Typo errors are alot.Chapter Twenty-Seven
Nagising na lang si Cheska nang may biglang tumunog na cell phone. "Ugh.." She immediately got up from her bed—at kahit nakapikit pa ay kaagad kinuha ang phone niya na nasa table at sinagot. "Hello?"
"Anak!" Cheska's eyes widened the moment she heard her Mom Monique's voice on the other line. Parang gising na gising na agad siya.
"Mom!" She didn't expect that her mom would call her on that day or time! "N-Napatawag ka?" She stammered. Shit. She didn't prepare herself for this.
Napansin naman niya si Jack na naglalakad ngayon papunta sa kanya. The confused look on his face was also visible. Nakasuot lang ito ng white tshirt and black boxers. "What's happening—"
"Sshh!" Hindi niya ito pinatapos at bumaling ulit sa tawag ng Mommy niya.
"Kailan ka ba babalik dito sa 'tin, anak? Namimiss ka na naming ng Daddy mo e," Paglalambing nito sa kanya. Kahit naman kasi matatanda na ang mga magulang niya, nagpapalambing pa rin ito sa kanilang magkakapatid.
Cheska chuckled, "Uhmm.. I'll be back there soon, Mom."
"Saan ka na ba? Nasa France ka na ba o sa Cebu? You weren't still texting us," Halata sa boses nito ang pagtatampo, "Saka malapit na ang family gathering natin, I need you to come here." Muntik ng mapasapo sa noo si Cheska nang marinig ang sinabi niya ito. Oo nga pala, may family gathering pa sila at kailangan niyang umuwi.
"Uuwi ako Mom, don't worry, saka I miss you too both of you with Dad. Ikamusta mo na lang kina Kuya Chris at Kuya Chace."
"Hay, sige, basta ingat ka lagi ha? We love you."
"Love you too, bye mom." Tapos na rin ang tawag nito sa kanya. Kaagad naman siyang napatingin kay Jack who was looking at her in amusement. "What?" Hindi niya tuloy maiwasang matarayan ito.
Jack just stifled a light laugh, "Nothing. Do you want some coffee?"
Itinaas naman niya ang isang kilay niya rito. She then looked at herself. She felt relieved nang makitang suot-suot pa rin niya ang dress niya kahapon. Aminado siyang naglasing siya kagabi kaya wala talaga siyang alam kung ano man ang nangyari sa kanya kagabi. But speaking of that...
"Wait.. Anong nangyari sa kin kagabi?" Tinanong niya kaagad ito. Kahit kasi anong pilit niyang aalahanin ang mga nangyari sa kanya kagabi, wala talaga siyang maalala. She was really drunk. Matapos kasi siyang insultuhin ni Kaitlyn, she felt insecure with herself. Parang bumaba ang self-esteem niya dahil sa sinabi ng babae.
"Wala naman," Kibit-balikat pa nitong sagot sa kanya, "You were just drink hanggang sa nakatulog ka."
"Lie, may sinabi ako. May sinabi ako diba?" Ayaw niyang maniwala rito. She knew if she was drunk, kung anu-ano na lang pinagsasabi niya.
"Ah, oo. May sinabi ka nga." She noticed the sly grin that was now forming on his face.
"Ano?"
"Na crush mo ko 'nung HS ka pa." He answered dryly. Then there was silence afterwards.
"Oh my god." Gusto na talaga niyang gumulong sa sahig dahil sa kahihiyan. Talagang nasabi niya? Oh my gulay. Dahil sa kadaldalan niya, nasabi niya iyon. Ano na lang iisipin na Jack sa kanya? Baka mas lalo ring lumaki ang ulo nito kasi may gusto siya rito dati. But that was just before! Eh kasi naman, napaniwala siya sa mga kaklase niya dati na 'the more you hate, the more you love'. Kaya nga siguro ganun kasi she always hated Jack's presence. "Talagang sinabi ko yun?" She really now wanted to cry because of embarrassment.
BINABASA MO ANG
Husband For Rent (Published, Now in Bookstores)
ChickLit(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. She was so broken that she decided to focus her mind in being a fashion designer. Ginugol niya ang or...