"We can laugh about it, how time really flies. We won't say goodbye, 'cause true-love never dies. You'll always be beautiful in my eyes." - Joshua Kadison
Mukhang may permanent driver na ako. Nagpeprepare pa lang kami ni Molly ng breakfast, may kumatok na sa aming pinto. "Ako na, Molly. Paki-set na lang ang table. Thanks."
Wonder of wonders. Ang Wilber. "Good morning, sweetheart," ang mokong humalik pa, pero sa cheek lang naman. Expecting more, Arya?
"What are you doing this early? And why the suit?" Siyempre sabi ko lang yun pero gwapong-gwapo ako pag naka-suit siya.
"First, I'm your driver. Second, may arraignment ang client ko kaya ihahatid muna kita before I go to court." Masayang sabi niya.
"You're absurd baka mapagod ka that you won't be able to think straight during arraignment. Hindi mo alam nag-plea na nang guilty ang client mo," protesta ko.
"Wala ka bang tiwala sa akin? What's that smell?"
"Bacon, nag-breakfast ka na ba?"
"I was hoping aalukin mo ko."
Natawa ako. "Presumptuous! Sige maupo ka na. Molly pakidagdagan ng plate. May visitor tayo."
"Hi Molly, I'm Wilber but no longer a visitor," buti at nakuha sa tingin at hanggang dun lang ang intro niya. "Si Nuelle, hindi ba siya sasabay?"
"Still sleeping. Later pang gising niya."
Binilisan kong pagkain. "Finish your food, sir. Maliligo lang ako." Paalam ko kay Wilber.
"I can scrub your back." Hindi na nahiyang sabihin habang andun si Molly. Napangiti tuloy ang dalaga.
"Shut your mouth! May dalaga tayong kasama," pinagalitan kong batang mokong.
"Okay lang po, Tita. Ang cute niyo nga mag-usap, para kayong mag-asawa," aba, may boses pala si Molly kasi malimit, tango lang ng tango.
"Hay naku, ang mga kabataan ngayon!" Sabay sabay kaming napatawa.
Iniwan ko muna sila para mag-ayos sa pagpasok. Siyempre dressed to the hilt ako para match kami ng mokong ko.
Nang nasa harap na niya ako, napanganga ang lolo niyo. "Oh, ang bibig isarado baka pasukan ng langaw," biro ko sa kanya. Tawa ng tawa si Molly sa background.
Hindi pa rin makapagsalita si Wilber. Naging bato na yata. Naku, help! Baka malunok siya ni Darna.
"Ate, pakigising ng 8 si Nuelle. Huwag kalimutan ang vitamins. Paki-remind 2 hours lang sa TV at 1 hour sa gadget. Alam mo naman kung paano ako kokontakin pag may emergency." Nakatingin pa din si Wilber, daig ko pang batang hinuhubaran.
Siniko ko nga. "Ano, nganga bells ka na lang diyan? Late na tayo."
"You're so beautiful, sweetheart. Dito na lang kaya tayo sa house," marahan niyang binulong sa akin.
Natawa ako."Parang kang asong naglalaway. Tigilan mo na."
Paglabas ng bahay, inakbayan niya ako at bumulong, "Baka matalo ang kaso ko sa kaiisip sa iyo na baka biglang may mga umaligid na mga bubuyog."
"Don't worry, allergic ako sa bubuyog," pagtaas ko ng mukha ko sa kanya. Kinabig niya ako at hinalikan.
Sabay bulong, "Are you sure you don't want to stay home?"
Natetempt na ako pero may school responsibilities ako at siya naman may legal obligations kaya, "Don't seduce me, sir! Alam mo naman mga trabaho natin come first."
Napabuntung-hininga na lang siya at inalalayan na niya ako sa kotse.
"Is it true na kaya tayo nagkahiwalay ay umalis kang papuntang US? Iniwan mo ako?" Ano ba yan, walang kaabog-abog ang pagtanong niya.
"Yes, partly. But I'd rather we talk about it privately." Sinarado ko na.
"At ang separation natin ang cause ng car accident ko?" Relentless. Malungkot ko siyang tinignan.
