Sinulat sa Tubig

7 6 0
                                    










Nako po lagot nanaman ako neto kay mommy. Baka ano nanaman yong iisipin nya lalo nat hindi ako naka uwi ka gabi nako, good luck self kaya mo yan.

"Anak sabihin mo nga sino yong Arlo nayon ha?"

"Kaibigan po sya ng kaibigan ko." Ay hindi na nga pala kami mag kaibigan.

"Talaga ba? Kung kaibigan sya nang kaibigan mo bakit hindi yong kaibigan mo yong nag hatid sayo?"

"Mommy naman, ang dai nyonpong tanong pagod na po ako gisto ko nang mag pa hinga mommy."

"Ano sabihin mo boyfriend mo yon no?"

"Hala mommy hindi no. Hinatid lang ako boyfriend ko na ka agad?"

"Nako nako nako, eh bat di ka umuwi kagabi? Alam kong don ka na tulog sa bahay nang Arlo nayon, at anak sa mukha mong yan alam kung na ga-gwapuhan ka sa kanya." Oo naman no syempre.

"Mommy naman."

"Nan liligaw naba?"

"Oy mommy hindi ah. Kakakilala lang man liligaw agad."

"Nako, ang bata bata nang mukha anak talagang mag mumukha kang ate pag kasama mo sya, pero okay lang parang mabait naman."

"Mommy naman alam nyo namang tapos nako sa love love nayan diba? Ewan ko sayo mommy, akyat napo ako sa taas." Sabay alis ko.

"Nako basta pag kailangan mo nang tulong nan dito lang si mommy." Aghhhhhhhhh

"Bye ma matutulog nako..."

"Asus, sige para bumata yag mukha mo kahit kunti." Puro talaga kalokuhan si mommy.








----------------------



*Neon's Point of View*



Nakakainis, sya na ngayong tinulongan sya pa tong galit. Sana di ko na lang sya tinulongan. Ang arte arte di naman bagay sa kanya, maliit na bagay bini-bigdeal, parang batakung umasta.

"Neon, ano yon? Nanakit kana nang babae?" Pag sesermon ni Arlo

"Pwede ba Arlo wag ngayon, wala ako sa mood makinig sa mga sermon mo. Papasok nako ikaw na bahala dito."

"Neon, hindi lahat nang babae sasaktan ka, kaya sana naman wag mong bastosin lahat nang babaeng makikilala mo."

"Arlo wala kang alam kaya kung ako sayo wag kana make-alam. Mind your own business." Umalis na agad ako bakit ba kasi ako yong nag mumukhang masama.

"Okay, pero sana pag dating nang panahon hindi ka mag sisi dahil sa ginawa mo." Daming alam.

Nasa skwelahan nako ngayon, pumunta agad ako sa room ma li-late nako, kasi naman pinag luto pako nang pagkain eh di rin naman pala kakainin ang bwest na babaeng yon.

"Oy pre, grabe di ako maka paniwalang ganon mo kaayaw sa mga babae. Kala ko kalma kalang, pero kahapon grabe naman talaga yon." Sabi ni Third.

"Oo nga pre, si Aria galit na galit sayo." Sabi ni Clarck

"Bat naman sya magagalit? Don sa kaibigan nyang bastos, don sya dapat magalit. Kung hindi lang kasi bastos yong kaibigan nyandi sana sya ma sasaktan."

"Nako pre goodluck na lang sayo." Sabi ni Third.

"Pero pre sana hindi mo sinaktan si Akisha, nang hindi lumaki ang gulo." Sabi ni Ian.

"Wala akong pake alam."

"Balita ko nga pala wala si Akisha, nako talagang sobrang na saktan si Akisha sa ginawa mo Neon. Kalat na kalat sa internet yong pananakit mo sa kanya, siguradong hindi sya naka pasok dahil sa nangyari." Sabi ni Clarck

AmneesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon