I thought we were lovers. I thought we were friends. I guess when reality steps in, the dreaming ends."
- Barbra StreisandHindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Over and over, nagrereplay yun sa isip ko, "I like you." Gusto niya kong ano, girlfriend, ka-fling, love toy or what. Bakit ako? Iilang beses pa lang naman kami nagkaroon ng interaction. (Paano nangyari yun?)
Inaamin ko may crush ako sa kanya and tumitindi yun habang nakikita ko siya. Pero, siya may gusto sa akin? Gusto lang niya akong bigyan ng leksyon kasi ako lang nag-dare sumagot sa kanya. (Right, very plausible reasoning.)
The more tuloy na gusto kong lumayo sa kanya at umiwas. Pero paano? Prof ko siya. Pag nag-drop na naman ako, mahihirapan akong grumaduate on time kasi bawal mag-overload ng units at baka hindi ako maging scholar next sem.
I have only one choice left: iwasan kong magkaroon ng interaction with him other than sa loob ng classroom. Kailangan humingi ako ng back up sa mga friends ko. This means maging honest na ako sa kanila sa kung ano'ng nangyayari.
Sa Wednesday, sasabihin ko na sa kanila. Sayang nga lang, ako lang ang may pasok bukas. Ang PE ko na every sem na lang kinukuha ko dahil panay ang pag-drop ko.
Swimming naman ngayon at 7:00-9:00, Tuesday at Saturday.
5:00 pa lang gising na ako. Gabi pa lang nakahanda ng towel, swimsuit, panty, bra at toiletries ko. Ngayong araw na ito, suot kong red tee, white culottes na tinatago lang kalahati ng mga hita ko. Ang buhok ko, itinaas ko lang in a bun. No make up, wala naman ang mga kaibigan kong mahilig mag make up. Alam nila hanggang lipstick at blush on lang ako. Pero ngayon kahit ano wala. Very refreshing kasi.
Marunong na ako magswimming kaya ang kinuha ko ay advanced course para matutunan kong backstroke, butterfly at synchronized swimming. Matatapos ng session namin ng makita kong kausap ni Wilber ang instructress namin. Halatang magkakilala sila kasi nagtatawanan pa sila.
Biglang nag-ibang timplada ng katawan ko. Para akong giginawin, pagpapawisan at lalagnatin, kung pwede ba yun? Pag tingin ko uli sa dalawa, nakita kong nakatingin na sa akin si Wilber. Sana nagkataon lang na andoon siya at hindi dahil sa akin. Haba naman ng hair kong isipin na ako ang dahilan.
Pagka shower ko yung damit na suot ko sa pagpasok yun din ang suit ko pauwi. Of course pinalitan kong underwears kaya nga ako nagbaon. Basa pang buhok ko kaya nilugay ko muna.
Paglabas ko ng pool complex, nakita ko si Wilber nasa shed. Umiwas akong dumaan sa kinaroroonan niya kahit yun ang pinakamalapit sa gate.
Nang malapit na ako sa back entrance, may nagsalita sa likod ko, si Wilber, "Hindi naman ganoon ako kadaling iwasan, Arya!"
"Sir, andito kayo? Saan pong punta?" paiwas kong sagot.
"Sige, I'll play your game kahit nakita muna ko kausap si Ruth tapos sa shed. Ang dapat na tanong bakit alam kong may swimming class ka?" tudyo sa akin.
"Okay, fine. Sir, let's be straight. Nakakapagod na rin naman ung nakikipag-espadahan pa ako senyo. Sabi niyo gusto niyo ko. Sinungaling ako pag sinabi kong hindi ako flattered. Sino ba naman ako? Ordinaryong estudyante tapos kayo ang most sought after campus idol. But, it's wrong," sa haba ng litanya ko. Nakatingin lang siya ng nakangiti, at nakahalukipkip ang mga kamay.
"Maaari bang umupo muna tayo sa may shed na yon kasi dinaraan-daanan tayo ng mga tao?" ang tanging sagot niya. Exasperated, sumunod ako sa shed na tinuro niya. Umupo kami at opposite side.
"Sir, don't put me in an awkward position. Hindi ko po kailangan ang attention niyo," halos nagmakaawa na ako. "Male attention is not my priority, right now." Inistress ko sa kanya.
"I got the message. Sige, hindi na kita iooverwhelm ng presence ko. At least, may na confirm ako, wala ka pang boyfriend. Pero tell me the truth, hindi mo ba ako gusto?" Nagulat ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko.
"I don't need to answer that," ang tanging sinagot ko.
"Then, I'll continue bugging you hanggang mapaamin kita." ang payamot niyang sagot.
"If I answer you, it will be the end of it, okay sir. Hindi muna ako bibigyan ng attention. Let me study in peace," nakangiti na ako sa kanya.
Out of nowhere, nagcomment siya at nagblush ako, "Ang cute pala ng mga dimples mo pag ngumingiti ka!" sabay turo sa mga dimples ko. Dumampi ang daliri niya sa pisngi ko. Para akong nashock.
"Sir, gusto mo bang maayos natin ang sitwasyon natin or hindi?" ang mahinang argumento ko.
"Sorry hindi ko napigilan. Hindi na mauulit. Sasagutin mo na ba ako?"
"Yes, sir!"
"Wow, edi tayo na?" ang nakakalito niyang tanong.
"Ha? What do you mean?" confused na ako. Ano ba talaga?
"Sinagot muna ako na gusto mo rin ako. Edi girlfriend na kita," ang sagot niya sabay hawak sa mga palad ko.
"No, no, no! You got it wrong. Pwede ba, sir, huwag niyo akong kinoconfuse. Eto bang gusto mong marinig 'Gusto kita'?"
Bigla niyang inalis ang mga kamay niya sa mga kamay ko. "So, ano talaga?"
"Nasabi ko ng hindi priority sa akin ang boyfriend, kailangan kong full attention sa studies ko. Gusto kong grumaduate with honors para sa family ko. Ang boyfriend ay distraction na I can't afford," paliwanag ko.
Patuloy ko pa, "Gusto ko po pag nag boyfriend ako eh dahil sa ready na ako at hindi siya magiging kahati ng mga goals ko. Aaminin ko na sa unang kita ko pa lang senyo, hindi ko pa kayo professor, crush ko na kayo. Hayan sir!"
Nakangiti siyang sumagot,"I'll respect your decision. I'll make sure na makakatulong ako sa mga goals mo, hindi ako magiging distraction. Ang tanging hiling ko lang let's take each stride one step at a time. Na minsan kahit ilang minuto lang ay bigyan mo ako ng attention. Kuntento na akong malamang gusto mo rin ako at ako lang. Possessive kasi ako." Ano ito sa sinabi niya parang mag boyfriend na kami ah?
"Are we good?" pahuli niya.
"What do you mean na are we good?"
"Unofficially mag boyfriend na tayo but I'll keep my distance para makapag-concentrate ka sa studies mo. Ang tanging hiling ko lang few minutes of your time. So, are we good?"
"I guess so," pangiti kong sagot sa kanya. OMG! may boyfriend na ako kahit hindi pa official.
"Halika, ihahatid na kita sa sakayan," sabay abot niya sa kamay niya.
Nilagay kong kamay ko sa kamay niya, ngumiti ako, "Alright!"
Hinatid niya ko sa may sakayan. Hindi niya binitawan ang kamay ko hanggang sa makasakay ako sa jeep. Hinabol niya ako ng tingin hanggang hindi na namin makita ang isa't isa.
Ganito pala ang feeling ng may boyfriend.
YOU ARE READING
I Love You, My Handsome Prof!
Romance"I Love You, My Handsome Prof" is the second series in My "I Love You Series" collections. And it will be my first time to write in the first person and in Taglish. It is a simple story of love that started in the campus and off. Boy meets girl. Boy...