Prologue
"One,two,three, SMILE!"
Ginawa ko lahat mga pinagagawa ng photographer sakin. Ngiti dito, ngiti doon. Pose dito, pose doon. Wala akong karapatan magreklamo dahil isa lang naman akong hamak na baguhan sa industriyang ito. Naging gawain ko na ito tuwing wala akong masyadong ginagawa, hobby o libangan na rin. Hindi rin siguro ako mag uumpisa sa pagiging freelance model kung hindi sa isang kaibigan ko na freelance model din.
"That's all for today, Thank you Miss?"
"Amelie, Amelie Jane po"
"You're great Miss Amelie, kukunin ko ang number mo para mairecommend kita sa mga kakilala ko.You've done a great job!"
Ngumiti ako at binigay ang calling card kay Sir Agui. Umalis at sumakay na ko sasakyan ko at nagdrive papunta sa isang subdivision kung saan ako nakatira. Sobra-sobra ang pagod ko kahit ilang oras lang naman ang inilagi ko sa studio pero siguro dahil na rin sa sobrang puyat ko kaya ganito. Maya-maya pa ay nag ring ang phone ko mula sa bag, nagmadali kong kunin ito nang hindi inaalis ng tingin sa daan.
"Hoy Amelie, ano ayos ba?" Halos pasigaw na sabi ni Mayel na aking kaibigan.
"Oo ayos na, nako kung wala ka lang sakit binatok batukan na kita diyan"
Nakakainis, pano ba naman kasi itong kaibigan ko kung hindi lang siya inapoy ng lagnat noong isang araw hindi ko pag bibigyan na maging proxy niya sa modelling na inoffer sa kanya last month. Siya rin ang dahilan kung bakit pinasok ko ng pagmomodelo. Akala ko isang beses lang ako sasalang hanggang sa nagtuloy tuloy at nagustuhan ko na.
Isa si Mayel Guanzon sa mga kaibigan ko na ipinursue ang pagmomodel,well hindi naman siya full time may iba pa rin na pinagkakaabalahan bukod dito. Mula highschool ay magkasama na kaming dalawa, isa sa mga pinakamatalik kong kaibigan.
"Wag ka munang tumawag nagdadrive na ko pauwi kapag ako naaksidente mumultuhin kitang bruha ka!" naiinis na sabi ko sa kanya.
"Bye Amelie, See you when I see you!" nauna na niyang ibaba ang telepono.
Nakauwi na ko sa bahay na sakto lang naman ang laki para sa akin. Nabili ko ito a few years ago dahil sa pagiging teacher ko sa dating pinapasukang paaralan, pag tutor sa mga bata at dahil na rin sa ipon ng aking lola.
Wala naman akong gagawin sa bahay ngayon. Magsasayang lang ako nang isang buong araw kung maglalagi ako rito. Tinignan ko ang aking relo at napagtanto na maaga kaya nagpagpasyahan ko na pumunta sa pastry shop ko. Pasado ala-una ng hapon nang umalis ako sa bahay. I sell bite size products mirienda's na hindi naman kamahalan, kumbaga affordable naman. Nagsuot lang ako simpleng high waisted pants, hanging blouse at flats.
Binabalak ko na tumulong kung marami ang mga tao. Naipatayo ko ang shop kasama ni Mayel two years after naming gumraduate ng college. Maraming ipon ang aking lola kung kaya't bukod sa pagbili ng bahay ay nagtayo na rin ako ng business.
Habang pinapark ko ang sasakyan ay napansin ko na hindi naman masyadong marami ang mga tao dahil siguro katatapos lang ng lunch at marami pa ang mga tao na nasa kanilang mga trabaho at nasa eskwelahan.
"Good morning Maam A" bati sakin ng guard na tagabantay sa shop ko. Binati at nginitian ko siya bago nagtuloy tuloy sa pagpasok.
BINABASA MO ANG
One Last Song (ON-GOING)
RomanceHow would you explain how you feel if you are puzzled? Amelie Jane Narrio who fell in love in the guy with the cold voice. How could she avoid if as time went on she continues love that guy? How will she get rid of the feeling she has? How will she...