Chapter 33

8.7K 240 10
                                    

Sampung buwan na din ang nakakalipas simula noong lumipat kami sa Bulacan. Noong una ay hindi ako hinayaan nila Yell na umalis sa trabaho kung ang dahilan lang naman daw ay si Zel pero ipinaliwanag ko din sa kanila ang sitwasyon ni Habi kaya ang ginawa na lang ni Yell ay ako ang pinag-handle ng isa nilang branch ng flower shop niya malapit lang sa Bulacan.

Maayos naman ang nagiging takbo ng buhay namin. Minsan ay ako ang nag-aalaga sa anak ni Habi habang naghahanap siya ng trabaho. Minsan naman kapag walang pasok si Nichola at umuuwi siya sa Bulacan ay siya ang nag-aalaga kay Baby Matthew. Nag-dorm na lang kasi siya malapit sa eskwelahan samantalang si Jaxon naman ay nakatira pa din kay nila Pia.

Ayaw kasing pumayag ni Jaxon na tumira lang kay nila Pia ng hindi nagtatrabaho kaya hanggang ngayon ay siya pa din ang bodyguard ng mga anak ni Pia.

Wala naman na akong naging balita kay Zel. Pinipilit ko din kasing ibahin ang usapan tuwing bubuksan nila Ate Aiora ang tungkol sa amin ni Zel. Alam ko naman na may mali ako dahil hindi ako nakinig sa paliwanag niya pero anong magagawa ko? Sarado ang isip ko noong mga panahon na iyon at hindi naman na din siya nagbalak na hanapin pa ako.

"Eos, pasensya ka na ha? Alam kong may lakad ka ngayon pero kailangan ko pa iwan sa'yo ang anak ko. Last stage na kasi ng interview 'to at sayang naman kung hindi ko tatanggapin. Nahihiya na ako na ikaw ang bumubuhay sa amin mag-ina." sabi ni Habi habang buhat ang anak.

"Ano ka ba, wala iyon 'no. Matutuwa din naman sila Ate Yell kapag nakita ang napaka-cute kong inaanak. Matagal na kaya nilang gusto bumisita dito para makita ang anak mo." sabi ko sa kanya at kinuha sa kanya ang baby niya.

"Kahit na. Nakakahiya na talaga."

"Ikaw talaga! Dapat nga nagpapahinga ka pa eh. Magda-dalawang buwan pa lang simula ng manganak ka pero nagbibinat ka na agad. Sabi ko naman kasi sa'yo na ayos lang tutal nakakaluwag-luwag na ako." sabi ko sa kanya pero napanguso lang siya.

"Sige. Mauuna na ako ha? Mag-iingat kayo ng anak ko. Uuwi din ako agad o kaya ay susunod na lang ako sa'yo doon sa bahay nila Yell."

"Huwag na. Pag-uwi mo magpahinga ka na. Ako na bahala sa napaka-cute na bata na 'to." sabi ko sa kanya ng nakangiti.

Nang makaalis na siya ay nilaro-laro ko si Baby Matthew. Inilapag ko muna siya sa crib at inayos na ang mga gamit na kailangan ng inaanak ko.

Mabilis din akong nagbihis dahil ayaw kong iwanan ng walang kasama si Baby sa sala kahit pa nasa crib siya. Nang masigurado ko na nabunot ko na lahat ng nakasaksak at naisara ang mga bintana at pinto ay kinuha ko na ang malaking bag bago buhatin si Baby Matthew.

Sinigurado ko na naka-lock maigi ang pinto at lumabas na ng bahay. Mabuti na lang din ay nandoon na agad iyong ni-book kong grab.

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aaliw sa inaanak ko dahil medyo na-traffic kami. Nag-ring naman ang cellphone ko at agad ko iyong kinuha sa bag ko.

"Hello?"

"Eos! Where na you?" tanong ni Ate Cholita sa kabilang linya.

"Medyo malapit na din. Mga 30 minutes nandyan na kami." sagot ko sa kanya at hindi ko maiwasang mapangiti ng ngumiti si Baby Matthew.

"Uhm, bebe girl. Hindi pala namin nasabi sa'yo. Pupunta din lahat ng boys kasama si Zel pero hindi niya alam na pupunta ka din. Sorry hindi namin nasabi sa'yo." sabi ni Ate Cholita at rinig ko ang pag-aalala sa boses niya.

Naramdaman ko naman ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko sa sinabi niya. Bakit ba ganoon pa din ang epekto niya sa puso ko kahit marinig ko lang ang pangalan niya?

Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon