"Talaga?" Sabay lapit nya sa mukha ko.
"Oo." Sabay smile ko sa kanya. After a few seconds nag salita ulit ako. "Char! Asang asa ka naman no."
"Bat di kaya natin totohanin yong sinabi nong babae kanina sa shop tungkol satin." Sabay lapit nanaman nya sa mukha ko.
"A-anong sinasabi mo?" Lumalapit parin sya kaya napapikit ako.
"Asang asa kanaman." Sabay dilat ko sa mga mata ko. "Sabi ko na ngaba na fall kana sakin, kaya akala mong hahalikan kita." Sabay ngiti nya.
"Assuming, di kita type no ang sungit sungit mo kaya."
"Bakit di ba pwedeng mag bago yong tao?"
"Pwede naman, pero ikaw? Imposible."
"Grabe ka naman sa imposible, tandaan mo pwedeng mag bago ang demonyo lalo na kapag nag mahal ito."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Basta malalaman mo din pag dating nang araw."
"Ano nga kasi?"
"Basta nga, ang kulit mo naman tara na gutom nako." Sabay hawak nya sa kamay ko.
Nasa isang magandang bahay kami, maliit pero pag pasok sa loob grabe ang ganda ganda.
"Wow grabe ang ganda naman dito."
"Alam ko."
"Sayo bato?"
"Sakin na ngayon."
"Sayo na? Bakit kanino bato?"
"Samin ni Allane." Ay okay.
"Ganon?"
"Oo, kami nag tayo nito at kami rin ang nag disenyo, kaso ikakasal na sya kaya sakin na naka pangalan to."
"Ganon sayang naman."
"Di naman, ako lang naman may gustong itayo to."
"Ganon, eh diba sabi mo kayo nag tayo kayo nag disenyo pano naging ikaw lang ang may gustong itayo to?"
"Ang dami mo namang tanong." Sabay punta nya sa kitchen sumunod naman ako.
"Ano lulutoin mo?"
"Pagkain." Pilosopo.
"Anong klaseng pagkain?"
"Yong na kakain."
"Hayst! Napaka pilosopo mo."
"Ang suplada mo naman, adobo lulutoin ko gagawa din ako nang sushi."
"Oy talaga? Damihan mo ah thank you." Sabay smile ko sa kanya.
"Sinong nag sabing kakain ka?"
"Ano? Grabe ka naman sakin."
"Okay, dahil ma bait ako tulungan mo na lang ako."
"Ha?"
"Bingi ka? Pa ulit ulit tayo? Ayaw mo? Bahala ka."
"Oo na, eto na nga oh tutulong na."
"Oh hiwain mo lahat yan." Gosh
"Ha? Pano?"
"Hiwain mo nga gamit yong kutsilyo." Sabay bigay nya sakin nang kutsilyo. Kaya nag slice nako.
"Aw! Gosh!" Na hiwa yong daliri ko, ang sakit panaman neto.
"Hay nako, ang tanga tanga mo talaga." Sabay hawak nya sa daliri ko.
BINABASA MO ANG
Amneesia
RomanceIba't ibang kwento sa bawat kapares ng mga karakter. Tungkol sa iba't ibang kwento ng mag kakaibigan ng grupong Queens, Skulls at Lions na nag simula sa Storya nang main characters na si Aria Bezos at Simba Hale. Pano na bago nang isang Amnesia ang...