"Zel! Ibalik mo 'yan. Hindi mo naman kailangan ng maraming chocolate sa ref at bubulukin mo lang naman 'yan." sita ko sa kanya nang makitang may dinampot siya na isang supot ng m&m.
"No. I promise I will eat this one." sabi niya at napairap na lang ako sa kanya dahil kanina pa iyan ang sagot niya sa akin.
Isang buwan na din kasi ang nakalilipas simula ng magkaayos kami at hindi na talaga siya lumayo ni minsan sa akin. Pinilit niya akong tumira sa bahay niya at inilipat na lang malapit sa amin si Habi para hindi na daw ako mag-alala.
Ayaw pa pumayag noong una ni Habi dahil sobra-sobra na daw ang naitutulong sa kanya pero ayaw din naman magpatalo ni Zel. Magpupumilit lang daw kasi ako na kay Habi tumira at hindi na daw siya makakapayag na magkalayo kami kahit pa malapit na kaming ikasal.
Kasal namin. Sa susunod na buwan nga ay ikakasal na kaming dalawa nang hindi ko man lang nakikilala ang mga magulang niya. Tinanong ko siya kung hindi ba tutol ang mga magulang niya sa pagpapakasal niya sa akin pero nagkibit-balikat lang siya at sinabing papakasalan niya ako kahit anong mangyari.
Hanggang ngayon ay nag-aalala pa din ako ng dahil doon. Alam ko naman kasi na hindi nila ako gusto para sa anak nila. Ayoko naman na i-bring up kay Zel ang bagay na ito dahil paniguradong pag-tatalunan lang namin iyon.
"Anong iniisip mo?" tanong niya sa akin at pumulupot ang mga braso niya sa beywang ko.
"Naisip ko lang ang parents mo." pag-amin ko sa kanya kaya napabuntong hininga siya.
"They are coming home tonight. Gusto ka nilang makilala and I told them na ayaw kitang biglain kaya ipapaalam ko muna sa'yo." sabi niya na parang simpleng bagay lang iyon kaya napakagat ako sa labi sa kaba.
"Natatakot ako." sabi ko sa kanya pero hinalikan niya ako sa noo.
"Don't be. Hindi naman talaga sila tutol sa'yo. I'm sure they'll love you. Mas mahal nga lang kita." nakangisi niyang wika kaya hinampas ko siya sa dibdib.
"Ewan ko sa'yo! Ibalik mo iyong mga pagkain na kinuha mo na wala naman sa listahan. Huwag ka mag-aksaya ng pera." sabi ko sa kanya pero tinaasan niya lang ako ng kilay.
"Madami naman akong pera ha? Bakit kailangan natin magtipid?" tanong niya at inagaw sa akin iyong push cart na punong-puno.
"Wala sa pera iyan. Ang sinasabi ko lang naman, hindi naman mauubos iyan sa bahay kaya bakit napakadami mong binibili?"
"Paano kung buntis ka na? Mahirap maghanap ng pinaglilihian ninyong mga babae sa gabi. Pati ako noon ginugulo nila Wage kapag may gusto ang mga asawa nila." pangangatwiran niya kaya napakagat ako ng labi.
"Bahala ka nga dyan. Akin na iyan para makapila na tayo." sabi ko sa kanya pero hindi naman niya inabot sa akin. Inakbayan niya lang ako at nagsimula na maglakad habang itinutulak iyong push cart na walang kahirap-hirap. Napanguso naman ako.
Pagkatapos namin makapagbayad ng mga pinamili namin ay hindi niya pa din ako hinayaan na mag-buhat ng mga pinamili namin. Siya pa din ang naglagay non sa kotse hanggang makarating kami sa parking lot.
Nang mailagay niya na lahat sa trunk ng pinamili namin ay dumiretso na ako sa shotgun seat at siya naman sa driver's seat.
"Where do you want to eat?" tanong niya sa akin habang ini-start ang kotse niya.
"Sa bahay na lang. Magluluto ako." sabi ko sa kanya habang nire-replyan si Everleigh. Nagpapasama kasi ang batang iyon sa paghahanap ng apartment na malilipatan.
"Mapapagod ka lang. Let's just eat outside." sabi niya sa akin kaya napanguso ako.
"Magluluto na lang ako tutal nag-grocery naman na tayo. Hindi naman gaano nakakapagod ang magluto." katwiran ko sa kanya at itinago na ulit ang cellphone ko. "O baka naman may masama ka na naman balak kaya ayaw mo akong magpagod?" tinaasan ko siya ng kilay.
BINABASA MO ANG
Lascivious Series #4: Fumble and Twist (COMPLETED)
RomantikEos Carisa Amaro and Zechariah Lambourne's Story "Do you really want me that much?" tanong nito habang naglalandas ang kanyang mga kamay pababa sa hita ko. Dapat ay pinipigilan ko siya sa ginagawa niya sa akin dahil labas na ito sa trabaho ko ngunit...