Chapter 38 An Enchanted Evening

489 14 7
                                    

"Somebody turned my life around, and I'm not the same.
Suddenly, I don't hear a sound only your name. And I really need you." - Angela Bofill

Nagkakasayahan ng lahat ng pumasok kami sa function room, may nagsasayawan, kumakain o simpleng kwentuhan lang.

"Are you hungry?" Ang tanong niya sa akin.

I know that look. Gutom ng lolo. Kawawa naman. Napatawa Ako. "Okay, I got it. Let's eat!"

Hindi pa rin siya nagbabago laging food first before anything else. Maybe napaisip kayo, paano ako? I don't know at the moment. Remember five years akong nswala sa buhay niya. Halos lahat yata ng nakahanda sa table eh sinampolan niya, pati mga dips and dressings.

Na-amuse ako kaya hindi mapigilan titigan siya habang kumakain. The man I love had forgotten me at ngayon mas type pang kumain.

"What's your verdict, your honor?" Bigla siyang tumigil sa pagkain at hinarap ako, all smiles.

Siyempre caught in the act ako, "what verdict?" Pa-cute kong sagot. Eyes widening for effect.

"Deny it, pero minamasdan mo ko habang kumakain. I know, matakaw ako."

"Guilty! Sabi ko nga before pagdating sa food, wala kang kupas. Walang tapon," then I laughed.

"Thank you." Bigla siyang tumahimik.

"Did I offend you, sir? Am sorry," salo ko agad.

"No, no, no. May naalala lang ako about my eating pero nalimutan ko agad. Try this, masarap." Nabigla ako kasi isusubo niya sa akin.

Tinanggihan ko kasi naasiwa ako. "Sorry, but I'm cutting on my sweets. You know, baka masira ang figure ko." We both laughed.

Katahimikan uli. Sabi nga ng mga matatanda may nagdaan na anghel. "Madalas ba tayong kumain together noon. Kasi parang may nag flash ng same scenario. We're eating and laughing," bigla niyang tanong.

"You're my professor, magkaiba tayo ng school strata," pa-safe kong sagot.

"I see. Pasensya ka na. After the accident, vague na ang lahat sa akin except ang family ko at profession. Then, there were people in my life na nakalimutan ko, like you."

Aray! Hindi man lang tumimbre. Ako talaga? "I understand, sir. If you don't mind me asking, kelan ka naaksidente?"

"Five years ago. Apparently, papunta ako sa airport matulin daw ang kotse ko kaya nagswerve ang gulong. Ayun, bumangga ako sa isang barrier," ang kwento niya.

"May flight ka ba noon?" curious na ako.

"I can't remember anymore. Huwag na nating pag-usapan. It's no longer important."

Napaisip ako. Bakit papunta siya sa airport? Maybe later malalaman ko din.

"Arya, I hope you don't mind. Sabi mo naman I can go to you directly. Napansin ko kasi yung engagement ring mo. Where's your fiancee?

Boom! "I invoke my right against self-incrimination. That's irrelevant. Can we change the topic?"

"I hope hindi ako yun kasi I can't forgive myself for forgetting you and Nuelle," pabirong sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay, "What if ikaw nga?" Namutla siya. "I'm just joking namutla ka agad " Sabay tawa.

"I don't find it funny though," seryoso ang lolo niyo.

"I'm sorry for the bad joke," I don't want him offended.

"The song is beautiful. Shall we dance?" Hayun ng sagot niya na hudyat ng forgiveness sa bad joke ko for him. Pero we know that's the truth.

"Alright! As long as we refrain muna tayo sa masyadong personal na mga topics kasi baka bigla mo akong iwan sa dance floor." Warning ko sa kanya.

"Or vice versa. It always works two ways, sweetheart! Oops sorry! I don't know why I said that parang natural lang. Am sorry again."

OMG! Hindi ko yata kakayanin ang gabing ito. Heto ako malapit sa dibdib ng pinakamamahal ko. Feels like heaven. Nasa cloud nine ako right this moment. I'm in a state of blissful trance.

Ang baduy ng music, Some Enchanted Evening. Hindi pa yata Ako pinapanganak noong irelease ang kantang yan. Pero ang lolo, sinasabayan pang kanta.

🎵🎵🎵Some enchanted evening (some enchanted evening)
Someone may be laughin' (ooh)
You may hear her laughin'
Across a crowded room
And night after night (night after night)🎶🎶🎶🎶
As strange as it seems (ooh)
The sound of her laughter
Will sing in your dreams🎼🎼🎶🎵

"I didn't know na genre mong kanta," comment ko sabay hagikhik.

"Excuse me, naririnig ko lang sa parents ko," then he laughed sabay hapit sa waist ko.

Magkalapat ang aming katawan, halos hindi ako makahinga sa excitement. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sinandal kong ulo ko sa dibdib niya. I can hear the beating of his heart.

"You smell nice and intoxicating, baka hanap-hanapin ko," bulong niya sa akin.

"Ikaw din you smell so masculine and yummy," sabi ko naman sa kanya

"Hahaha! Bolera! You're just returning the favor." Ngumiti lang ako. Hindi ko kayang aminin sa kanya na nagsasabi lang ako ng totoo. Baka right there and then ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko't halikan ko siya.

"I envy your fiancee he found you before I did." Patuloy niya.

"Atty. Laureano, are you flirting with me? Let me remind you nasa dance floor tayo in front of a lot of people," I admonished him.

"I can't help it. I don't know dancing with you makes me a hopeless romantic like this had happened before, I'm sorry."

"Maybe, you are already tired. Shall we call it a night? Baka namimiss na din ako ni Nuelle," ang tanging reply ko.

"Mukhang ikaw ang pagod. But don't let me keep you from Nuelle. Thank you for coming with me," seryosong niyang sinabi. Hinatid niya ko sa labas ng hall.

"Alright! Good night, sir! See you around."

Ngumiti lang siya sabay talikod. Bumalik siya sa function room.

Ako naman. Dahan-dahang bumalik sa tent. Ninanamnam ko pa rin ang events of the night. Nagsisimula na kayang bumalik ang alaala niya?

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now