Chapter 17 Love or Leave

662 11 0
                                    

"There's something between us that won't ever leave us. There's no letting go."
                       - Peabo Bryson

First day ng school, hindi ko alam kung excited ba akong pumasok o nag-aatubili. Excited akong makita si Wilber na ayaw ko. He's a temptation na hindi ako pwedeng lumapit baka mapaso ako.

Maaga akong nakarating sa school. Wala kasing traffic. Dumerecho ako sa shed para doon ko na sila hihintayin. Hindi ko namalayan nakatulog pala ako. Naalimpungatan ako. May parang nakamasid sa akin. Pagdilat ko ng mga mata ko, si Wilber nakangiti. Nagfinger comb ako. Pinunasan ko ung gilid ng bibig ko kasi may naramdaman akong ga-butil na laway.

"Anong ginagawa niyo dito, sir?"

"Just checking on you. Sobrang aga mo naman, sweetheart?" sabay kindat sa akin.

"Don't ever call me that! I'm not your sweetheart," galit ko siyang sinagot.

'Here, I am lending you my Public Ad book, may mga underscores and footnotes na," binigay niya ang book sa akin.

"Hindi ko naman po hinihiram. Thanks but no thanks," tigas ng tanggi ko.

"Mahigpit si Atty. de Leon. With this, magkaka-edge ka sa lessons niyo," sabi niya sa akin. Nakatitig siya sa akin all the time.

"You mean, hindi kayo ang prof namin?" with a lot of question marks.

"Why, gusto mo ba ako? Mamimiss mo ako ano?" palambing niyang sabi.

"Not in a million years. In fact, that's good news," looking at him directly. Na malaking pagkakamali ko kasi winidro ko din agad. Nahalata niyang affected ako ng mga tingin niya.

"The more you deny, the more you'll fall hard. Heto iiwan ko rito. I have to go tiyak parating na din mga friends mo. See you around, sweetheart!"

"Don't.." bago pa natapos sasabihin ko, he was gone. Ang kapal, pasweetheart-sweetheart pa. Kilig to the bones ako siyempre hindi ko lang pinahalata.

Pag-open ko ng book, may nakaipit na note. "Hi Arya, Good luck this sem! W" Muntik ko ng itapon ang book kaya lang, mahal. Sayang!

Naging tahimik ang araw ko kasi hindi ko siya nakita. (Ooh! Pakipot eh panay naman ang hanap mo.) Hoy, hindi noh! Ba't ko hahanapin yung unggoy na yun?

Pero thoughtful ang unggoy at perceptive. May assignment agad kami sa Public Ad at malaking help ang mga underscores at footnotes niya. Parang alam niya ang saktong mga questions.

Pag sinuwerte ka nga naman, pansin ko lahat ng male profs namin may face kaya naman ang mga friends ko laging kinikilig.

The following day, Badminton class ko. Grabe! Talaga ngang gwapo ang instructor namin, si Dave Rodrigo. Hindi nga lang kasing gwapo ni Wilber. Basketball player din siya for PE Department.

Since first day, introductions at requirements lang ang pinag-usapan. Then maaga kaming dinismiss.

Since maaga pa, nagpunta muna ako sa bookstore malapit sa school. Magtatanong ako kung magkakano mga textbooks namin. Buti na lang minus one na sa iisipin ko ang book sa Public Ad.

Lahat ng mga textbooks namin available kaya lang sobra palang ang mamahal.

Nakatulala akong nag-iisip. Nahihiya na ako kina Ate at mga magulang ko. Alam kong hindi pa sa mga libro nagtatapos ang mga gastusin ko, tiyak may mga projects pa. Bibili pa ako ng PE uniform at raketa ng badminton. Hindi pwedeng mumurahin lang.

Isa lang ang solusyon -- Library. Okay lang gabihin. Nasa ganun akong pag-iisip nang mapansin kong hindi na umalis yung tao sa tabi ko. Paglingon ko. Guess who? Ang guwapong unggoy ng buhay ko.

"Kayo na naman, sir? Talaga bang inistalk niyo na lang ako parati?" ang madiin kong bulong.

"Sweetheart, may bibilhin ako dito nang makita kitang tulala diyan. Anong problema?" Eto na naman siya. Ang gentle sa akin. Parang gusto ko tuloy siyang gawing boyfriend.

"Wala na kayong paki, sir. Mahirap ba akong maintindihan, huwag niyo kong tawaging sweetheart, mamaya may makarinig, isipin pang totoo."

"So, Ms. Labrador, what is eating you?" pormal niyang tanong. Muntik na ako mapabunghalit. Drama actor talaga complete with voice modulation.

"Mauna na ako, sir!  Hindi ko alam kung comedian kayo or dramatic actor," nung akma na akong aalis, pinigilan niyang braso ko.

"I know some students na grumaduate na. We can borrow their books," offer niya sa akin. Mukha naman siyang sincere.

"I don't need your help, please leave me alone," halos magmakaawa na ako sa kanya.

"Why be so proud and arrogant rather than be practical? Ang laking tipid mo nun! Kailangan bang pairalin ang pride? Let me help you, no strings attached!" aba itong unggoy na ito nag-lecture pa. Pero may point siya. Hmmm!

"No strings attached?" vineverify ko mabuti, mahirap ma-trap ng kabaitan niya. Trapped na nga ako ng kagwapuhan niya. Hays!

"No strings attached! So does that mean pumapayag ka na? Give me your list..." pahayag niya. Kaya inabot ko na sa kanya.

"Thank you po, sir!" yan na lang alam kung sabihin. Give credit where credit is due. At least, kahit thank you.

"You're welcome! Halika hatid na kita sa sakayan," masayang anyaya nita sa akin.

"Sir, okay lang ako. Ayan na lang naman ang sakayan," pakipot pang lola niyo.

"O sige kung yan bang gusto mo. See you, pag nasa akin ng mga books! Ingat ka, sweetheart!" Ay hindi ako pinilit. Okay na yun. Tutal tinawag  niya kong sweetheart.

"Sige po, sir. Kayo din mag-ingat!" sana hindi bakas ang disappointment sa boses ko.

Ngumiti lang siya at tumango.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now