Chapter Thirty-Seven

102K 2.2K 213
                                    

Typo errors are a lot.

Chapter Thirty-Seven



"Huh?" Naguluhan naman si Cheska nang may makita siyang isang bouquet ng roses at isang letter na nasa loob ng locker niya. Kaagad naman siyang napatingin sa kaliwa't-kanan niya pero wala siyang napansin na kahina-hinalang naglagay 'nun doon sa loob ng locker.

"Lena, may nakita ka bang naglagay ng bulaklak dito sa locker ko?" Tanong niya sa schoolmate niya nang binuksan din nito doon ang locker nito. Magkatabi lang kasi sila ng lockers.

"Ah, oo, may nakita akong lalake, taga-UP ata na may kasamang taga-school din natin na nagpatulong para ilagay ang bouquet sa loob ng locker mo." Sagot naman nito habang nilalagay nito ang mga libro sa loob ng locker.

"Kilala mo ba kung sino?"

"Hindi e. Yung alam ko lang, 'dun sa ID tag niya, College of Architecture? Ewan 'di ko rin alam, Ches. Sige, alis na ako." Pagkatapos ay iniwan na nga siya nitong mag-isa doon.

Binasa naman ni Cheska ang letter.

Hey, I know, we knew each other since kids.

And since then, I already like you.. until now.

Please meet me at the park near your school. Later @7pm.

--J.A.

---

"Kamusta yung pagpunta mo sa park pare? Naglalasing ka yata e, bad news?" Tanong ng kafrat ni Jackson sa fraternity nang madatnan siya nitong mag-isang umiinom sa club. He was drowning himself with alcohol, again... as always.

"She didn't come," He answered as he took another glass, "I've waited for hours, pero naghintay lang pala ako sa wala." He bitterly added.

---

"I'm pregnant with Jack's child-and we're also going to be married soon."

Everyone became silent when Jane announced it to the crowd pero kaagad din namang nagpalakpakan ang lahat pagkatapos ng ilang segundo. But most of all, Cheska and Jackson were the most surprised among all the audience. Lalong-lalo na si Cheska na 'di makapaniwala sa sinabi ni Jane sa kanila. Jack didn't tell her any of these.

"Excuse me," Naiiyak na sabi ni Cheska kina Lola Rose at Lolo Pots na halatang nagulat din sa sinabi ni Jane. Katable lang kasi nila ang dalawang matanda sa reception. Kaagad naman siyang tumayo at mabilis na tumakbo para umalis doon sa reception. She couldn't bear anymore the pain she felt on that very hour. It was like crushing her heart into pieces.

"Cheska!" She heard Jackson was shouting her name but she didn't mind it. Sobrang nasaktan siya sa mga nangyari sa oras na iyon.

---

"Cheska!"

"Cheska, please stop!"

Napahinto naman si Cheska sa mga yapak niya. Aminado siyang napalayo-layo na nga siya sa lugar kung saan kasalukuyang nagaganap ang reception ng kasal ni Anya. Ayaw niya munang kumausap ng mga tao dahil sobra-sobrang nasasaktan. Parang hindi niya kayang harapin ang mga ito ngayon.

"Cheska, please." She knew who it was. It was Jackson. Her soon-to-be ex-husband.

"Jack," Nilingon niya ito. Alam niyang sirang-sira na ngayon ang make-up niya dahil sa pag-iyak niya, "Tama na. Tama na 'to, Jack. Tama na itong pagpapanggap natin. Kasi ayoko na, Jack. Sobrang sakit na." She cried as she told him those words. Oo, siguro, ito na nga ang tamang panahon na tigilan na nila ang lahat ng pagpapanggap nila. This is now the time in which they must stop pretending to the whole world that they're happily and really married. Para wala ng gulo.

Husband For Rent (Published, Now in Bookstores)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon