Typo errors are alot.
Chapter Twenty-Two
"Lui, sure ka na bang hindi ka magstestay dito kahit one week?" Tanong ni Cheska sa kaibigan nang inihatid na nila ito ni Jack sa airport. Babalik na kasi ito sa France. Hindi raw kasi ito magtatagal doon.
"Hindi na, masasaktan lang ako." Madramang tugon nito sa kanya. Hindi naman maiwasang matawa ni Cheska sa sinabi nito. Sinabihan kasi siya nito na si Evan Lastimosa, Jack's colleague in the project, na may asawa na rin pala. Akala kasi ng bakla, single pa ito. Masayang-masaya pa naman daw ito na makasabay sa kotse ang lalake pero nalaman na lang niya na susunduin muna nito ang asawa nito sa isang mall na nagbabakasyon din sa Cebu.
"Don't worry, Lui. We'll tell you quickly kapag nagkahiwalay na si Evan at ang asawa niya. Ikaw una naming babalitaan." Jack interrupted jokingly. Jack then wrapped his arm around Cheska's shoulders.
"Che!" Inirapan lang sila ni Luigi, "Sige na, h'wag na kayong pakipot sa isa't-isa. Kaloka kayo, ang dami ng nangyari, magkakabalikan lang din pala. Sige na, babalik na ako sa France at magmomove-on na. Basta, kapag nagkaproblema na naman kayong dalawa," The gay suddenly winked at Jack seductively, "Sa kin ka pumunta, Papa J."
Nagkatawanan naman silang dalawa ni Jack dito.
"O, sya, sige na. Aalis na ko. Text-text na lang saka skype. H'wag na kayong mag-away na dalawa ha! Byeee!" Pagkatapos ay isa-isa sila nitong niyakap. Kumakaway ito sa kanila habang papasok na para magcheck-in. She will really miss Luigi. Malaki kasi ang naitulong nito sa kanya—especially para marealize niya ang lahat ang kung anong meron man sa kanila ni Jack ngayon. Now, she was not afraid anymore to try.
"Tara na, Misis. Naghihintay na sila Lola Rose sa 'tin." Jack grinned. Natawa na lang din Cheska rito.
"Oo na, mister."
—-
"Lola, nandito na kami." Cheska announced as they went inside the house. Aminado silang mga 9am na. Sinabihan kasi nila ang mga ito na ihahatid muna si Lui sa airport at mauna ng kumain ng agahan kaso hindi ito pumayag at hihintayin na lang daw silang dalawa ni Jack.
Pero parehas silang napatigil ni Jack nang dumating sila sa living room. They saw two very familiar persons. Both of them were surprised to see the unexpected guests.
"Mom, dad.." Jack was very surprised to see his parents. Katabi nito sina Lola Rose at Lolo Pots na halatang kanina pa nag-uusap.
Jack's mom then stood up. Nakangiti pa itong nilapitan sila. Even though the woman was acting like that, Cheska could still feel the tension. Jack's mom looked like she was only faking a smile to them.
"Jackson anak," His mom smiled sweetly at them, "Why didn't you tell us na kasal ka na pala?" The lady told them. Napahawak na lang si Cheska sa kamay ng asawa. Parang kasing nakakatakot ang dating ng mga ito.
"Oo nga apo!" Lola Rose suddenly interrupted, "Akala ko ba nasabi mo na sa mga magulang mo?"
"Jackson, what were you thinking?" Mas lalo silang nagulat lahat nang biglang nagsalita—it was Jackson's dad. He was looking at them furiously.
"Leo, let them explain." Sumabat naman kaagad si Lola Rose.
"Papa, Mama, wala ng nagawang matino yang apo niyo." His dad, Leo hissed. He really looked mad. "Dati pa, lagi na niyang sinusuway kami."
"Cheska, does your parents know about your marriage?" Bigla naman tinanong si Cheska ng Mommy ni Jack.
"Uhm.." Cheska was really getting nervous. Ano ba dapat ang sasabihin niya? Mas lalong gugulo kung malalaman din ng mga magulang niya ang tungkol sa kanila ni Jack. At alam din niya na magkakilala rin ang mga magulang niya sa parents ni Jack. Of course, they were neighbors before.
"It's none of your business, dad." Jack suddenly said. "It's my life. I can choose whatever I want to do with it." He told them sternly. Naramadaman naman ni Cheska ang paghigpit ng paghawak ng kamay ni Jack sa kanya.
"Jackson, are you really out of your mind?!" Leo yelled. Napatayo na rin ito.
"Saan ba kayo ikinasal?" His mom suddenly asked them.
"Las Vegas." Jack answered dryly. Parang hindi ito natitinag sa mga sinasabi ng mga magulang nito.
"Las Vegas?" His dad replied incredulously. Hindi ito makapaniwala sa mga narinig nito sa anak. "At doon pa talaga ninyo naisipang magpakasal?"
"Tita, Tito!"
Napatigil naman silang nang may biglang salita.
Cheska's eyes widened when they saw another familiar figure approaching them.
It was Jane Buenavista.
//
BINABASA MO ANG
Husband For Rent (Published, Now in Bookstores)
Chick-Lit(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. She was so broken that she decided to focus her mind in being a fashion designer. Ginugol niya ang or...