Chapter 1 One Hot Summer

2.3K 26 0
                                    

"Love comes from the most unexpected places. In someone's eyes you've never met
who wants to get to know you, In someone's smile you can't forget."
                       - Barbra Streisand

Summer na naman. 'ME' time ko para mapag isa habang nagbabasa ng Mills & Boon romance books. Of course, bonding time din with my family baka hindi na nila ako kilala.

Biglang nasira ang pagmumuni ko. "Anong 'ME' time at bonding-bonding. Dapat makisama ka. Magsummer ka din. Isummer mo iyong elective mo. Tuturuan mo pa kami para mapasa na namin mga back subjects namin. Kung hindi, goodbye graduation!" Ayan si Louise. Gusto niya lagi akong nasa lakad ng barkada parang hindi sila mag-eenjoy kung wala ako. Pito lahat kami sa grupo -- si Leih, Chloe, Gabbie, Geri, Cheska, Louise at ako.

I told them, "it's not my fault if you have back subjects. I can take the elective next schoolyear, second semester, no hurry!"

"And mope away your vacation. Don't be a spoilsport. Sasabayan ka ni Leih para whole day na din siya. Who knows your professor might be Wilber!" Gabbie pointed out to me.

"Oops! At sino naman si Wilber? At bakit gugustuhin ko naman siyang maging Polsci prof? Any prof will do," ang pagulat kong sagot.

Sabay-sabay silang nagtawanan. Si  Geri ang nagpaliwanag sa akin, "for a smart and intelligent woman like you, when it comes to boys, you're naive!"

"That's what's wrong with you. Bahay-school ka parati. Hindi ka sumama sa amin last Friday sa basketball game. Sana napanood mo paano maglaro si Wilber at di ka aanga-anga kung sino siya," Leih reprimanded me.

"Weren't you supposed to be the aanga-anga here. Ba't pinapasa mo sa akin ang korona porke hindi ko lang napanood si Wilber, kung sino man siyang Pontio Pilatong pinagkakaguluhan niyo" sagot ko. Nagsisimula na akong mapikon.

"Naku, day! Kung napanood mong game baka hindi mo na gugustuhing umuwi. Crush ko nga siya since freshmen pa tayo," sumabat na din si Chloe ang supposed to be  pinakamanang sa amin.

"Guys, are you making him your selling point so that I will enrol this summer. I hardly know the man,"  nayayamot na ko. Patuloy ko pa, "I don't even know whether I will like him or vice versa. Besides, he's already Chloe's crush. Don't want to compete with a friend. At I'm sure hindi ko type yan considering older siya sa akin."

"Okay fine, enrol ka pa rin. Do this for us na kailangan ang intelligence mo?" himok ni Leih.

"Oh c'mon! That's emotional blackmail!" argumento ko.

"Kaming bahala sa lunch and snacks mo," engganyo ni Cheska na akala ko eh kakampi ko.

Pinandilatan ko ng mata si Cheska para ipahiwatig ang disappointment ko sa kanya. Ngumisi lang siya.

"Ok, fine! You won. Kelan tayo mag-eenrol para masabi ko sa mga parents ko," ang sabi ko sabay pagtaas ng mga kamay ko.

Nang bigla na lang silang nagbubulungan at naghahagigikan. "So what is it this time?" naiirita kong tanong.

Si Louise ang sumagot, "Andiyan na siya. Dadaan siya dito!'

"Ha? Sino?"

"Si Wilber. Grabe, ang guwapo niya talaga. Masculine na masculine!" ang dagdag ng kinikilig na si Chloe.

"Stop it, girls. Hindi na kayo mga high schoolers. Malapit na nga kayong grumaduate sa college." Sabay lingon ako sa pinagkakaguluhan nila.

Hindi ako makapaniwala na tama sila. Parang isang warrior god ang Wilber  na tinutukoy nila-- matangkad, matipuno, parang gusto mong magpayakap sa kanya. Ano bang mga sinasabi ko? Nahawa na yata ko sa mga friends ko. May Wilber fever na din ako? Agad kong binawi ang paningin ko at hinarap ang mga kausap ko.

"Bakit nagbablush ka, friend? Tinamaan ka noh?" tukso ni Louise.

"Excuse me, eh parang kuya ko na yan eh. No way!" laking tanggi ko.

"Huwag magsalita ng patapos baka kainin mong sinabi mo," diin ni Louise.

"Halina nga kayo. Umuwi na tayo at late na."

"Sinabi mo eh basta tandaan mong araw na ito ha? Yung tigas tumanggi siya ang tinamaan ng husto," ayaw pa din akong tantanan ni Louise.

Kinagabihan, hindi ako makatulog kasi sumagi sa isip ko yung sinabi ni Louise. "Hindi dapat mangyari yon. Studies ang focus ko at hindi mga lalaki. Distractions lang sila na I can't afford." Pero bakit parang hindi ako convinced sa sinabi ko, hanggang sa makatulog na rin ako.

And would you believe, napanaginipan ko si Wilber. Siya daw ang prof namin sa Polsci. It's a nightmare pero parang ayokong magising.

Sa panaginip, lumapit daw si Wilber sa akin. At sa harap ng klase, sinabi niya sa akin, "Ms Maria Labrador, will you marry me?"

I was so thrilled kaya sinagot ko siya with all fervor, "Yes, yes, yes!"

"Arya, gising binabangungot ka!" si ate Trish lang pala.

"Bakit mo ko ginising? Ang ganda ng panaginip ko, nawala tuloy. Spoiler!"

"Hoy Arya, siguro lalaki ang napapanaginipan mo?" biro ng ate ko.

"Oo, ang pinakagwapong lalaking dumating sa buhay ko"

"Boyfriend mo? Akala ko pagkagraduate mo saka ka pa lang makikipag-boyfriend?" paalala ni ate.

"Haha oo naman, ate. Yung sinasabi kong lalaki long distance affair. Ni hindi nga niya alam na I exist, hehe."

"Ewan ko sa iyo, puro ka kalokohan. Basta pag nagkaboyfriend ka, lagi lang ako nandito. You can confide in me. We're sisters, remember?"

"Ano ba yan, ate! Madaling araw, gusto mo yatang magkaiyakan pa tayo. Bumalik ka na sa kama mo. Istorbo ka rin, eh!"

"Hahaha, sige matulog ka na uli. Maaga pa at baka mahabol mo pa yung panaginip mo," sabay balik sa kama niya. Roommates kasi kami.

How I wished pero siyempre hindi na bumalik ang panaginip ko.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now