Chapter 21

8.8K 232 10
                                    

Mabilis na nagdaan ang araw at Biyernes na. Huling araw ko na sa trabaho. Mas lalo din umingay ang pangalan ko sa kompanya lalo pa at may mga nakakita noong sagutan namin ng mag-ina.

Isinawalang bahala ko na lang din naman dahil ano nga ba ang pwede kong gawin? Hindi naman napipigilan ang mga tao na pagchismisan ang buhay ng iba.

Abala ako sa pagpupunas ng salamin nang may bigla na lang tumulak sa akin.

"Paharang-harang ka kasi dyan." mataray na wika niya.

Huminga na lang ako ng malalim at nagtimpi. Simula pa lang noong pumasok kami sa kompanyang 'to ay mainit na ang dugo ng receptionist na iyon sa amin ng mga kaibigan ko.

Kung maikli ang pasensya ko ay baka napatulan ko na ang isang 'to. Nakalagpas na siya pero rinig ko pa din ang mga pasaring niya pati na din ng iba niyang kasama.

Tahimik na lang ako naglinis hanggang sumapit ang tanghalian. Wala ngayon ang mga kaibigan ko dahil isinama sila ng head namin sa isang convention kaya ako lang ang mag-isa.

Wala naman kasi na gustong lumapit sa akin simula noong kumalat ang mga balita tungkol sa akin. Pabor din naman sa akin iyon kaysa naman tirahin ako patalikod.

Kakainin ko na sana ang dala kong baon nang tumunog ang lumang cellphone ko.

Unregistered number iyon kaya isinawalang bahala ko na lang. Agad naman akong naka-receive ng text galing sa numerong iyon kaya binasa ko.

'Eos, this is Pia. I just wanna know kung may plans ka ba tonight? Sama ka sa amin if free ka.'

Agad akong nagtipa sa cellphone ko at sinagot siya.

'Okay lang naman, wala naman akong gagawin mamaya. Pasensya na pala hindi ko sinagot ang tawag mo, unregistered number kasi.'

'No, it's fine. We will pick you up later. Sabihan ka namin kung saan kami naka-park.'

'Sige. Salamat. Ingat kayo.'

Napabuntong hininga nga habang nakatitig sa cellphone ko. Hindi ba dapat mas piliin ko na lang din idistansya ang sarili ko sa mga taong may koneksyon kay Zel?

Ipinilig ko ang ulo ko at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Susubo pa sana ulit ako ngunit bigla na lang lumagabog ang pinto ng locker room.

Pagtingin ko sa entrada ay nakita ko ang nakataas na kilay ng fiancée ni Zel. Humalukipkip pa siya at naglakad palapit sa akin. Rinig na rinig ko ang maingay na paglapat ng takong ng sapatos niya sa marble na sahig.

"Bitch." usal niya at tinignan ako ng mapang-uyam.

Isinara ko muna nag pagkain ko at inilagay sa gilid bago tumayo.

"Ayoko ng gulo kaya kung maaari lang, tigilan mo ako."

"How dare you! Isa ka lang naman hamak na malanding napulot ni Zel sa isang bar pero kung makaasta ka parang ikaw ang fiancée! You're just a mere gold digger!" sigaw niya sa akin.

Napakuyom ako ng kamao ko. Hindi na ko magtataka kung paano niya nalaman ang tungkol sa kung paano kami nagkakilala ni Zel dahil sa likaw pa lang ng bituka ng babaeng ito, alam ko na kaya niyang gawin at alamin ang lahat para lang sa kabaliwan niya sa isang lalaki.

"Wala akong panahon para makipag-away sa'yo. Kaya kung maaari lang hanggang may respeto pa ako sa'yo, tigilan mo na ako. Ano bang kasalanan ko sa'yo at pinag-iinitan mo ako?"

Dinuro niya ako at kita ko ang galit sa mga mata niya.

"Zel called off our engagement party because of you! Kung hindi ka sana dumating sa buhay namin, this won't ever happen! Nilalandi mo ang fiancé ko! You are ruining our relationship! You are ruining all our plans!" mas lalong lumakas ang sigaw niya at itinulak ako.

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon