Chapter 23 Graduation Blues

578 11 0
                                    

"Gave you my heart. Gave you my soul. You left me alone here with nothing to hold.'
                     - Neil Diamond.

Hindi ko alam paano ko nalampasan itong unos na ito o nalampasan ko na ba talaga?  Pasalamat pa din ako may mga kaibigan akong nasa likuran ko lang habang binabagtas kong unos.

Buong sem, hindi ko nakita kahit anino ni Wilber.  Tuluyan na niya akong iniwasan.  Baka  bumalik na uli siya kay Laurie. Pero hindi ako naniniwala sa iniisip ko dahil deep inside alam kong mahal na mahal ako ni Wilber.  Hindi lang pinalalakas kong loob ko pero my gut is telling me that I am right. 

At para hindi masayang ang mga sinakripisyo naming dalawa, nag-aral ako mabuti.  Lahat halos ng mga exams and projects ko na-ace ko.  Candidate din ako for Summa Cum Laude for our department.  

One week before graduation, nag-aayos kami ng mga grades at requirements nang lumapit si Wilber sa amin.

"Sir, Arya, maiwan ho muna namin kayo kasi hahabulin pa po namin yung ibang professors namin," paalam ni Leih.

"Icocongratulate lang kita.  I heard you're a Summa Cum Laude.  I am proud of you," seryoso niyang sabi sa akin.

"Thank you, sir! Malaking role niyo sa accomplishments ko.  I won't forget you. Sir, I have to go, gaya po ng sabi nina Leih, may mga hahabulin pa kaming mga professors," mahinang tugon ko sa kanya.

Nabigla ako sa tinuring ni Wilber, "Ako ba ayaw mong habulin? Siguro naman ngayon, you can have the courage to stand up for me."

"I love you, sir. But, you know, I love my family more.  Ayokong mamili. I'm sorry. I hope you understand. Mauna na ako, sir!" 

Iniwan ko siya.  Alam kong masyado ko siyang nasaktan.  Masakit din sa akin pero I can't choose him yet over my family na mas malaking mga sinakripisyo.

Graduation time.  Nag-attend sina Tatay, Nanay, at Ate Trish.  Mababakas sa mga mukha nila ang kasiyahan noong tawagin ako as Summa Cum Laude. Nasa stage ako nang makita ko si Wilber, tumayo at umalis na.

May kurot sa puso akong naramdaman dahil bakas ko sa kanyang mukha na proud siya sa akin pero andun din ang lungkot kasi I failed him.

Natapos din ang graduation rites, nasa labas na kami ng hall, "Friend, sumama ka sa akin. Bahala na yung iba na entertainin muna nila family mo," bulong ni Gabbie.

"Saan tayo pupunta?"

"Basta!" Dinala niya ako sa shed na tambayan namin.  Malayo pa lang kami, natanaw ko na si Wilber.

"No, ayokong i-betray ang trust ng family ko.  Sinabi ko sa kanila na wala na kami," sinabi ko kay Gabbie, na may halong lungkot sa mukha ko.

'Can you spare him kahit ilang minuto lang? For old time's sake," may panunuyang sabi niya sa akin.

Nang nasa tapat na ako ni Wilber, "Sweetheart, sandali lang tayo.  Alam kong anytime hahanapin ka na ng family mo."

"Will, wala na tayong dapat pang pag-usapan.  Alam natin pareho where we stand.  I am sorry again kasi hindi kita mapaglaban," sinabi ko sa kanya nang gumagaralgal ang boses ko dahil nagpipigil akong umiyak sa lungkot.

Tumayo siya sa harap ko at ginagap ang aking kamay, "Tell me you still love me?" Hindi ko kayang sagutin ang tanong niya.  If I say yes, i betray my family.  Pag sinabi ko naman no, masasaktan ko na siya ng tuluyan.  

Nasa ganung indecision ako kung kaya siya na ang sumagot para sa akin, "Silence means yes. That's fair enough for me!  When you are ready, I am just here, waiting for you." 

"What if pag balik ko, you are no longer there kasi natagalan ako, where does that leave me?" ang tanong ko sa kanya.

"Then, fate decided for us! You can go now," tanging sagot lang niya sa akin, sabay bitaw sa kamay ko.

I looked at him, searched his face na baka it can give me a different answer.  I saw the pain there. Kaya ang tanging nasabi ko lang, "I will always love you."

Pagtalikod ko, bigla niya akong hinapit at hinalikan ng matagal, isang makapigil-hiningang halik. I kissed him back.  "I'll wait for you, sweetheart.  Please come back!"

Then, he finally let me go.

Pagbalik namin sa hall ni Gabbie, ineentertain pa rin ng mga kaibigan sina Ate kaya hindi nila namalayan ang pagkawala ko. Kausap na nila Tatay ang mga magulang ng mga kaibigan ko.

Oras na nang pamamaalam sa isa't isa. Nag-iyakan at nagyakapan kami.  Bigla silang natahimik. At parang mga frozen in time, sinundan ko ang mga tingin nila. Si Wilber papunta sa amin may mga bitbit na mga regalo. 

"Congratulations, girls. Eto ang mga gifts ko sa inyo for a job well done." Inabot niya isa isa ang mga regalo namin na pare-pareho ang wrappers. 

Tinitignan ko lang siya. Pagdating niya sa akin. "Congratulations, Ms. Labrador! I am proud of you!" pagka-abot niya sa akin ng regalo, iniwan na niya kami.

"Tragic love story," comment ni Louise. 



I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now