Chapter 13

160K 7.8K 5.3K
                                    

Chapter 13

Nang maka-balik kami sa school ay hindi agad ako lumabas dahil ang daming nag-aabang sa mga players sa labas ng shuttle. Alam ko na sikat sila base pa lang sa number ng mga followers nila sa social media nila–pero hindi ko maintindihan kung bakit pinagkaka-guluhan sila sa school. Araw-araw silang nandito. Nakaka-salubong nila. Minsan, kasabay pa nilang pumila sa cafeteria o sumakay sa elevator. Dahil ba kaka-tapos lang ng laro at panalo sila? Kaya ganito na parang biglang naging artista sila?

Masyadong nakaka-lito ang mundo ng basketball.

"Tara na," sabi ni Serj. Napa-buntung-hininga ako. Natawa siya. "Sa likod na lang kita," dugtong niya. "Come on. Para makapagligpit na tayo. May shoot ako."

"Nandun si Kaleigh?"

Natawa siya. "Yes. Sasama kita sa shoot," sabi niya. "Tara na?" tanong niya at tumango ako. Tumayo na siya at sumunod ako. "Sa likod na lang kita tapos lakad na lang tayo nang mabilis at diretso papunta sa court."

Paglabas namin ay mas narinig ko iyong ingay. Ang daming mga tao na nag-aabang sa mga player–nandun din iyong mga cheerleaders kaya mas lalong dumagdag sa ingay. Naka-sunod lang ako kay Serj.

Bago kami naka-rating sa court ay natigil muna kami sandali dahil mayroong nagpa-picture sa akin.

"Grabe, sikat ka na rin?" tanong ni Serj habang nag-aayos kami ng gamit.

Nagkibit-balikat ako. "Dahil kaibigan ako ni Austin Archangel," sagot ko sa kanya. Binilisan ko iyong pag-aayos dahil gusto ko nang pumunta kami sa shooting. Pakiramdam ko ay mas marami akong natututunan kapag nakikita ko mismo kaysa kapag sinasabi lang sa akin. Marami naman akong natutunan sa mga workshop na inattend-an ko, kaya lang ay iba pa rin kapag nakikita mo kung ano talaga ang nangyayari at kung paano gagamitin ang script mo.

"Tapos na," excited na sabi ko nang matapos na namin ni Serj iyong pag-aayos. "Pupunta na ba sa shooting?"

Natawa siya. "Mamaya pa," sagot niya. "Di pa naka-ayos, e."

"Nandun ba si Kaleigh?"

"Wala pa—nasa mall pa ata. Text kita kapag nandun na siya?"

Tumango ako. Ayoko rin naman magstay doon nang wala si Kaleigh kasi wala naman akong gagawin doon. At saka busy din si Serj kapag nasa set dahil siya iyong director kaya marami siyang sinasagot na mga tanong.

Nang matapos kami ay lumabas ako. Wala na roon iyong mga tao. Parang walang nangyari kung iisipin iyong kanina na nagkaka-gulo silang lahat. Naglakad ako papunta sa labas para tumambay sa coffee shop. Gusto ko sana sa library para tahimik kaya lang ay hindi ako papapasukin dahil wala naman akong validated na ID.

"Was looking for you," sabi ni Austin Archangel habang naka-tayo sa harapan ko.

Naka-kunot ang noo ko. "Bakit?" tanong ko dahil wala akong maalala na sinabi ko na magkikita kami.

"Ah..." sabi niya. Naghintay ako ng 10 segundo para sa susunod na mga salita na lalabas sa bibig niya, pero wala akong narinig. Kumunot ang noo ko. "You're going home already?"

Umiling ako. "Coffee shop."

"You'll write?"

Tumango ako. "Wala kang pasok?"

"Free cut," sagot niya.

"Lagi kang free cut," I stated dahil parang wala talaga siyang ginagawa doon sa degree niya. Kung doon siguro ako pinag-aral, hindi ako magrereklamo kay Mama dahil marami akong time na gawin iyong gusto ko talaga.

Saglit na natawa siya. "Well, we mostly submit papers," sabi niya. Tumango ako at nagsimulang maglakad. Naglakad din siya sa tabi ko.

"Sasama ka ba sa 'kin?" tanong ko dahil 10 metro na lang ay lalabas na kami sa gate.

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon