Ex Boyfriend

3 1 0
                                    
















Pag dilat nang mga mata ko naka akap ako kay Neon habang sya hawak hawak ang kamay ko. FYI (For Your Information) lang ah walang nangyari samin. Oo hinalikan nya ako ka gabi pero biglang may tumawag sa cellphone nya kaya lumabas sya at kina usap yong tumawag sa kanya, after a few minutes nag punas nako nang mukha, pati din si Neon. After non humiga nako, habang si Neon tinawagan sya ulit, mukhang importante yong pinag uusapan nila. Let's have some flashback.

*Flashback*

"Sorry." Biglang sabi ni Neon.

"Ha? Saan?" Sabay harap ko sa kanya. Bat sya nag so-sorry?

"Wala, matulog na tayo." Ang gulo nya naman.

"Ah okay." Tumalikod agad ako at natulog. Pero bigla bigla nya nalang akong niyakap. "A-anong ginagawa mo?" Gosh ano to? Okay lang ba sya?

"Thank you." Ano daw? Bakit sya nag tha-thank you?

"Ha? Saan?" Sabay harap ko sa kanya.

"Kasi sinamahan mo ko."

"Saan? Dito? Hello ikaw nga nag dala sakin dito diba."

"Pero ang daming paraan para iwan mo ko diba." Sabay titig nya sakin. Medyo may point naman sya don. "Thank you kasi pinasaya moko." Ang seryuso seryuso nya, pinasaya? Wala naman akong ginawa ah, pero bahala na pinasaya nya din naman ako.

"Thank you din kasi pinasaya mo din ako." Sabay ngiti naming dalawa. Hinalikan nya yong nuo ko at na tulog na sya bigla, kakaiba sya ngayon. Grabe bilis nang tibok ng puso ko, kakaiba si Neon ngayon. Sana di sya mag bago.

Yep yon yung nangyari ka gabi akala ko panaginip lang lahat nang nangyari kagabi pero totoo nga talaga. Its 6:00 am na, gwapo ni Neon kapag tulog sya, gwapo din naman sya kahit gising, yong ugali nga lang yong problema, pero ka gabi ang bait bait nya.

"Morning." Gising na pala sya.

"Morning din." Sabay ngiti ko sa kanya.

"I hahatid na kita, ako na mag e-explain kay tita."

"Ha? Ah sige."

"Mag breakfast na lang muna tayo."

"Okay." Sabay ngiti ko.

Kumain kami sa isang restaurant, pero ang tahimik tahimik nya ngayon ang layo sa Neon na kasama ko ka gabi. Di na sya nag luto, gusto nya kasi tikman yong pagkain sa restaurant malapit dito.

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kanya.

"Oo. Tapos kana ba?" Luh, anyare sa kanya?

"Ha? Ah oo." Sabay inom ko na nang tubig.

"Sige tara na baka ma late pa tayo."

"Sige." May sakit ba sya? Anong problema nya?


On road na nga kami. Ang tahimik nya parin kakaiba sya, balik Neon na ba sya?

"Okay ka lang ba talaga?" Di sya sumagot. "Oy okay ka lang ba?" Pangungulit ko.

"Pwede ba tumahimik ka muna." Grabe bat galit sya? Tumahimik na lang din ako. "Sorry." Sabi nya, kaya medyo naging okay yong pakiramdam ko.

"Okay lang." Sabay ngiti ko.

"Yong nangyari ka gabi... Kalimutan na lang natin yon." Ha? Ano? Kakalimutan nang ganon ganon nalang? Bakit?

AmneesiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon