Chapter 12

166K 7.4K 3.5K
                                    

Chapter 12

"Hey, Si—" sabi ni Saint nang mapa-tigil siya nang bigla siyang sikuhin ni Austin Archangel sa tiyan niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa nangyari. Mabuti na lang at walang iniinom si Saint dahil sigurado ako na mabubulunan siya sa ginawa ng kapatid niya. "Rude," dugtong niya nang maka-recover.

Naka-kunot ang noo ko nang makita ko si Serj na naglalakad palapit kaya naman lumapit ako sa kanya. Tinulungan ko siyang magset-up para sa training. Isang minuto bago alas-cuatro ay dumating na si Coach at nagsimula na ang training.

"How was the shoot?" tanong ni Serj. "Di na kita natanong."

"Ang dami kong natutunan kay Kaleigh. Salamat sa pag-introduce."

"No problem," sagot niya. "May progress na ba sa script mo?"

"70%."

Tumango siya. "Practice makes perfect."

Tumango rin ako dahil alam ko na tama siya. Nung una akong magsulat ng script ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Alam ko na iyon ang gusto kong gawin. Alam ko kung paano magsimula... pero hindi ko alam kung paano ako makaka-rating sa dulo.

Masakit iyong rejections na natanggap ko, pero naiintindihan ko naman. Sana lang pinoint out nila kung ano iyong kulang at saan pa ako pwedeng mag-improve, hindi iyong sinabi lang nila na hindi ako pasado.

"Pwede ba ulit akong manood ng shooting?"

"Sure. Text ka lang," sabi niya.

"Pwede ko ulit kausapin si Kaleigh?"

Natawa siya. "Oo naman? Also, 'di mo kailangan ng permission ko."

Tumango ako. "Okay."

"But text ka muna if punta ka kasi 'di laging nandun 'yun, e."

"Talaga? Kahit siya iyong nagsulat?"

Tumango si Serj. "Madaming ginagawa 'yun, e."

"Okay lang sa kanya na wala siya?"

Nagkibit-balikat siya. "Nasa script naman na 'yung lines pati iyong naisip niya na ambiance. Unless may gusto siyang idagdag o i-emphasize, okay lang din naman. Kaya mahalaga na vivid din iyong description para mas madali sa part ng director na iexecute iyong vision ng writer," paliwanag niya sa akin.

Nang matapos kami ni Serj sa pag-aayos ay umuwi na rin ako agad. Nagsulat lang ako dahil start na ng season ay sinabi sa akin ni Serj na nakaka-pagod daw iyon. Hindi pa naman ako nakakapagsulat kapag pagod ang isip ko. Mabuti at naka-adjust na iyong katawan at isip ko sa bagong schedule ko—hindi ko alam kung gaano ako ka-bilis makaka-adjust sa baong schedule kapag nagsimula na ang season kaya kailangan kong bilisan.

Buong araw akong naka-tutok sa script ko kaya naman maaga akong naka-tulog. Nagising ako ng alas-dos ng madaling araw. Sinubukan kong matulog ulit dahil may isang oras pa, pero hindi na ako naka-tulog pa. Nag-online na lang ako at tumingin ng mga pictures kasi baka biglang maka-kuha ako ng inspiration.

Minsan kasi, kahit alam mo na iyong gusto mo, biglang may dadating na hindi kasama sa plano... and more often than not, they make everything fit perfectly together.

But it's only okay when it comes to writing—I definitely did not like surprises in my life. I like knowing everything that's going to happen. I like being prepared. I dislike unpredictability.

* * *

"Aalis ka ulit?" tanong ni Ate Gina nang bumaba ako nung 11:00am. Naka-suot ako ng black maong pants at iyong puting polo shirt na may logo ng school.

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon