Chapter 16 What's Wrong With Me?

672 13 0
                                    

"When our fingers interlock, can't deny, can't deny you're worth it. 'Cause after all this time I'm still into you. I should be over all the butterflies, but I'm into you."


Hindi ko alam paano ako nakarating sa bahay. Bigla akong naging zombie. Hindi maalis sa isip kong mga sinabi niya. Para akong tape recorder, rewind ng rewind.

Buong gabi hindi ako makatulog, pabaling-baling lang ako sa kama. Baka nagkamali lang ako ng dinig. How can he, a professor fall for me, a mere student? Ang hirap paniwalaan.

Kinukurot-kurot kong sarili ko at sinasampal-sampal ang mga pisngi ko para magising. Hindi na ito panaginip. Gising na gising ako. Hay naku, ang hirap pag tuwing pumipikit ako, mukha niya nakikita ko, mga ngiti niya, ngisi, tawa pati nga ang hagikgik niya. Huwag kalimutan ang kagwapuhan niya.

Eto na nga ba ang sinasabi ko eh. Distraction lang ang mga lalaki. Nagsisimula ng mga sleepless nights, walang ganang kumain at ang pinakamasakit miss na miss ko na siya. Parang adik lang. Buti na lang bakasyon na kami.

"Hoy! Ilang araw ko ng napapansin na lumilipad ang diwa mo. Andito ka nga pero ang isip mo hindi ko ma-reach," reklamo ni Ate Trish. "Don't tell me yung ka LDR mo pa rin yan. Naku sister, iba na yan, ha?" patuloy niyang pag-uusisa sa akin.

"Ate naman! Pag malalim ang iniisip, lalaki na talaga. Hindi ba pwedeng mga lessons ko," angal ko.

"Like?" aba si Ate nagiging makulit.

"Tigilan mo ako, Ate, basta hindi lalaking iniisip ko. Iwan mo na ako dito."

"Hoy, babae! Bakit ko naman gagawing iwan ka eh kwarto ko rin ito? Naka-take ka ba?" pagbibiro ng Ate ko.

"Hahaha! Ang corny mo, Ate! Sige, matulog ka na. May pasok ka? Ako, wala kaya pwede akong magpuyat."

Nang makabalik na sa kama niya si Ate, humiga na din ako. Mga mata ko nakatuon sa kisame. (Hindi para magbilang ng butiki.) Nagrereplay lang uli ng sinabi ni Wilber sa akin, "Take care, I love you."

Ganito ba talagang in love? No! Hindi pwede kaya erase, erase, erase. Bawal pa sa akin yan. Dapat siguro sa susunod na pasukan, mag-ready ako ng invisible blinders para hindi ko siya makita. Sira na talaga ako! Saan naman ako makakakuha nun? Pumunta kaya ako sa Sta. Ana baka may spare blinders sila.

Dumating ang enrolment sa first semester ng last schoolyear namin. Palinga-linga ako. Sana wala si Wilber. Hindi pa ako handang makita siya.

Buong morning kaming nasa school. Mahirap maghanap ng mga schedules na swak sa gusto namin. Nag-rest muna kami sa shed sa likod ng ecumenical church para mag-snacks na din.

"Ano bang PE ngayon ang kukunin mo, ha Arya?" tanong ni Leih.

"Oo nga, lahat na halos nakuha mo na. Grabe ka! PE lang pinaabot mo pa ng 4th year," buska ni Louise.

Natawa lang ako. "Ewan ko ba! Sports minded naman ako. Any suggestions?"

"Eto na lang naman ang hindi mo pa na-eenrolan: folk dancing (ngyeks parehong kaliwa ang paa ko saka baduy), archery (ayoko lalaki ang muscles ko diyan sa bigat ng bow), swimming (hindi na baka magkatotoo ang panaginip ko) o badminton (pwede sabi nila gwapo ang instructor. baka sakaling mawala sa isip ko si Wilber)," litanya ni Cheska.

"Hmm, lemme see! Appealing sa akin ang badminton (siyempre doon na ako sa may gwapo)," natatawang sagot ko.

Aba! Bakit biglang mga nakangiti hanggang langit ang mga kolokay na ito. Sinundan kong mga tingin nila. Hay naku! Nanlaki mga mata ko't napaupo sa bench. Si Wilber papalapit sa amin. Paano niya nalaman itong pwesto namin?

"Ladies, naka-enrol na kayo?" tanong niya sa grupo.

Ewan ko dito sa mga ito. Nag-unahan pa sa pagsagot. At hindi pahuhuli si Leih, "Almost sir. Academically, oo kaya lang po may isa rito na paabutin pa yata ng last sem namin ang PE niya." Tapos, hagikgikan na naman sila.

Samantalang ako tahimik. Hayaan ko na lang sila. Ayokong maki-pagparticipate.

"Tinatapos lang po namin ang snacks namin para makapunta na kami sa gym," si Chloe naman ang sumunod.

"Girls, kung napipilitan kayong samahan ako, I can manage. Sige, mauna na ako sa gym," tumayo ako at umiiwas pa din akong tumingin kay Wilber.

"Ay napikon na naman! Girls, halina kayo baka iwanan tayo niyan. Sir, mauna na po kami," paalam nila kay Wilber.

"May I have a word with you, Ms. Labrador?" ang tawag niya sa akin.

Patuloy pa din ako sa paglakad. "Hoy, babaeng mahaba ang hair a word with you daw," hagikgikang sabi ng mga kaibigan ko.

Wala akong choice. Bumalik ako sa bench. "Sir," ang tanging tinuran ko.

"How's your vacation? Did you miss me, Arya?" sa gulat ko napatingin lang ako sa kanya. Am I hearing this?

Pinandilatan ko siya, "Please sir, don't come near me again. I told you men are not on my list," saka ko siya iniwan.

"Anong sabi ni sir?" excited na tanong ni Gabbie.

"Oo nga friend, ayun o nakatingin pa sa atin, at nakangiti," singit ni Geri.

"Wala, ano ba sasamahan niyo ba ako sa gym o iiwanan ko kayo dito?" pagalit kong tanong sa kanila.

Maraming students nag-eenrol, karamihan freshmen and sophomore. Buti na lang konti lang ang pila sa badminton.

Natapos din. Ang mga academics namin, MWF (8-5) lahat samantalang ang badminton ko TTHS, 9-10:30 ng umaga.

Nang pauwi na kami, panay ang lingon ko baka biglang sumulpot si Wilber, matuliro na naman ako. Thank you, hanggang makasakay kami wala siya. Bakit kaya?

I Love You, My Handsome Prof!Where stories live. Discover now