Chapter 05
Kasalukuyan akong naka-upo at naka-tingin sa mga sampay ko. Apat na minuto na ang lumipas nang umalis si Austin Archangel dahil may klase pa raw siya. Iniisip ko kung papasok ba siya na ganoon ang itsura niya dahil naka-suot siya ng usual attire niya pagkatapos ng training–jersey shorts, puting t-shirt, at itim na Nike sliders. Pero ayon sa research ko ay kailangang formal o semi-formal ang suot kapag sa degree nila na International Studies.
"Karaminah?"
Napa-tingin ako sa pinanggalingan ng boses. May isang lalaki na naka-tayo roon. Moreno ang itsura niya at naka-ngiti siya sa akin. Kitang-kita ko ang puti ng ngipin niya. Pantay-pantay din iyon. Likas na maganda lang kaya ang ngipin niya o veneers iyon?
"Yes?" sagot ko.
"Serj," sabi niya. Naka-tingin lang ako sa kanya. Lumapit siya ng 2 hakbang. "Iyong kasama mo sa pag-assist? Ikaw lang ba naglaba nito?" tanong niya habang napa-tingin sa mga naka-sampay na towel. "Sorry, nagka-problema kasi sa probinsya kaya napa-uwi ako."
"Okay lang," sagot ko. "Dito ka na ngayon?"
Tumango siya at saka lumapit sa mga naka-sampay. Hinawakan niya iyon. "Bawi ako—ako na lang bukas dito," sabi niya habang kinu-kuha iyong lalagyan. Tinutupi niya isa-isa iyong mga tuwalya bago inilalagay sa lalagyan. "Nahirapan ka ba?"
"Mahirap gumising nang maaga."
"Oo nga, e."
"Scholar ka rin?"
Tumango siya. "Ano'ng degree mo?"
"Wala pa," sagot ko. Napa-tingin siya sa akin at napa-kunot ang noo. "Nagdrop ako."
"Okay?" sabi niya. Bahagyang naka-kunot pa rin ang noo niya. Sabi ni Ate, kapag ganito raw ay ibig sabihin naguguluhan ang kausap ko. Kung pwede raw ay iexplain ko pa kung ano ang ibig sabihin ko. Sinusubukan ko namang maging malinaw sa lahat ng sinasabi ko, pero minsan ay may hindi pa rin nakaka-intindi sa akin.
"Legal Management iyong degree ko pero ayoko nun kaya nagdrop ako."
Tumango siya. "Pero mag-aaral ka ulit?"
Tumango ako. "Kaya ako may scholarship."
Natawa siya. "Okay," sabi niya. "Ano ba'ng gusto mong kunin?"
"Creative Writing," sabi ko. "Ikaw?"
"BA Film."
Napaawang ang labi ko. "Wow!"
Bahagyang ngumiti siya sa akin habang patuloy pa rin sa pagtitiklop ng mga tuwalya. Tinanong ko siya kung pwede ba akong magtanong sa kanya dahil interesado ako roon... at pumayag naman siya kaya tinanghali na nang ma-sundo ako ni Kuya Robert.
Nang kinagabihan ay finollow ko si Serj gamit ang account ni Blue. Ang saya tignan ng profile niya dahil parang nakikita ko na rin kung ano ang nangyayari sa backstage. Puro black and white ang mga litrato niya. Ang creative niya. Samantalang ako ay puro stolen ni Blue—na hirap pa akong kunan dahil nagagalit siya kapag nakikita niyang itinatapat ko sa kanya ang cellphone ko.
Nang sumunod na araw ay bahagyang nanlaki ang mga mata ni Mama nang makita niya ako sa lamesa na kasabay nilang kakain ng breakfast. Tahimik siyang naupo.
"Mama," pagtawag ko, pero hindi niya ako narinig. "Mama—"
"What?"
"Sabi ni Ninong Aldrin, may training camp. 3 araw daw. Kasama ako dahil manager ako ng team," paliwanag ko. "Sa Zambales daw."
Naka-tingin lang ako sa kanya habang hinihintay siyang sumagot, pero isang buong minuto ang lumipas at wala akong nakuhang sagot mula sa kanya. Tumingin ako kay Papa. Napa-buntung-hininga siya.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me, Baby (COMPLETED)
RomanceKaraminah Viel Trajano has always been told that she's... peculiar. She just doesn't like the things that girls her age are expected to like. But she loves writing... that's probably the only normal thing about her. Problem is, her parents do not su...