Chapter 5
Since that day, Jesster and I have always talked through text. Tinotoo nga niya yung sinabi niyang "I'll text you tonight". Sa totoo lang noong una ay nag-aalangan ako kung rereplyan ko ba siya noong gabi na 'yon pero naalala ko na nangako pala ako sa kanya.Saka mukha namang harmless,in short mabait.
That's a promise kaya tinupad ko. It's kinda weird though we don't know each other much but we don't run out of things to talk about. Infact, magaan siya kausap hindi tulad noong ibang lalaki na sa simula ay papresko tipong mahahalata na may mali sa ugali o s personality niya.Aaminin ko naman noong hindi ko pa kilala personally yung lalaking nagsesend sa akin ng message ay talaga nga namang papresko pero nagkamali pala ako. Si Jesster kasi ay pa chill chill lang kaya siguro komportable akong kausapin siya. Noong gabi rin na iyon ay napagpasyahan namin na mag- alaman ng mga socmed para mas magkaroon kami ng other way of communication.
Hindi rin maiiwasan sa first conversation ng getting to know each other. Usapan about personal life pero hindi ko naman ikinwento lahat. I'm not the type of person na willing sabihin yung buong kwento when infact kakakilala or hindi pa naman matagal yung pinagsamahan. I know naman na ganon din mga sinabi niya,may mga limitations. Everything has limitations.
Nakakatuwa siya kasi out of nowhere bigla nalang siya magbibiro na ako naman bilang isang babaeng may mababaw na kaligayahan ay natatawa agad. I don't know why, mahirap akong pakisamahan pero bakit kapag kay Jesster everything seems easy?
"Hoy Amelie!" bumalik ako sa reyalidad noong ay sumigaw sa harapan ko at pagtingin ko ay si Eliana iyon. Nandito kami sa tapat ng canteen na tapat naman ng garden na pwedeng pagtambayan.
"Bakit ba?" Singhal ko naman sa kanya.
"Ay ate kanina pa kami nagdadaldalan pero hindi ka nakikinig, saang lupalop na ba nakarating utak mo ha?" hindi ko napansin na nagkukwento pala sila. Busy kasi ako sa kapapaikot ng phone ko habang diretso ang tingin
"Pasensya,puyat lang ako nanonood pa kasi akong drama hehe" palusot ko na lang pero hindi nakaligtas ang mapanghusgang tingin ni Mayel sa akin.
Sa katunayan ay hindi ako puyat nang dahil sa panonood kundi sa pakikipag-palitan ng message kay Jesster. We became friends,I guess.
Tinaasan niya ako ng kilay sabay irap. Malamang ay nakakapansin na 'yan lahat nalang ng mga bagay ay napapansin niya. Maski kasi kapag vacant ay madalas kong gamit ang phone ko at kausap ko si Jesster. Kaya madalas ko rin nahahalata na parati ang lingon ni Mayel sa gawi ko. Pinagsasawalang bahala ko nalang ang mga tingin niya kapag ganoon ang nangyayari.Hindi ko na kailangan lokohin ang sarili ko dahil alam ko na alam niya ang mga ginagawa ko.
Maya-maya pa ay narinig ko na kumalam ang sikmura ko .Saka ko lang naalala na tanging hotdog lang ang inalmusal ko kaninang umaga kamamadali sa pagpasok. Tumayo na ako at kinuha ang pitaka sa loob ng bag ko.
"Dito lang kayo,bibili lang ako ng makakain nagugutom ako" Tumango naman sakin si Eliana samantalang si Simon ay humugot ng pera sa kanyang bulsa
"Ayan bente bilan mo ako jowa" sinamaan ko siya ng tingin at akmang mumurahin nang bigla siyang magsalita "Charot lang, bilan mo ko buko na kala mong tubig" sabay abot ng bente at ngiti.
Binatukan ko siya at umalis na.Natatawa ako sa kanya dahil nilalait na naman niya ang paninda sa canteen pero bumibili naman palagi. Aside from beverages wala naman problema sa mga pagkain sa canteen dahil weekly naman ay iba-iba ang inooffer nila. Balak ko na lang bumili ng mineral water at brownies para naman maibsan ang gutom ko.
Papasok ako ng canteen nang makita ko si Jesster na nakatingin sa akin habang nakiki pagtawanan sa mga kaibigan niya. Bilang ako ay tinamaan nanaman ng hiya. Nahihirapan akong harapin siya sa tuwing nahihiya ako. Mahiyain ako lalo na sa mga crush ko.
