Gusto mo ba ako?

9 1 0
                                    











*Akisha's Point of View*












"Akisha okay ka lang?" Tanong ni Aria sakin.

"Oo medyo masakit lang yong braso ko." Bigla na lang akong kinarga ni Neon.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko sa kanya. Pero di sya sumagot at agad nya kong ni labas sa canteen.

"Teka Neon.." Pag pupumigil ni Aria kaso di huminto si Neon. Saan nanaman ba kasi nyako dadalhin?

"Teka ano ba san mo ba ko dadalhin?"

"Wag kanalang pumalag."

"Ano ba may klase pako."

"Sa tingin mo kaya mong mag sulat sa lagay mong yan?"

"Bakit diba na gagamit yong tenga pwede naman makinig ah, Pwede ba i baba mo na ko."

"Sabing hindi!" Sabay pasok nya sakin sa sasakyan nya, at pumasok na din sya. Isusuot nya sana yong seatbelt sakin kaso inunahan ko sya kaso masakit sa braso.

"Ah! Kainis." Lumapit sya sakin at sinuotan nang seatbelt. Tumitig sya sakin pero lumingon ako sa kaliwa. Pinaandar nya na agad yong sasakyan at pinatakbo.

"Bat mo kasi sinalo yong suntok nong bwst na yon kanina?"

"Wala kana don." Anong pake mo.

"Bat ba ang sungit sungit mo?" Di ako sumagot sa kanya. "Ano? Di kananaman mag sasalita?" Di parin ako sumagot. Bigla nya lang pinahinto yong sasakyan at inalis ang seatbelt nya at bigla nya na lang akong hinalikan, tinulak ko sya papalayo. Masakit sa braso yon agh.

"Ano ba!? Wala ka bang magawa sa buhay? At basta basta ka nalang hahalik?"

"Oh ayan nag salita ka rin. Bat ba ang sungit sungit mo? Tinulongan na nga kita."

"Pwede ba wag kang aarteng may pake alam ka."

"Anong pinag sasabi mo?" Di ako sumagot. "Gusto mo ba ulit mahalikan?"

"Pwede ba layuan mo nako utang na loob Neon!" Sigaw ko.

"Ano bang problema mo? Bat kaba galit na galit?"

"Di mo alam? Ha? Di mo alam?"

"Mag tatanong bako kung di ko alam?" Pilosopo ka pa talaga sa lagay nato ah.

"Aghh! I hate you!"

"Bakit ba kasi?" Bumaba ako ng kotse, na pilitan akong gamitin yong kamay ko kahit ang sakit sa braso. Bumaba din sya. "Sabihin mo kasi bat ba galit ka?" Bigla na lang bumuhos ang ulan agh!

"Agh!!!"

"Pumasok na tayo sa kotse umuulan na."

"No! Pumasok ka mag isa." Sabay alis ko.

"Ano ba!" Sabay hawak nya sa kamay ko at niyakap.

Tinulak ko sya. "Yan, yang ka libog mo matapos mong mag bait baitan sakin bigla bigla ka nalang mag susungit ulit. Neon tao ako hindi laruan, na kapag sawa mo nang pag laruan iiwanan mo na."

"Anong sina sabi mo?"

"Bobo kaba ha? Agh! Di ko alam, di ko alam kung bat ko na raramdaman to pero agh ewan ko sayo."

"Di kita ma intindihan."

"Alam ko! I hate you!" Bigla na lang may sasakyang sumulpot.

"Akisha!" Pinikit ko na lang yong mga mata ko. "Okay ka lang?" Pag dilat ng mga mata ko nakayakap sya sakin. Tinulak ko sya ka agad.

AmneesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon