Taekwondo Kiss

3 1 0
                                    














Nag ring na yong bell kailangan na naming pumasok sa klase, pero pano si Akisha ano na kaya nangyayari sa kanya, sana lang talaga hindi sya saktan ni Neon lagot talaga yong lalaking yon sakin.

"Beh tara na ma li-late na tayo sa arts." Sabi ni Sam.

"Ah sige." Nag aalala talaga ako kay Akisha.

"Oy kayo rin baka ma late kayo." Sabi ni Sam sa Skulls

"Okay lang ma una na kayo may gagawin lng muna kami." Sabi ni Clarck.

"Gulo nanaman ba?" Tanong ni Sam.

"Hindi, wag kang mag alala sakin, good boy ako." Sabi ni Clarck.

"Wow ah." Sabi ni Sam at sabay ngiti. Napaka assuming naman ni Clarck.

"Oy Clarck ang assuming mo naman, bat naman mag aalala si Sam sayo, di kanaman vip." Sabat ni Harvey.

"Asus nag seselos kalang." Sabi ni Clarck.

"Ako mag seselos? Ikaw? Pag seselosan ko? Pare eto lang masasabi ko di mo ma papantayan yong ka gwapuhan ko lalo na ang timbang ko." Pang-iinsulto ni Harvey.

"Oo di ko nga ma papantayan, pero atleast ako pinapansin ni Sam at napapangiti ko pa sya, eh ikaw? Halos ipag tabuyan ka nga nya diba at kahit ma silaw pa sya sa ka gwapuhan mo para karin lang anino sa kanya, walang ka buhay-buhay at wala syang pakealam sayo." Sagot ni Clrack. Grabe para silang mga bata.

"Mag sitigil nga kayong dalawa. Mga isip bata." Sabat ni Sam. At agad naman tumahimik yong dalawa.

"Ano ba? Nag ka gulo na nga kanina, tapos ngayon dadag-dagan nyo nanaman yong gulo, mga isip bata kayo, pwede ba unahin mona natin si Akisha at Neon." Sabat ko.

"Wag kang mag alala Aria si Gray namana mismo nag sabi diba na magiging okay si Akisha." Sabi ni Third. Nag da-doubt parin ako.

"Oo naman Aria kaya wag kang mag alala kilala namin si Neon, wala syang gagawing masama kay Akisha." Sabi ni Clarck. Dapat lang talaga.

"Pag may nangyari talaga kay Akisha mananagot kayo sakin." Sabay alis namin ni Sam.







Nasa classroom na nga kami, pero ibang classroom nato, nasa isa sa pinaka ma taas kaming antas ng classroom kung saan lahat nang top students mag kakasama sa iisang room ang Arts. Lahat ng mga studyante naka tingin samin ni Sam. Nandito rin pala yong Queens.

"Beh dito tayo." Sabay upo namin ni Sam. Biglang nag ingay yong mga babae nong papa rating yong Skulls. Grabe yong tili sakit sa tenga.

"Grabe naman maka tili yong mga babae parang kataposan na nang mundo." Sabi ni Sam.

"Oo nga eh, di ka pa na sanay eh araw araw ganyan sila, pero ang sakit sa tenga ng mga tili nila." Pero wala parin si Neon. Kamusta na kaya si Akisha.

"Hi Aria, hi Sam." Sabi ni Clarck. Naka ngiti pa sya habang sinasabi yon.

"Hello." Sabi namin ni Sam. Lahat tuloy nang mga babae naka titig samin. Ang sasama pa nang tingin nila samin.

"Nako masaya to kasi mag kaklase tayong lahat." Sabi ni Clarck.

"Oo nga eh." Sabi ko. Umupo agad yong skulls sa pwesto nila sa left side namin. Nag tilian naman ulit yong mga babae, paparating na kasi yong Lions. Agad silang umupo sa kanilang upoan sa likoran namin, medyo awkward.

"Hi Sam, grabe ang bait naman nang universe at sya na mismo nag lapit satin." Sabi ni Harvey, halatang chickboy.

"Hindi no, actually napaka unfair ng universe at na kilala kita." Sagot ni Sam. Angas nya don ah.

AmneesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon