Chapter 11

6 0 0
                                    

Chapter 11


He confessed to me but not directly.

He really did.

My world suddenly stopped for a moment. I expected him to admit his feelings for me but I didn't it to happen so quickly. Paulit-ulit na nag-echo sa utak ko lahat ng sinabi niya. I'm totally shocked but at the same time ay sobra akong natutuwa o kinikilig ba ang tawag dito?

Nagtagpo ang mga mata namin saka siya ngumiti. Matapos 'yon ay parang walang nangyari. Hindi nagbago pakikitungo niya sa akin. Pagkatapos niya sabihin iyon ay bigla na lang niya hinila ang braso ko saka tumakbo. Wala akong nagawa kung hindi sundan na lang siya. Masyado na kaming malayo sa mga kaibigan ko dahil ilang sandali rin kami nakahinto sa daan at kala mong kami lang ang tao kung magtitigan.

Noong maabutan namin ang mga kasama namin ay nagtanong si Christoff kung saan kami galing dahil napakatagal namin sumunod. Ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang sinagot ni Jesster ang tanong na dapat ay para sa akin.

"Natanggal ang shoelace ko kaya inayos ko tapos si Amelie ay hinintay ako" He said while his left hand is in his pocket while the other hand was holding the strap of my bag

Tumango-tango naman si Christoff na paniwalang-paniwala sa mga alibi na pinagsasasabi ni Jesster.

Pilit kong dinidistansiya ang sarili ko kay Jesster. I don't know why. Is that because I'm just shy? Pero habang pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya ay pilit naman siyang sumusunod.

Just for example, I excused myself to them because I need to pee tapos pagtalikod ko at ilang hakbang palang ang layo sa kanila ay siya rin namang pagpapaalam niya na pupunta rin "daw" siya ng cr. Paglingon ko ay nakatabi na siya sa akin suot ang malawak na ngiti.

Meron pang pagkakataon na nasa isang booth kami para tumingin ng mga souvenirs. Maraming klase ng mga souvenirs tulad na lang ng mga keychain, tote bags, t-shirt, headbands and bracelet. Syempre tuwang-tuwa kaming magkakaibigan kasi cute yung mga designs. May kinuha akong headband na pangbabae pero balak ko ilagay sa ulo ni Christoff kasi feeling ko bagay sa kanya. Pero ang walanghiyang Jesster kinuha sa akin ang headband at isinuot sa akin.

Huli na bago pa ako makapagreklamo dahil nag flash na ang camera niya it means that he took a photo of me.

After that sinimangutan ko siya. Sa likod ng simangot na 'yon ay kinikilig talaga ako. As I remember that is the first time that he took a photo using his phone.Sana lang talaga ay maayos ang hitsura ko doon. Buti na lang cute ang napili ko ng headband na may design na butterflies.

He smiled as he looked at my photo.

Iiwas na sana ako ako ng tingin ngunit nahuli niya na nakatingin ako sa kanya pag-angat nya ng tingin. Muli siyang ngumiti at nilabas ang dila na tila inaasar ako kaya ako naman ay patuloy siyang sinimangutan. Lumapit siya sa akin saka ginulo ang buhok ko.

Maghapon na naging ganoon ang sistema. Paminsan-minsan akong nakakalapit kay Christoff para magbigay ng details sa mga nakikita niya. Tulad ng inaasahan ay madali naman niya nakakausap ang mga kaibigan ko para ngang close na close sila lalo na ng mga lalaki. Pero dahil ako naman ang nag invite sa kanya ay syempre ay dapat lang na intertain ko siya.

Tuwing lalapit ako kay Christoff ay nandyan ang masamang mga titig ni Jesster pero hindi ko na pinansin at iniirapan ko na lang ng pabiro. Magdamag namin na nakasama si Christoff. Masaya ako na nakikita ang kaibigan kong bugok na masaya kasama ang mga kaibigan ko. Bukod kasi sa akin na bestfriend niya ay iilan lang ang mga close o kaibigan niya talaga.

May dahilan din naman siya kung bakit pihikan siya pagdating sa pagkakaibigan.

Naghiwa-hiwalay na kami bandang hapon dahil bukod sa maghapon na kaming nag-iikot sa buong school, kain dito kain doon dahil sobrang daming stalls o booths ang ipinatayo ay pare-parehas kaming pagod.Isama pa na nagkaroon ng mga palaro na go naman kaming nakisali.

One Last Song (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon