"You look at me so differenly. Have I changed so much from who I used to be? We're both too wise for alibis. We talk but there's so much that we don't say. I guess I've gotten used to it this way." - Barbra Streisand
Simula noong lunch incident, para maiwasan ang mga awkward moments nag lay low muna ang interaction naming mag-ina kay Wilber at ganun din siya. Kumbaga sa mag boyfriend, cool off muna. Hindi rin nangungulit si Nuelle. Alam niyang damage nagawa ng mga sinabi niya kay Wilber.
Nag sponsor ng family day ang school. Ginawa ito sa isa sa mga malaking campsite ng school. Excited si Nuelle. "Mom, do you think daddy will be there?"
"I don't know sweetheart. Karamihan kasi ng attendees yung mga may anak na. Eh everybody knows single siya with no kids so I don't think so." Nakita kong disappointment sa anak ko. "Promise,mag-eenjoy tayo kahit dalawa lang tayo. We always do things together, right. And we haven't talked to him since."
"Yes, of course, mom! I'll go prepare my things." Sisiguraduhin kong mag-eenjoy kaming mag-ina kahit wala si Wilber. For five years, we had been doing things on our own and we got by. Having him back will be a fat bonus kung hindi naman fat chance na lang.
Pagdating namin sa campsite, nalula kami sa laki- mala theme park at maaari kang maligaw with one wrong turn. Now, hindi na ako magwoworry kasi sure na akong mag-eenjoy ang anak ko.
May makeshift bridge at lake ang campsite. Each family ay may kanya-kanyang tent, enough ang laki to house a family of four may aircon at one super king sized na kama. Dahil dalawa lang kami ni Nuelle, pwede kaming mag-ikot ikot dito. And, ang kagandahan nito, yung na-assign na tent namin malapit sa common toilet and bath, pool at whirlpool.
Nagbihis na kaming mag-ina para makihalubilo na. Pareho kaming shorts and outer blouse and inside ready to swim na kami. Nakaswim suit na kami. Pag labas namin, nakaupo sa Wilber sa garden chair. "Ang tagal niyo naman magsettle in mag-ina. Kanina pa ako dito." With a welcoming smile pa.
"Dad!" Sabay lundag kay Wilber ni Nuelle.
"What are you doing here?" Ang tanong ko naman.
"It's family day. Anong klaseng tanong ba yan, Dean Labrador?" Ang turan niya.
"Yes, I know pero shouldn't you look for your assigned tent?"
Ngumiti siyang bahagya. "I requested na I will tent with you two. It will be my honor and pleasure..."
"No, you can't. Baka kung anong isipin ng mga tao about us. We don't want to compromise you," matigas kong tanggi. "What will our colleagues say? Very improper, you are single. I have a kid."
"You worry too much. We're here to enjoy. Let's see what will happen. So ladies, if you will step aside, I'll unpack my things and dress up." Nakangisi niya kaming dinaanan. Wala akong nagawa but deep inside I am elated I could shout. Si Nuelle masayang masaya sa turn of events.
Pag pasok namin sa hall, katabi ko si Wilber, hawak-kamay si Nuelle. Nakatingin man sa amin ang mga tao, alam mong walang malisyang kasama. Amused, maaari!
Tumingin sa akin si Wilber parang sinasabi niyang, "What did I tell you? Nothing to worry."
After lunch, pinapunta ang lahat sa playing field. Nakakatuwa kasi nakahanda nang lahat ng klase ng games.
Sumali sina Wilber at Nuelle sa father and child sack race. Nangunguna sila. Siyempre ang lola niyo ang number one cheerleader nila. "Go guys! You can win this!"
Nasa finish line ako naghihintay sa kanila. Kahit sabi nila na 'expect the unexpected,' hindi pa din ako nakahanda sa mangyayari. Patakbo ako sa kanila ng magkabanggaan kami ni Wilber. And to prevent me from falling down, sinalo ako ng mga bisig niya. Nagkatitigan kami. Feeling ko umiikot ang mundo para sa aming dalawa lamang. Andoon na kami sa maglalapat ang aming mga labi ng, "Hey, mom, dad! I'm here and you're turning me into a hotdog bun!" Si Nuelle.
Bigla kaming natauhan pareho. "Sorry, baby!" Kagyat na sinabi ni Wilber kay Nuelle.
"I'm sorry din," ang sabi naman niya sa akin.
Napataas ang kilay ko, "For what?"
"For the awkward moment, it's the excitement and all," sagot niya.
"I'm not," pabulong ko sa sarili ko.
"What's that?" Aba, malakas pa rin palang radar ng mama.
"Nothing, just talking to myself."
Hihirit sana si Nuelle pero pinandilatan ko siya. Sumali pa kami sa ibang games. Sa ending, kami ang maraming napanalunan na gift checks and vouchers. Binigay naman ni Wilber ang share niya kay Nuelle.
Pagkagat ng 6:00 pm, nagdaos sila ng parents' night, Isang dinner party. Niyaya ako ni Wilber na magpunta as partners. It's an informal one kaya pwede kahit naka-shorts or naka-pants lang. Sino ba naman ako para tumanggi?
Lahat ng mga bata ay may special viewing para hindi nila mamiss ang mga parents nila. Wala akong problema kay Nuelle kasi she grew up independent.
Nagmaong culottes skirt ako at black crop top tank. Yung buhok ko ay inayos ko ng simpleng bun. At OMG, parang nag-usap kami ni Wilber. Nakamaong shorts siya at black tee. The perfect couple ang aura namin.
"Hmm, parang nahulaan mong outfit ko ah," ang bati niya sa akin. Tapos sabay kaming tumawa. "Ready to paint the night red?"
Ngiti lang ang sagot ko pero at the back of my mind, "Please Lord, let this be a perfect night."
YOU ARE READING
I Love You, My Handsome Prof!
Romance"I Love You, My Handsome Prof" is the second series in My "I Love You Series" collections. And it will be my first time to write in the first person and in Taglish. It is a simple story of love that started in the campus and off. Boy meets girl. Boy...