Chapter 31

8.9K 209 6
                                    

Isang linggo na din ang nakakaraan simula noong opisyal na naging kami ni Zel. Araw-araw niya akong hinahatid sundo sa trabaho kahit medyo malayo sa opisina at bahay niya.

"Ang blooming naman ng bebe na 'yan. Ganyan ata nagagawa ng pag-ibig eh." kantyaw sa akin ni Ate Aiora habang nag-aayos kami ng mga order na bulaklak.

Namula naman ang magkabilang pisngi ko at napangiti. Nahihiya ako dahil hindi ako sanay na sa ganitong bagay.

Unang boyfriend ko si Zel at hindi naman naging maganda ang paraan ng pagkakakilala namin. Ni sa hinagap ay hindi pumasok sa isip ko na magkakaroon kami ng relasyon ni Zel.

"Ikaw din naman, Ate. Blooming ka. Parang noong nakaraang linggo lang din nakita ko kayo-" tinakpan niya ang bibig ko at pinandilatan ako.

Kaya naman pala. Pumasok kasi si Hendrix sa shop at malaki ang pagkakangisi ng lalaki.

"Ako ba ang pinag-uusapan niyo?" tanong ni Hendrix at kinindatan si Ate Aiora.

Iniwan ko na lang sila doon at napangiti nang sawayin ako ni Ate Aiora.

Nag-ring naman ang cellphone ko at kinuha ko iyon sa may bulsa ko. Napangiti ako nang makitang si Zel iyong tumatawag.

"Hello?"

"Hi, beautiful. I miss you." malambing na sagot niya sa kabilang linya kaya hindi na halos mabura ang ngiti sa mga labi ko.

"Nambobola ka na naman. Parang kanina lang hinatid mo ako eh." sagot ko sa kanya kaya narinig ko ang paghalakhak niya.

"I will pick you up later. Pwede ka bang matulog ulit sa bahay ngayon? I want to be with you tonight." sabi niya at rinig ko ang pang-aasar ng mga kaibigan niya sa kabilang linya.

"Sige, sasabihan ko na lang ulit si Jaxon na umuwi para may kasama si Nichola. Ngayon lang ulit ha?" sabi ko sa kanya.

"Okay. I love you." lalo naman lumakas ang kantyawan sa kabilang linya kaya natawa ako.

"I love you too." sagot ko sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti nang patayin ko na ang tawag.

Bandang alas sais ng gabi ay saktong dumating si Zel sa shop habang naghahanda naman kami ni Ate Aiora sa pagliligpit sa shop.

"Ang lover boy mo nandyan na. Sige na at mauna ka na. May sundo ako ngayon kaya hihintayin ko pa." wika ni Ate Aiora.

Tinignan ko siya at mapanuksong tinusok ang tagiliran niya gamit ang daliri ko.

"Sino? Si Kuya Hendrix ba?" tanong ko sa kanya pero sininghalan niya lang ako.

"Hindi ang kumag na iyon. Manliligaw ko ang susundo sa akin!" sagot niya sa akin kaya itinaas ko ang dalawang kamay ko bilang tanda ng pagsuko at natatawang kinuha ang gamit ko.

"Una na ako, Ate. Ingat ka ha? Mag-text ka kapag nakauwi ka na." paalala ko sa kanya.

"Wow! Nanay lang, Eos? Mag-ingat ka din ha! Nako! Huwag kang tutulad doon sa kay nila Pia na hindi gumagamit ng kapote! Tignan mo nakakailang anak na ang mga talandi!" sabi niya sa akin kaya namula ang mga pisngi ko.

"Ewan ko sa iyon, Ate. Una na nga ako." lumabas ako ng shop at rinig ko pa din ang pagtawa ni Ate sa loob.

Sinalubong ko naman si Zel na prenteng nakatayo sa tapat ng sports car niya. Hindi ko maiwasang mapalabi nang makita kung gaano siya kagwapo sa suot niyang three-piece suit.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon