Chapter 5 What Fate?

937 16 0
                                    

"I spend my time thinking about youAnd it's almost driving me wild
And that's my heart that's breaking
Down this long distance line tonight."
                  - John Waite

Dumaan ang summer na matiwasay. Walang Wilber na basta na lang sumusulpot out of nowhere. Pero ang hirap nito habang hindi ko siya nakikita, umaasa ako sa chance meeting na hindi nangyari sa natitirang araw ng summer school.

Start na ang first semester ng last schoolyear. Puro major subjects ng mga schedules namin. Full academic scholar uli ako. At para makapag concentrate ako mabuti, umalis na ako bilang volleyball player kahit sumama ang loob ng coach namin. Naisip ko kasi ang tournament magcocoincide sa finals at projects submission. Hindi dapat madivide ang time ko.  Certified full time student na ako.

Isa sa mga subjects namin ang Public Administration every MWF siya and last subject namin 5:00-7:00pm. Mukhang eto ang isa sa magiging favorite subjects ko kasi nabasa ko ang syllabus niya about governance. Seems interesting.

Sa unang araw namin sobrang tuwang tuwa mga classmates at friends ko. Karamihan sa mga profs namin MIA. Siguro may vacation hang over pa. Kaya karamihan nagsiuwi na, next time na lang daw sila papasok pag kumpleto ng mga professors namin. Gusto na nga din umuwi ng mga barkada ko kaya lang pinigilan ko sila. Paano pag hindi absent ang last professor namin. Mayroong chance na mapag initan ang mga wala.

5:00 na. Time na para sa Public Administration. Naconfuse kami sa room assignments kaya late kami. Surprise!Surprise! Guess sino ang professor namin. Walang iba kundi si Wilber Laureano.

Nang makita niya kami, lumabas na naman ang ngisi niya. "Well come in, girls, if you are students of Public Administration, then you belong here. Some of you already know my rules: no lates, no prima donnas." ang sabi niya stressing on "some of you" at "prima donnas". Siyempre alam ko patama sa akin yon.

"Latecomers, before you sit down, please hand me your course cards!" paalala niya sa amin.

Huli ako sa nagsubmit. "Gotcha! You can't run away this time." pabulong niyang sinabi sa akin.

Hindi ko siya sinagot o tinignan. Pagkabigay ko ng card, bumalik na ako sa upuan ko.

"Class, on Wednesday, I will arrange your seats alphabetically." Bibihira lang umalis ang tingin niya sa akin kaya lagi din akong tumutungo pag patingin na siya.

Pag tuwing napapatingin ako sa kanya, narealize ko na I missed him, ang mga ngisi niya, ang bihirang ngiti at tawa na minsan ko lang narinig pero nakatatak nasa isip ko pati na nga yata sa puso ko. Eto na naman ako. This is bad.

Nang magsalubong ang tingin namin, ang mga ngisi niya ay nagpapahiwatig ng 'I know what's on your mind.' Nagkakaclaustrophobia na yata ako.

Bigla akong siniko ni Chloe, "Girl, tawag ka!"

"Ha? Ano raw?"

"It is still early to sleep and dream, Ms Labrador. Unless you're plotting how you can drop out from my class," he challenged.

"You know full well, sir, that I won't be allowed to do that. I have every intention to graduate. I wonder, what made you think I will," sinagot ko siya na parang sinasabi ko na challenge accepted. (Hay Arya, siguraduhin mong alam mong pinapasok mo).

"That's good to hear. Loser pays," parang sinarado niya ang isang agreement.

"So, sir what is your question?" Sa mga sandaling iyon parang kami lang ang tao sa kwarto. Narinig kong classmate ko, nagtanong sa katabi niya, "Ano'ng nangyayari, brod? Parang may LQ yata sila."

Sumabat ang isa pa, "Marinig ka ni sir. Hayaan mo sila, ayaw mo nun hindi tayo nagkaklase."

"Oh yes! Knowing you are slways prepared, please define Public Administration." tanong niya.

"Public administration is public trust. It is a public service which includes planning, organizing, directing, coordinating, and controlling of government operations. Satisfied, sir?" hamon ko.

'Well said, Ms Labrador." ang tanging sagot lang niya. Hayun na naman ang ngisi niya. Patuloy pa niyang sinabi and this time para sa buong klase, "Study the theories and principles of public administration. I will give you a short quiz next meeting."

May nagcomment, "Sir, second meeting pa lang quiz agad."

"Listen class! If you cannot meet the demands of my class, the door is always wide open." iritableng sagot ni Wilber.

"Is it?" pabulong kong sinambit at pagtingin ko sa kanya nakasimangot siya sa akin.

"I am considerate. You may go home early tonight but make sure that you will pass the quiz on Wednesday." Parang bigla akong naasiwa.

Since nasa dulo kaming magkakaibigan, huli kaming lumabas. Nang pagdaan namin sa table ni Wilber, "Ms Labrador, please stay. Girls, you may go ahead. I'll take care of your friend."

Tumingin sila sa akin for confirmation. "Sige mauna na kayo. Mag-ingat kayo!"

"We'll go ahead, sir. Arya, ingat ka, ha?" ang pahabol ni Louise kaya tinignan siya ng masama ni Wilber.

"Arya. Arya pala ang tawag nila sa iyo. Bagay," malumanay niyang sambit sa akin.

"Sir, bakit po ba? Hindi naman niyo siguro ako pina stay para pag usapan ang pangalan ko," protesta ko sa kanya. Pero deep inside ninenerbiyos ako.

"I miss you, Arya! Akala ko magtitiis na naman ako ng isa pang sem pero Fate gave you to me." (Ano to love proposal?)

"Sir, sir, teka ano bang sinasabi mo? Nililigawan mo ba ako?" Unbelievable pero syempre flattered ako kung totoo nga.

"What do you think?" ano ito, question and question portion.

"Hindi ko alam ang iisipin ko, sir!"

"I'm happy at student kita. Akala ko hihintayin ko pa next sem ang Polsci mo. To think na halos hindi ko tinanggap tong schedule na ito." hindi ako makapaniwala sa mga pinagsasabi ng kumag na ito.

"Sir, uuwi na po ako. I don't know what to make of this." I told him honestly.

"I am sorry alam ko binibigla kita palagi sa mga pronouncements ko. Halika, ihahatid na kita."

"Hindi na, sir! Kaya ko naman mag-isa," mariing tanggi ko.  Ayokong maging close kami. Malaking threat sa akin. I can't take that chance.

"You know I don't take no for an answer. Besides nagpromise ako sa mga friends mo na ako ng bahala sa iyo. So, let's go!" Hinawakan niyang braso ko palabas.

"No, please!" Inalis kong kamay niya sa braso ko. Yung sandaling dampi lang ng kamay niya ay nagdudulot ng kakaibang sensation sa akin.

Napangiti siya. At parang tinetest niya kung hanggang saan ako makakarating pagdating sa kanya. Kinuha niyang kamay ko at hinila nako palabas.

Habang naglalakad kami, tinanong niya ako, "May klase ka ba bukas?"

"Bakit, sir?" Hindi ako komportable. Alam kong nanlalamig ng palad ko dahil hindi niya ito binibitawan. Sa mga nakakakita sa amin, maaaring isipin na mag boyfriend kami.

"May pasok kasi ako," simpleng sagot niya.

Tumigil ako sa paglakad at pumiglas sa pagkakahawak niya. "Please be honest with me, sir! Why are you doing this?"

Mataman niya kong tinignan. "I like you!" ang seryoso niyang sabi.

"No, no, no. I don't like this. Can I go now? Good night, sir!" derecho ako sa paglakad ko hanggang sumakay na ako sa jeep. Hindi ko siya nilingon. Takot ako na baka pag tumingin ako ay bumalik ako sa kanya.

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now