokong magtrabaho kayo dahil responsibilidad ko iyon bilang kapatid ninyo." wika ko sa kanila ng may bahid na kaunting pagkainis.
"Ate naman! Hindi naman pwedeng umasa na lang kami palagi sayo! Nakikita na nga naming nahihirapan ka sa pagbuhay sa amin tapos gusto mo wala kaming gawin? Hindi ba pamilya tayo? Bakit ba gustong-gusto mo na sinasarili ang mga problema nating magkakapatid?" nakakunot noong sagot ni Jaxon at napatayo na ito.
Magsasalita pa sana ako nang lumabas ito ng bahay.
"Hayaan mo na po si Kuya Jaxon. Tama naman po kasi din siya eh. Wala naman pong problema kung tutulong kami sa iyon sa mga gastusin tutal ay may oras pa naman po kami para sa pagtatrabaho kahit na maliit na bagay lang. Naiintindihan ka naman namin Ate Eos pero sana kami din maintindihan mo." mahinang saad ni Nichola at pumasok ito sa loob ng kwarto.
Napahawak na lang ako sa noo ko at napapailing. Gusto ko lang naman ay huwag silang matulad sa akin na hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Mas pinili ko ang magtrabaho na lang noon nang masimulan ko na para lang mabuhay ko sila.
Ayoko lang naman na mahirapan sila dahil responsibilidad ko ang tumayo bilang magulang at kapatid nila. Napapunas na lang ako ng luha at nag-linis na lang ng bahay.
Hindi na lumabas pa ng kwarto si Nichola samantalang nakita ko naman sa kapit bahay si Jaxon na tumutulong sa paglabas ng mga panindang isaw at kung anu-ano pa.
Biglang tumunog ang cellphone ko na sobrang pinaglipasan na ng panahon kaya agad ko iyong sinagot.
"Hello?"
"Eos! May good news kami sayo! May nakita kami sa dyaryo na naghi-hire sila ng mga maintenance helper sa isang kompanya at triple pa ang kita kaysa sa karinderya na pinagtatrabahuhan mo!" masayang balita ni Adela sa akin kaya napangiti ako.
"Ganoon ba? Sige, magkita na lang tayo sa Lunes para malaman ko kung anu-ano ang mga kailangan kong papeles para dyan. Salamat, Adela ha."
"Naku! Ano ka ba, wala iyon no. Pambawi na din namin ito ni Habi sayo dahil sa pagpilit namin sayo kagabi na sumayaw kahit pa labag sa loob mo."
Napalunok naman ako at napahawak ng mahigpit sa cellphone. Wala silang alam tungkol sa nangyari at siguro nga ibabaon ko na ito sa limot sa buong buhay ko.
"W-wala iyon, ano ka ba. Ako nga ang dapat magpasalamat sa inyo dahil tinulungan niyo akong makahanap kahit papaano ng pandagdag sa mga gastusin namin."
"O siya, kailangan ko ng ibaba ito. Nandyan na kasi iyong amo kong sobra sa sungit." sabi nito kaya natawa na lang ako at nagpaalam na din.
Binilang ko ang hawak kong pera ngayon at hindi ko maiwasang pagbagsakan ng balikat. Itong limang libong ito ay kailangan ko pang paghati-hatiin sa lahat ng gastusin namin.
tatlong libo para sa seminar ni Nichola, limang daan para sa thesis ni Jaxon. Iyong isa pang limang daan naman ay pambayad ng kuryente't tubig.
Napahawak ako ng mariin sa natitirang isang libo. Kailangan kong makapaghulog sa katapusan sa pinagkakautangan namin. Malaki ang nagastos sa pagpapalibing kay Tiyo Hulio na halos umabot sa dalawampung libong piso.
Wala pa sa kalahati ang nababayaran ko at hindi ko alam kung saan ko huhugutin ang dalawang libong piso para sa panghulog ko sa inutangan namin.
Napaangat ako ng tingin nang may tumapik sa balikat ko.
"Ate, pasensya ka na sa inasta ko kanina. Alam ko naman kasing patong-patong ang problema natin ngayon pero lahat nilulunok mo para lang sa amin." wika ni Jaxon at umupo sa tabi ko.
Hinaplos ko ang buhok nito at nginitian siya.
"Ano ka ba, ayos lang iyon. Naiiintindihan din naman kita eh. Syempre lalaki ka at iba ang paniniwala mo tungkol sa pagbubuhay sa pamilya."
"Gusto ko lang naman po kasi eh payagan niyo kami ni Nichola na tumulong kahit paunti-unti lang lalo pa at 3rd year college na ako sa susunod na school year. Huwag kang mag-alala, 'Te. Kapag nakapagtapos na ako, tutulungan kita at hindi mo na kailangan kumayod ng kumayod." sabi nito at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Nag-init ang gilid ng mga mata ko at inakap ito ng mahigpit.
"Pasensya na ha. Kailangan niyo pa tuloy maranasan ang mga ganitong mga bagay sa mura ninyong edad. Hindi bale, kakain tayo sa labas kapag nakaluwang-luwang si Ate, ha?" sabi ko sa kanya at ngumiti ng tipid.
Tumango naman ito sa akin at napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)
RomanceEos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglalandas ang kanyang mga kamay pababa sa hita ko. Dapat ay pinipigilan ko siya sa ginagawa niya sa akin dahil labas na ito sa trabaho ko ngunit...