Wtf? Crush ko na kaya siya? It's okay ,it's just a simple crush lang naman. Uso naman sa mga high school students 'yon. Well hindi lang naman ako sa basta nakikiuso lang basta I admit na crush ko sya 'yon lang 'yon.
I'm just going to pretend that he has no impact to me para hindi ako mas lalong asarin ng mga kaibigan ko.
Tinawag ako ni Ivan kaya lumingon ako sa kanya at ngumiti. Nakita ko naman ang pagsibangot ng mukha ni Jesster na hindi ko naman alam ang dahilan. Nakita ko na kinuha niya mula sa bulsa ang phone at nagtype siya. Hindi ko na lang pinansin at naglakad papuntang beverage station para bumili ng bottled water at ng buko juice na ipinapabili sa akin ni Simon saka ako nagpunta sa bilihan ng tinapay. Inaabot ko ang stub bilang bayad sa cashier ng biglang magvibrate ang phone ko na nasa bulsa ng palda ko.
I hurriedly picked it up to read the message.
Laking gulat ko na pangalan ni Jesster ang lumubas bilang sender. Obviously,ako ang imemessage niya nang makita ko na hawak niya ang phone niya. Inikot ko ang tingin ko sa canteen at nakita ko siyang nakatalikod kaya hindi ko niya ako nakita. Muli kong ibinalik ang tingin sa phone ko at binasa ang message niya sa akin
"Bakit kapag si Ivan may ngiti bakit kapag sa akin tingin lang?"
Kung pwede ko lang ireply sa kanya na nahihiya ako in person ay sinabi ko na. Yes,madalas ko siya makita pero I always do my best so that he will not able to see me nor meet but sometimes it's really hard to avoid. Kaya kapag nangyayari 'yon ay nagkukunwari akong busy sa pagtingin kung saan-saan habang ang mga kaibigan niya at kaibigan ko ay nag-uusap while him are always trying to catch my gaze. Naulit iyon ng naulit ng ilang beses pa.
"Nothing, I'm sorry" reply ko sa kanya. Pagkapindot ko ng send button nakita ko na hawak na niya ang phone niya habang may kagat-kagat na tinapay.
"I know that you are trying to avoid me whenever we are here in school but it's okay I know that you have your reasons" isa pa sa magandang ugali niya ay sobrang understanding niya sa mga bagay-bagay based on my observations. Naguilty naman ako kaya inayos ko ang reply ko sa kanya.
"Turn around" I told him so he could see me. Nakita ko naman ang pagharap niya sa kinatatayuan ko. Kumaway ako sa kanya sabay ngiti. Hindi ko alam ang gagawin ko para makabawi at saka nagrereklamo siya bakit si Ivan lang ang ngitian ko. Maya-maya pa ay nakita ko na napangiti siya sa ginawa ko.
Sumenyas ako na aalis na ako. I turned away even though he hadn't responded yet. Nakakailang hakbang pa lang ako ng may humigit sa braso ko kaya napahinto ako. Tumingala ako upang makita kung sino ang taong nasa harapan .
Nakita ko si Jesster na nakangiti habang may hawak na Cream-O,Frotees at Bottled Water. Ibinigay niya sa akin iyon samantalang ako naman ay nagtataka.
"For what?" sabi ko sabay pakita ng mga ibinigay niya na pagkain. "Just eat it when you're hungry" nangiti naman ako sa sinabi niya na iyon. Damn sweet gestures.
"Salamat" sabay talikod at naglakad, nagvibrate naman ulit ang phone ko kaya binasa ko ang message na natanggap.
"Ang ganda mo"
Iyon ay galing walang iba kundi kay Jesster. Huminto ako sa paglalakad at nakita ko pa siyang kumaway at tila sumaludo sa akin. Tinawanan ko siya sabay talikod,napansin ko na may sticky notes na nakadikit sa Cream-O " Please, smile always. You're more beautiful wearing that gorgeous smile"pagkatapos kong mabasa ay muli akong napangiti at umiling. Nagpatuloy na ako sa paglalakad at nagtungo sa mga kaibigan ko.
BINABASA MO ANG
One Last Song (ON-GOING)
RomanceHow would you explain how you feel if you are puzzled? Amelie Jane Narrio who fell in love in the guy with the cold voice. How could she avoid if as time went on she continues love that guy? How will she get rid of the feeling she has? How will she...