"Somebody said you got a new friend. Does she love you better than I can?" - Calum Scott
After last night, hindi na siya nagpakita pa even hanggang sa pag-uwi. Namiss siya ni Nuelle. Si Nuelle nga lang ba?
School holiday ang Monday at naka-emergency leave naman ako ng Tuesday. May fever si Nuelle. Nanay duties first. Buti na lang nothing serious, lagnat laki lang siguro.
Wednesday. Sumalubong sa akin ang note ni Wilber. "What happened?"
Now, mayroon na akong excuse to go to his office. Wala ang secretary niya kaya dumerecho na ako sa office niya.
Pag pasok ko, may visitor pala siya. "Oops! I'm sorry, may visitor ka. Sorry to intrude. I'll come back later."
'It's alright! Arya, I would like you to meet, Atty. Cynthia Palisoc, my fiancee. Cynch, this is Arya Labrador, my former student and now, Dean of Student Affairs of the university."
Parehong kaming nagulat. I remember her. Siya yung preference ng nanay ni Wilber na wife material. Ibubuka ko na sana ang bibig ko para sabihing we had met already pero...
"Nice to meet you, Dean Labrador!" Dedma siya na parang hindi pa niya ako nakikita. Kaya I played her game.
"Nice to meet you, too!"
Teka, eh loko din pala itong mamang ito. Noong isang gabi lang, nakikipagflirt siya sa akin tapos may fiancee on the side na pala. Kelan pa naging flirt ito? I am hurting.
Hindi ko pinahalata ang feelings ko. Masyado kasi akong feelingera. Masyado akong nag expect na after five years eh ako pa din laluna may amnesia siya.
"I'll go back to my office.""Wait! Bakit ka pala pumunta dito?" Pahabol pang tanong ng mokong na ito. Pero kunwari hindi ko siya narinig.
Sa loob ng office ko, kulang na lang maglupasay ako sa sama ng loob. The nerve of that man. Tuluyan na sanang mawala ang memory niya. Erase!Erase! Hindi pala maaari yun. Paano si Nuelle? Weeh! Si Nuelle lang?
Hindi ko napansin kasunod ko pala si Godzilla (Cynthia). "May I talk to you?"
"Sure, have a seat!"
Pagkaupo namin. Hindi talaga siya nag-aksaya ng oras. "Why did you come back? Ano'ng motibo mo at talagang dito ka pa nagwork kung nasaan si Wilber. Really?"
"First of all, my being here is none of your business. Eh ikaw bakit hindi mo sinabi kay Wilber that we met before sa celebratory party niya?" Counter question ko sa kanya.
"I am his present, you were his past. Hanggang doon ka na lang. Past niya so why come back? You left him, remember?" Matapang sumagot.
Pero mas matapang ako. Magpapatalo ba naman ako eh ako ang bida dito. "I maybe his past. I'll make sure that I am his future. He loves me and you know that kaya ka nga nandito. You're threatened by my presence."
"Ang kapal mo naman! How can you say that? Eh hindi ka nga niya maaalala. My former student?" Aray! Sapul ako dun.
"Eventually, he will remember me."
"Talaga lang, ha? Once, he remembers you, he will hate you from here to hell. You're the reason for his accident," inakusahan niya ako. Nabigla ako sa sinabi niya kaya nakatingin lang ako sa kanya.
Patuloy niya, "he chased after you. Hinahabol niya ang flight niyo. Yes, nagbook siya ng flight, the same as yours, to surprise you. So how could you say knowing this na may future pa kayo?"
Para ako'ng pinagsakluban Ng langit at lupa. Hindi ko na maintindihan kung ano pang sinasabi ni Cynthia. Bigla akong napako sa kinatatayuan ko. "Please leave!"
"With pleasure! I hope hindi na magkukrus ang mga landas natin. Ms. His Past and can never be the future. Stay away from him. He's mine, " patuya niyang sabi habang umaalis siya.
Pag alis ni Cynthia, nagbilin ako kay Rosalie, my assistant ma walang iistorbo sa akin.
Saka pa lang ako umupo sa sofa at umiyak. How could I do that to him? At how did he know I was leaving? Bakit hindi niya sinabi sa akin na alam na niya ang plano ko? Ano ba, Arya? Ikaw nga nilihim mo sa kanya. Saka surprise niya nga sa iyo eh. Hayun lang talagang nasorpresa ka sa nalaman mo. For sure, his family hate na hate ka laluna si madir. Binigyan mo siya ng excuse to scratch you from Wilber's life.
Ngayon, paano pa ako mag eexplain. Wala akong valid reason. And, I have to break the news kay Nuelle. Hindi ako worried kay Nuelle. At her young age, very supportive siya sa akin at she's my bestfriend, visa versa. Madali siyang makaintindi at alam niyang naging sitwasyon namin ng daddy niya.
Si Wilber na lang. What if magbalik ang alaala niya? Will he hate me that he won't be ready to hear me out?
Nasa ganito akong kalagayan, nakatungo at humihikbi, nang biglang nagbukas ang pinto. "Rosalie, no visitors di ba?"
Pero laking gulat ko, si Wilber ang pumasok kasunod si Rosalie. "Sorry, boss. May appointment daw siya sa iyo."
"That's alright. Nakalimutan ko. Pakisarado na lang ang pinto."
"What happened? Are you crying? Is it Nuelle? How is she?" Sunod-sunod niyang tanong sabay upo sa tabi ko. Inabot niyang panyo niya sa akin.
"No, no! Nuelle is better now, napuwing lang ako. Ang hirap alisin," palusot ko.
"Let me see that," sabay binaling niya ang mukha ko sa kanya. Para akong nakuryente sa kamay niya kaya napaiyak na akong tuluyan.
"What's wrong?"
"Is it okay if you leave me alone? I don't want to be rude kaya lang I want to be left alone, please?" Pakiusap ko sa kanya.
"Are you sure? You can tell me what's bothering you? I want to help," gusto ko ng magwalk out. Hindi ko matagalan ang pinakikita niyang concern.
"I'm alright! Nothing I can solve on my own. Thanks, anyway. Isosoli ko itong hanky mo. Labhan ko muna."
"As long as pag balik mo may perfume mo," nakangisi siya. Tinignan ko siya ng masama. "I'm serious. I'll leave now,"
After five minutes, nagping ang email ko. "I'm only here on the other side of the wall," at may smiley emoji blowing a heart. Oh Wilber! What am I gonna do
YOU ARE READING
I Love You, My Handsome Prof!
Romance"I Love You, My Handsome Prof" is the second series in My "I Love You Series" collections. And it will be my first time to write in the first person and in Taglish. It is a simple story of love that started in the campus and off. Boy meets girl. Boy...