"I hope you know that this has nothing to do with you. It's personal, myself and I. We've got some straightenin' out to do."
- FergieNatapos ang first sem, napuno ng magagandang kulay ang love life ko. Naging isang maganda at maligayang inspirasyon si Wilber. Nakahabol ako sa mga grades ko. Lahat ng mga exams ko ay na-perfect ko. Hindi naman kasi nagpabaya sa pagreview sa akin si Wilber. One disadvantage pag boyfriend mo ay teacher, bantay-sarado ka sa pag-aaral mo.
Tapos na kaming mag-enrol, full scholar na naman ako. "I am so proud of you, sweetheart!" sabay hapit sa akin at halik.
"Bukod sa magaling yata ang tutor ko, mas mahigpit pa sa mga totoong mga professors ko pero napakagwapo naman," sinandal kong ulo ko sa dibdib niya.
"So saan ang celebration natin. We can ask the girls to come with us," masayang sabi ni Wilber sa akin.
"Are you sure about that?" mapanukso kong tanong sa kanya.
"Well, we will still have our own celebration. Hindi pwedeng wala," sagot niya sa akin.
Noong niyaya namin ang anim, naku walang tigil sa kakakantyaw. "Arya, sa graduation mo siguro mas malaking celebration, ano sir?" birada ni Chloe.
"Siyempre, kasi by that time magiging official na kami," tuwang pahayag ni Wilber.
"Hindi pa pala kayo official ng lagay na yan. Eh talo niyo pang langgam sa ka-sweetan," tukso ni Cheska.
"Official as in kasama ng family niya," turan ni Wilber with so much pride.
Nakangiti lang ako all the while na nag-uusap usap sila. (Paano kaya tatanggapin ng mga pamilya ko si Wilber?)
Dumating din ang araw ng paghuhukom sa tanong na bumabagabag sa akin. Pag pasok ko sa kwarto, andun si nanay. Nag-aayos ng mga gamit ko. At nakita niya ang mga love notes sa akin ni Wilber. Binasa niya isa-isa. Pagkakita niya sa akin, napaupo na lang siya habang hawak pa yung mga love notes.
"Bakit wala kaming alam dito? Bakit nagtago ka sa amin?" akusa niya sa akin, mangilid-ngilid ang luha at gumagaralgal ang boses.
"Nay, ayoko lang kasi mabahala kayo na baka hindi ako makapagtapos. Last sem na po, at kahit kailan po ay hindi ako nagpabaya sa aking pag-aaral. Tinuturuan pa nga po ako ni Wilber," mataman kong paliwanag.
"Bakit ka tinuturuan? Professor ba siya?" tanong niya.
"Dati ko po siyang professor," sagot ko.
"Ibig sabihin mas matanda siya sa iyo?" nababahala niyang tanong.
"Bata pa po si Wilber. 24 years old pa lang po siya."
"24? Eh handa ng mag-asawa yun samantalang ikaw magna 19 pa lang," napupuno nang pagkabahala ang boses niya. Dugtong pa niya, "Alam ba ng Ate Trish mong tungkol sa kanya."
"Hindi pa po," ang tanging nasabi ko.
Pagkatapos ng hapunan, "Arya, Trish, mag-uusap tayo kasama ang nanay niyo sa sala. Sige iligpit niyo muna ang mesa at maghugas ng mga pinagkainan natin."
Nang makaupo na kami lahat, "Arya, sinabi ng nanay mo na may boyfriend ka na at dating professor mo pa. Bakit naglihim ka sa amin? Ganun ka ba namin pinalaki?" ang sabi agad ni Tatay.
Guilty ako kaya wala akong masabi. Si Ate and sumagot, "Nagtiwala kami sa iyo, pero hindi mo kami pinagkatiwalaan o ginalang sa ginawa mo."
"Hindi lang iyon, malaki pa pala ang agwat niyo. Sa edad niyang yun, ready na siyang mag-asawa. Ang bata mo pa, iiwanan mo na agad kami."
"Yan po ang dahilan bakit hindi ko sinabi senyo kasi iisipin niyo mag-aasawa agad ako. Ginagalang naman ni Wilber ang mga goals ko. At ang pag-aasawa ay wala pa sa listahan ko."
Nanay niya ang sumagot, "Anak sa simula sasabihin niya yun pero later maiisipan niyang hindi siya bumabata at kailangan na niyang magpamilya."
"Timbangin mo, Arya, siya ba o kaming pamilya mo ang mahalaga sa iyo?" Ultimatum na binigay nila sa akin. Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Sumagi kaagad sa isip ko si Wilber. Paano niya tatanggapin kung maghihiwalay kami.
Hindi ako makatulog ng gabing iyon. Feeling ko pinagsakluban ako ng langit at lupa. Sa isip ko, masyadong OA ang reactions ng mga pamilya ko. Pero hindi ko sila masisisi ako ang pinakabunso at lahat ng atensyon nila nilaan nila sa akin. Si Ate Trish nga, naki-pagbreak sa boyfriend niya noon kasi ang priority niya ay ako.
Masasaktan ko si Wilber pero paano naman ang pamilya ko. Alam kong marami na ding sinakripisyo para sa akin si Wilber kaya masakit sa akin na maghiwalay kami.
Kinabukasan, may pasok pa kami para pumili ng mga schedules namin. Hindi ako kinikibo ng tatlo kaya masyado akong nape-pressure. Umalis ako ng mabigat ang loob ko.
Pagdating ko sa school, andoon na silang lahat. Sinabi ko sa kanila ang nangyari kagabi. Halos maiyak ako sa lungkot.
"Anong desisyon mo, friend? Susuportahan ka namin kahit ano pa yan," nagbigay ng assurance si Geri.
"Alam namin ang nararamdaman mo ngayon, sabihin mo lang kung anong maitutulong namin sa iyo," dugtong ni Leih.
"Isa lang sana, mga friends, pag dumating na si Wilber, maaari bang iwanan niyo muna kami para makausap ko siya ng masinsinan," pakiusap ko sa kanila.
At parang on cue, dumating na nga si Wilber, masaya niya kaming binati. May regalo pa siya sa aming lahat for job well done daw. Naluha ako sa gesture niya at malungkot namang tinanggap ng mga friends ko ang mga gifts niya.
"Sir, maiwan po muna namin kayo ni Arya. Iveverify lang po muna namin yung mga schedules na napili namin," paalam ni Gabbie.
Nang nakaalis ng anim, "May problema ba ang mga iyon? Bakit malulungkot? Don't tell me may bumagsak," sabi agad ni Will. Nang mapansin niyang naluluha kong mga mata.
"Was it serious? What's it sweetheart?" patuloy niyang tanong.
Sinagot ko siya ng isang halik. "Always remember that I love you so much at wala ng iba."
"Hey! Hey! What's eating at you? Kissing me like that. Spill it out, sweetheart!"
"I'm breaking up with you. I'm sorry!" yun lang nasabi ko't tumulo nang luha ko.
"You don't mean it! This is not a good joke!"
"I wish na I'm just joking but it's true. Alam na sa bahay at tutol sila. They asked me to choose. I can't choose you over them. I'm sorry, Will," bigla ko siyang iniwan at kahit lingon ay hindi ko ginawa.
It's over!
YOU ARE READING
I Love You, My Handsome Prof!
Romance"I Love You, My Handsome Prof" is the second series in My "I Love You Series" collections. And it will be my first time to write in the first person and in Taglish. It is a simple story of love that started in the campus and off. Boy meets girl. Boy...