Chapter 2

19 0 0
                                    

 Chapter 2


Mula noong araw na 'yon ay hindi na ako tinigilan ni lola sa pang-aasar niya. Hindi ko man lang daw sinabi na may isang gwapong lalaki na umaaligid sa akin. Mas lalong hindi ko sasabihin dahil noong araw lang din na iyon ko nakilala at nakausap 'yon. Kung alam lang daw niya na may maghahatid sa akin pauwi edi sana inaya daw niya na kumain sa carinderia. 

Hindi naman daw siya magagalit ay iwewelcome pa niya yon ng buong puso. Hindi naman ako makakuha ng tamang pagkakataon na ipaliwanag ang nangyari dahil ibubuka ko palang ang bibig ko para magsalita ay para na siyang teenager na binubuduran ng asin.

Nakakatawa si lola kapag ganyan ang inaasta niya. Hindi ko ba alam kay lola kung ano-ano nalang ang naiisip. Ang gwapong binata daw at pasok na pasok sa mga tipo niya para sa akin. Mula din noong araw na iyon ay hindi ko na ulit siya pinansin,well talaga hindi naman dahil hindi pa naman nagkukrus ang landas namin. Mabuti na rin 'yon.

Hindi ko rin alam kung magpapasalamat pa ba ako sa kanya o wag na lang dahil hindi naman big deal 'yon. Ang tanging big deal lang naman kasi sakin ay kung bakit kung makadikit at kung makakausap sa akin ay akala mong napakatagal na namin magkakilala.Sumagi rin sa isip ko na siguro ay mabait lang siya,kaya niya nagawang kausapin ako dahil nangngailangan ako ng tulong. Buti na lang hindi ko siya nakikita sa ngayon.Hindi ko nalang gagawin na big deal ang pangyayari na iyon.

Maaga akong pumasok ngayon. Pagpasok palang  sa room ay agad akong sinalubong  ni Mayel, isa sa mga naging kaibigan ko.Siya lang ang kaibigan kong matalik na naging kaklase ko  this year at absent nnoong first day kaya wala siya.

"Amelie, ano kase pwede ko bang ibigay number mo don sa nanghihingi?" Napapakamot ulo pa niyang sabi sakin. Aba, sino naman kayang hihingi ng number ko?

"Huh? Bakit naman daw kukunin ang number ko? Teka nga, sino ba yan ?" nagtataka ko namang tanong.

"Eh wag ko daw sabihin sayo pangalan niya, gusto ka lang daw makilala. Saka wag kang mag-alala kilala ko siya at nasisigurado kong mabait siya" nakangiti niyang sabi sakin wala naman na akong  magagawa.Pumayag nalang ako sa kanya.

"Sige, bigay mo nalang bahala na basta pag yan may gawin saking mali,malilintikan ka sakin"natatawa ko namang sabi sa kanya.

Nagmadali na siyang umalis at bigla daw siyang tinawagan ng kalikasan. Ibibigay nalang daw niya pag nagkita sila. Break time namin at dahil ayoko pumunta sa canteen,masyadong siksikan madalas.Nagpabili na lang ako nang makakain kay Mayel. Nanatili nalang ako sa loob ng classroom at nagbasa na lamang ng dala kong libro. Muntik ko pang mabitawan ang hawak ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

From: #0921+++++++

Hi Amelie :)


To: #0921+++++++

Who are you?


From: #0921+++++++

Someone who likes you. :)


Napairap na lamang ako siguro ito yung sinasabi ni Mayel. Hindi ko nalang pinansin dahil wala ako sa mood sa mga oras na ito.Hindi ko gusto muna makipagkilala lalo na't madalas akong may iniisip na tao. Lumabas nalang ako ng room nakaramdam ako ng gutom dahil hanggang ngayon ay hindi pa bumabalik si Mayel. Habang papunta ng canteen ay may mangilan-ngilan na bumabati na kakilala. Ginagantihan ko naman sila ng ngiti.

Nang makabili na ako ng makakain ko ay tumabi na ako kay Mayel kasama ang ilan naming mga kaibigan. Sila Eliana, Liberty, at Simon ang nag iisang maganda sa grupo namin. Sila Eliana, Liberty at Simon ay napunta sa kabilang section dahil late sila nagpaenroll ngayong taon. Nagkukwentuhan sila nang maabutan ko kaya noong makita nila ako kay binati ako.

"Hoy Mayel, alam mo bang napakatagal mo nagugutom na ako. At may nagtext sakin na lalaki. sabi ko  sa kanya habang sumusubo ng burger na  binili ko.

"Siguro yaan na yung sa pinagbigyan ko" sabi niya habang nakatingin sa entrance ng canteen

"Halata nga,hindi ko gusto entrada niya sa pagtetext ha,naiirita ako" sabi ko sa kanya

"Sige lang bakla wala naman masama kung magkakaroon ka ng katext" maarteng pagkakasabi pa saking sabi ni Simon.

"Paano naman kasing hindi ka maiinis sabi ba naman "Someone who likes you" Sabi ko habang ang lahat naman ng mata nila ay nakatingin  habang kinikilatis para bang may nagawa akong mali.

"Aba eh maganda yan baka magkalovelife ka na niyan,gwapo ba?" sabi naman ni Liberty habang nakapangalumbaba sa akin at panay ang taas baba ng kaniyang kilay.

"Hindi ko alam kay Mayel hindi ko pa naman nakikita at siya lang ang nagbigay ng number ko don" sagot ko kay Mariel habang sila naman ay sunod sunod na lumingon kay Mayel na para bang mga aso na handang hagisan ng buto.

Lumapad ang ngiti ni Mayel sa aming lahat at para bang nagniningning ang mga mata.

"MAKALAGLAG PANTY MGA BAKLA!" pasigaw na sabi ni Mayel kaya pati mga katabi na lamesa namin ay lumingon sa amin.

Wala na kong nagawa ng nagsigawan at mga nag iritan sila na kala mo namang nakita na nila yung sinasabi na lalaki ni Mayel. Binawal ko sila dahil nakakabulabog kami ng ilang tao na kumakain ngayon.Nag-sorry na lamang kami sa mga katabi naming lamesa. Buti na lamang ay break time kaya ayos lang na mag ingay sa canteen kung hindi pare-parehas na kaming napalayas dito.

Napailing na lamang ako sa kanila at kung ano ano na ang sinabi nila sa akin. Dapat ganito yung reply ko dapat hindi ko sungitan. Dapat replayan ko agad. Hindi dapat daw kasi pinag-hihintay ang isang lalaking makalaglag panty. Naiinis ako kasi mas excited sila at tinuturuan pa talaga ako.

Hanggang sa lumipas ang buong maghapon ay napuno sila nang pang-aasar sa akin.Umuwi na ako sa bahay dahil marami rami ang inuwi kong mga activities at assignment namin. Tinamad aking gawin sa school kaya dito ko nalang sa bahay gagawin.Sa sobrang pagod na rin siguro dahil sangkatutak ang ginawa ko ay nakatulog ako sa study table.

From: 0921+++++++

Good Evening.

Naalimpungatan ako nang mag vibrate ang phone ko. Hindi na ako nagulat na nagtext ulit siya dahil hindi naman siya nireplyan kanina.Tinignan ko lang ito at bumalik sa pagkakatulog.

One Last Song (ON-GOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon