Chapter 9
Isang linggo bago ang foundation day sa aming paaralan ay hindi naging regular ang klase. Most of the time about sa foundation ang pinagkaka-abalahan ng lahat. Teacher, estudyante o utility ka man ng school ay ito ang inaasikaso.
Minsan half-day na lang ang nagiging klase at iilan lang ang mga teachers ang nagtuturo talaga. Madalas ay nakatuon ang pansin sa pagbibigay ng list o pag-eensayo ng mga kasali sa bawat laro. Maya't-maya ang pagbabalik-balik ng mga assigned students sa mga classroom para ipaalala ang practice per sports. Lakad dito at lakad doon ang ginagawa ng mga president kasama ang mga officer sa bawat section para asikasuhin ang mga booths na napili na ipatayo.
Naglaan ng malaking espasyo ang school para sa mga booths ng mga section. Maraming section ang sumali pero marami na rin ang hindi dahil sa tingin nila ay magagahol sa oras at sa iba naman ay hindi na nila ito pinag-aksayahan ng panahon.
For me, ayos lang iyon dahil siguro kung lahat ng section at grade level sa school ay magkakaroon ng booths ay baka hindi kaya ioccupy ng buong field at hindi impossible na magkaroon ng mga magkakamukhang booth.
Marami ang natuwa sa pagpapalit ng principal. Bakit?
Marami ang naging malaya na ipahayag ang mga suggestion nila sa principal ngayon. Like this event, talagang pinaglaanan ng oras ng mga SSG Officers ang pagrerequest ng ganito kabongga na event.
Luckily, pumayag agad ang principal at nagbigay pa ng malaking funds.
Sa halos tatlong taon ko na pamamalagi rito ay ito na ang masasabi kong pinakamagandang event na magaganap. Bukod sa pagkakaroon ng mga booths na madalas naman na maganap ay bali-balitang may special guest band na inimbitahan ang principal.
A day before the foundation day ay talagang wala ng teacher ang nagklase. Instead ay pinatulong na lang ang lahat sa mga gaganapin na events, booths at sa iba pang bagay. Na naging malaking tulong para mas maging maayos at mapaganda ang booth at ang buong school.
Today, I just wore oversized t-shirt, high-waisted ripped jeans and a white converse shoes with a tote bag.
Nandito ako ngayon sa Wedding Booth na naka-aasign sa aming section. I don't know why they picked this booth, maybe it will not consume a lot of time because it's just as easy as pie to decorate a wedding booth.
"Sean, pasuyo noong mga upuan sa vacant room malapit sa office para maiayos na rito" I asked one of my classmate
"Ilan ba Amelie?" he said. Hindi gaano kalaki ang space ng wedding booth ayos na siguro ang 15 chairs dahil marami pa ang ilalagay
"Ayos na siguro ang 15 chairs. Salamat!" I said as he nodded and walked away
Ipinagpatuloy ko ang pagbibilang ng kurtina na isasabit sa ilang part ng booth ng biglang dumating si Mayel.
"Buti naman pala may balak kang pumasok ngayon"sabi ko sa kanya dahil pasado alas-diyes na ng tanghali
"Hindi nga dapat ako papasok kaso sabi ni president sa group chat may attendance" she said while sipping in her drinks
" Totoo ba? Hindi na ko nakapag-online hindi ko nakita" I said
"Halata nga. Chinat kita para ikaw na lang ang mag-aattendance sa akin pero wala kang reply. Imbyerna na'to" kunwari pang pagkairita niya
"Gaga ka, wala ka namang gagawin sa inyo kung hindi gumulong sa higaan mo mas mabuting pumasok at tumulong nalang dito" I said to her at binigay ang ilang plastic straw na pantali
"May point ka naman sis. Diyan ka muna nagugutom ako. May ipapabili ka ba?" she asked.
Halos isang oras na ako rito kaya nagugutom na rin ako. Ilang oras pa naman bago mag-lunch baka hindi makaya ng mga alaga ko sa tiyan.
BINABASA MO ANG
One Last Song (ON-GOING)
RomantikHow would you explain how you feel if you are puzzled? Amelie Jane Narrio who fell in love in the guy with the cold voice. How could she avoid if as time went on she continues love that guy? How will she get rid of the feeling she has? How will she...