"Apparently, are you mad at me?"
Ngumiti siya at ginagap ang kamay ko. "Remember, nabura sa isip kong mga yan so I wouldn't care less."
"Paano pag bumalik ang memory mo?" Biglang nanlalamig na ako.
"Sweetheart, I will still love you. You're the only one for me."
Gusto kong maiyak. Naramdaman niya siguro na naasiwa ako kaya hinalikan niyang kamay ko. "Trust me."
Nakarating na kami sa school. "Ang mga bubuyog, huwag papalapitin. I love you, sweetheart."
"Sige na baka ma-late ka pa?"
"Aren't you forgetting something?" At nanulis na naman ang mga nguso. Hinalikan kong dalawang daliri ko saka dinampi sa mga labi niya.
"I'm late. Take care, sir. I love you, too." Sabay talikod pero narinig kong tawa niya.
Hindi pa siya nakakaalis, nag-ring ang phone ko. Caller: Sir Sinagot ko siya at nilingon ko, "What?"
"I thought you won't say the L word. Don't forget to miss me!"
Nginitian ko lang siya at diniskonek ng phone. Sumaludo siya sa akin at umalis.
Nasa labas pa lang ako ng office ko naamoy ko nang honeysuckles, cloud honeysuckles, my favorite.
Pagpasok ko nakita ko na ang isang bouquet ng honeysuckles sa table ni Rosalie. Alam ko na agad para sa akin yun at isang tao lang ang magbibigay nun.
"Boss, this came for you, five minutes ago. Magaling ang timing parang alam na parating na kayo." Naku, pagpipiyestahan na naman ako.
Hahawakan ko pa lang ang bouquet, nagring ang phone. Your guess is as good as mine. "Do you like them?" Alam kong nakikinig si Rosalie kaya kinuha ko ng bouquet at pumasok na sa office ko.
(Pagpasok ko, tumawag ng palihim kay Lorrie si Rosalie, "Sis, kinikilig ako. Si Atty, pinadalan ng bouquet ang boss ko. Imported na cloud honeysuckles."
"Sana ol! Kelan kaya may magpapadala sa atin ng imported flowers? Kilig to the max din ako," komento ni Lorrie.
"Dumating na ba si Atty?"
"May hearing, baka hindi makabalik."
"Ang sweet naman. Kapapasok pa lang ni boss, tumawag agad."
"Kainggit naman talaga. Ang tagal na niya akong secretary pero kahit isang dama de noche hindi pa ako nabibigyan." Sabay silang tumawa.)
Back to me, ako yung bida dito, ah!
"You don't have to do this. Ang mahal kaya nito. Am sure inimport mo pa ito," ang sagot ko sa kanya.
"You deserve more, sweetheart. Enjoy the flowers. I love you."
"I love you, too. Good luck sa case mo."
Paglabas ko. Nag-usi kaagad si Rosalie. "Boss, grabeng bango ng mga flowers. Imported po ba yun? Kay Atty po ba galing ang mga yun?
Natawa ako. "Rosalie, obvious naman di ba?"
May follow up question pa. "Nanliligaw po ba siya or kayo na?"
"Ask him," simpleng sagot ko saka labas ng office, nakangiti.
(Hindi pa ako nakalayo. "Sis, confirmed galing kay Atty ang mga flowers. Nanliligaw bang boss mo sa boss ko? Baka sila na pero wala pa tayong kaalam-alam?
Mag-imbestiga ka naman para hindi naman laging ako may scoop.")Ang mga sekretarya talaga hindi pwedeng hindi itsismis ang mga activities ng mga bosses nila. Let them enjoy. I am happy. Nothing can affect me anymore.
A.N.
Dear readers: my next publication will be on November 4. But it will be worth the wait. Thank you for enjoying my story.
YOU ARE READING
I Love You, My Handsome Prof!
Romance"I Love You, My Handsome Prof" is the second series in My "I Love You Series" collections. And it will be my first time to write in the first person and in Taglish. It is a simple story of love that started in the campus and off. Boy meets girl. Boy...