Typo errors are alot.
Chapter One
"Baboy!"
"Isang beses na lang, ibabato ko na 'to sayong itong hawak kong softdrink!" Banta ni Cheska sa kaibigan ng Kuya Chris niyang si Jack dahil inaasar na naman siya nito habang nanunuod siya ng TV sa sala.
Nasa bahay nila kasi ito, pinapunta ng kuya niya dahil maglalaro daw ang mga ito ng basketball. Kaklase rin kasi ito ng Kuya Chris niya.
Talagang ayaw na ayaw niya rito. She hates Jack to the core. Palagi kasi siya nitong inaasar na baboy saka balyena. Oo, aminado naman siyang mataba talaga siya pero pwede bang huwag ng ipamukha sa kanya? Heller? Matagal na niyang alam na baboy siya.
Minsan nga, hinihiling niyang tataba rin ito gaya niya. Saka tinatamad pa siyang magdiet, ang plano niya, sa college na siya magpapapayat. Tutal, high school pa lang naman siya.
"Balyena—"
Hindi na niya mapigilan ang sarili niya at binato na nga rito ang bottled softdrink niya. Unfortunately, nakailag ang mokong.
"Hoy, Asenjo, tigil-tigilan mo na yang kapatid ko, tayo na!" Biglang sumabat ang Kuya Chris niya at napilitan naman itong umalis sa kinaroroonan nito.
"Masprain ka sana!" Pahabol na sabi ni Cheska sa lalake at binehlatan.
---
"You and Mr. Jack Asenjo are married?"
"Uh..." Fudge. Hindi niya alam kung anong i-rereact niya kay Mr. Giovanni. Kung bakit kasi sa lahat ng lalakeng sumulpot, si Jack Asenjo pa. She was not expecting him nor seeing him again in freaking her whole life. Saka wala na siyang planong makita pa ito. Sa lahat ba namang pambubuwisit na ginawa nito sa kanya 'nung teenage years niya, ayaw na niya itong masalamuha pa.
"Mr. Jack Asenjo, is it true?" Muli ay ibinaling nito ang tanong nito kay Jack. Cheska couldn't even guess Jack's current expression. The man looked like he was amused and surprised.
Oh my god. Think, Cheska!
Ilang segundo rin ay nagsalita na si Jack, "Mr. Giovanni—"
"Yes, we are married! Right, cheesypie?" She immediately interrupted. Kumapit kaagad siya sa braso ni Jack na halatang nagulat sa sinabi niya. Parang natatawa ito sa pinaggagagawa niya.
"Yes, of course, piggypie!" Bigla itong sumakay sa sinabi niya at kinurot pa ang ilong niya. Nandidiri na talaga siya sa ginagawa nilang dalawa! And she didn't expect na makikisakay ito sa sinabi niya. At wow, piggypie pa talaga ang tawag.
"When?" Mr. Giovanni was not clearly convinced.
"L-Last week!" Sagot kaagad ni Cheska bago pa man sumabat si Jack na halatang natatawa na rin.
"I see," Mr. Giovanni suddenly said but obviously, hindi pa rin ito naniniwala sa sinabi niya, "Well, I will be having a board meeting later so I have to go now. But for now, okay, I will think about your designs, Ms. Torres—uhm, Mrs. Asenjo. The three of us will meet tomorrow again. Will that be okay? We'll settle things." Dolce & Gabanna's CEO seriously added. Parang hindi talaga ito kumbinsido sa mga sinasabi nila.
"Yes, Mr. Giovanni." Cheska forced a smile. Hinigpitan pa niya ang paghawak niya sa braso ni Jack. The horror.
"Okay. I'll see you tomorrow." Anito at sabay nga silang tatlong umalis sa opisina nito. Then, Mr. Giovanni just left them.
"Praise the lord, alleluia." Napabuntong-hininga na lang siya nang makaalis na nga ng tuluyan si Mr. Giovanni. Muntik ng hindi matanggap ang mga designs niya. Buti na lang at nakaisip agad siya ng paraan or else her efforts will be put in vain again.
"What the hell did just happen?" Jack suddenly said kaya naman napalingon siya rito. Halata sa mukha nitong manghang-mangha ito sa nangyari kanina.
"Let's talk in a resto." She replied.
---
"Wow."
Naitaas naman ni Cheska ang isang kilay niya sa lalake nang makaupo na sila sa table. Noon pa man, hindi na niya talaga feel ang presence nito. Kahit pa nga lang ngayon lang sila nagkita ulit, for so many years, malapit na siyang mabuwisit.
"What?" Mataray na sabi niya rito. Hindi pa pala nawawala ang pagkainis niya rito.
Jack laughed, "Well, long time no see, Cheska. I mean, whoah. You looked sexier and prettier than before." Amusement formed on his eyes. He was correct though, talagang payat na siya ngayon.
"Hindi naman ako panget, kung makapagsalita ka." Naasar kaagad siya sa pagmumukha nito. Kung bakit ba kasi naging kaibigan ito ng kapatid niya. Saka, ano bang ginagawa nito ngayon sa Italy?
"By the way, what the hell are you doing here?" She asked him rudely. Gusto niyang iparamdam dito na ayaw niya rito simula pa man.
Nagkibit-balikat lang si Jack, honestly. The man too looked different. Jack even looked more good-looking than before. Noon pa man, aaminin niyang gwapo si Jack but never in a million years na nagkacrush siya rito. Buti na lang talaga.
"Modelling for Dolce & Gabanna?" She asked, curious. Alam niyang model ito and maybe the reason why he's here in Italy.
"No," Jack smiled, "Dolce and Gabanna was asking me to design the building na itatayo nila sa Dubai, a new branch of D&G." He answered.
"Design?" She was confused with his answer.
"I'm an architect." He amusingly answered.
Napanganga naman si Cheska sa isinagot nito. Jack Asenjo is an architect? How? Nakapagtapos ito? Saka, may pangarap pala ito sa buhay?
Alalang-alala pa niya 'nung high school, bad influence ito.
"Nakapagtapos ka?" She incredulously asked. Hindi siya makapaniwala na isa pala itong architect.
"I did, fortunately?" He stifled a light laugh. "Expect the unexpected."
"Duh," She rolled her eyes, "By the way, 'yung sinabi kung we're married. We need to continue that scheme. But before anything else, para walang sabit at walang maapektuhan, I want to ask you one thing, Jack and answer me seriously."
"Fine, go on." Talagang enjoy na enjoy ito sa pang-aasar sa kanya.
"Do you have any girlfriend or wife right now?" She was hoping na single pa ito para tanggapin na ni Mr. Giovanni ang mga designs niya. She knew, they're both in their late 20's. She's 27 and the probably the guy is 27 too.
Natahimik naman ito sa sinabi niya. Then after a minute, a smile formed on his face, "Well..."
"Unfortunately, I already have a wife."
//
BINABASA MO ANG
Husband For Rent (Published, Now in Bookstores)
ChickLit(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. She was so broken that she decided to focus her mind in being a fashion designer. Ginugol niya ang or...