Chapter Six
“Cheska, wow, ang laki ng pinagbago mo!”
“Oo nga, ang payat-payat mo na!”
“Ano bang ginawa mo para pumayat ka ng ganyan? Nakakainggit!”
Cheska just smiled shyly at her classmates. First day of class kasi nila ngayon, 4th year high school na siya—last year ng pagiging high school student niya.
Yes, aaminin niyang pumayat na nga siya. With those two months in summer, pinilit niya ang sarili niya na gawin ang lahat para lang pumayat na siya—from diet, extreme exercises, talagang she did it all. Sawa na kasi siya sa tukso ng ilan na baboy siya, balyena at mataba. She gonna admit, it always lowers her self-esteem.
Pero ngayon, iba na. Everyone was amazed with her new transformation.
“May kasama raw na taga-ibang school si Jane. Ang gwapo!”
“Talaga? Yun na ba yung sinasabi nila na boyfriend niya?”
May napapansin naman si Cheska na isang lalake na papunta ngayon sa room nila. He was very familiar. At iba ang uniform na suot nito na halatang taga-ibang school.
“Jack?” Kumunot ang noo ni Cheska nang makita ito ngayon sa school nila. Classmate kasi ito ng Kuya Chris niya na nasa ibang school na nag-aaral.
Napansin din naman siya nito at napatingin sa kanya. Halatang nagulat ito nang makita siya.
“Cheska?” Kumunot ang noo nito. Parang hindi ito makapaniwala sa transformation niya.
“Bakit ka nandito?” She asked curiously. Ngayon niya lang ito nakitang pumunta doon, kahit nga mismo ang mga kuya niya, hanggang sa labas lang ng campus nila.
“I am..” Jack paused for a moment, looking like he was hesitating to answer her question, “I am here to,” he swallowed, “I’m here for Jane, my girlfriend.”
Cheska felt something deep inside after that.
---
“Bakit hindi kayo magkatabing natulog?”
Kaagad namang napabangon si Jack mula sa pagkakahiga niya sa sahig. Napatingin naman agad siya kay Cheska na gulat na gulat ding makita ang dalawang matanda sa kwarto nila. Damn it. He knew it kung anong ugali talaga ng lolo’t lola niya. Mahilig itong makialam sa kanya, sa mga gamit niya, everything that as if he has no privacy anymore.
At sa mga oras na iyon, nakalimutan niya ang tungkol doon.
“Uh, I just peed Lola Rose,” Oh shit, bakit yun yung sinabi niya? But yes, he has bathroom in his room though.
Nilapitan niya kaagad si Cheska sa kama nito as he also wrapped his arms around her shoulders, giving her a gentle squeeze, “Tapos nakita ko itong asawa ko na mahimbing na mahimbig pa rin ang tulog pero ayokong makaistorbo kaya sa sahig na muna ako natulog. Masyado kasing maganda itong asawa ko para gisingin.” He lied. What the hell did he just said. He wasn’t even sure if his grandparents were convinced.
BINABASA MO ANG
Husband For Rent (Published, Now in Bookstores)
ChickLit(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. She was so broken that she decided to focus her mind in being a fashion designer. Ginugol niya ang or...