Chapter 18
The game resumed. I did not know much about basketball, but I knew some things... Napansin ko na nagbago na iyong play ng Brent. Kung kanina ay naka-dikit si Saint kay Dominic, ngayon ay mayroong isang player ang laging naka-dikit kay Saint. The player was a fast runner kaya kahit saan pang panig ng court pumunta si Saint ay nadidikitan niya.
I clapped when Dominic got the ball in the ring. Napa-tingin sa akin si Serj.
"Di natin point 'yun," he said.
"I know," I replied. "He asked me to cheer for him."
Serj's lips parted. "Seriously? Sira talaga 'yan."
"Sira saan?"
He shrugged. "Malakas trip niyan si Dom—'wag mo seryosohin lahat ng sinasabi niya." I nodded. I would just verify twice with him bago ako maniwala sa mga sinasabi niya.
The game continued at unti-unting bumababa iyong lamang ng SCA sa Brent dahil nakaka-shoot na si Dominic simula nung mawala si Saint bilang bantay niya. Although hindi naman mabilis maka-sunod dahil nakaka-puntos pa rin sila Phil at Austin Archangel.
When Coach called for a timeout, lumayo ako dahil sa lakas ng boses niya. The players were seriously listening to every word that came out of his mouth. This was just the first game with Brent, but it already felt like championship... Paano pa kaya kapag sa championship na? Based on the performance of the team, and taking into consideration the previous years, mukhang Brent at SCA na naman ang maglalaban doon. Ang pinagka-iba lang ay nasa Brent na si Dominic na sabi ni Serj ay galing daw sa USA pero lumipat lang sa Pilipinas. Kaya pala Miller ang last name niya—he's probably half-American.
Nang matapos iyong timeout ay bumalik na sila sa gitna ng court. Naupo si Saint sa tabi ko.
"Mamaya ka pa papasok?" I asked although I already knew the answer. Hindi naman daw kasi robot si Saint na pwedeng maglaro buong game. Kahit siya iyong pinaka-magaling sa team, syempre kailangan pa rin niyang magpa-hinga. At saka hindi naman pwede sa team na isa lang ang magaling—mas importante iyong 'harmony' ng buong team. Kaya isa sa mga rule ni Coach na walang mag-aaway sa team kasi nakaka-apekto sa laro nila.
"Hey, Karma," sabi niya sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Do me a favor? Since I answered your survey."
"Okay," I replied kahit na iyong kapatid niya naman ang nagpa-sagot sa kanya nun.
"Wear this," sabi niya sabay abot sa akin ng varsity jacket. Tinignan ko iyong naka-sulat sa likod. It was Austin Archangel's number. "You owe me."
"Baka magalit si Austin Archangel," I said.
"He'll be fine," sabi niya. "And he really lets you call him Archangel?"
I nodded. "It's his name."
Saint laughed. "Right..." he answered. "Just wear the jacket," sabi niya. I didn't understand exactly why, pero nilalamig din naman ako kaya isinuot ko na rin iyong jacket.
Nang nasa side na namin iyong laro, nagfoul si Cohen kaya naman nagready sila para sa free throw.
"Aus!" sigaw ni Saint. Napa-tingin sa gawi namin si Austin Archangel. He sometimes calls him Aus or Arch—minsan lang iyong Arch kasi napansin ko na hindi suma-sagot si Austin Archangel sa tawag na iyon. Kahit naman ako—kaya hindi ako suma-sagot sa Karms ni Jed.
Unang napa-tingin si Austin Archangel kay Saint tapos ay napunta iyong tingin niya sa akin. Bahagyang kumunot ang noo niya. Napa-tingin siya sa jacket na suot ko. I widened my eyes and mouthed if he wanted me to take the jacket off kasi minsan ay sinu-suot niya ito after ng game. I was about to take the jacket off, but he quickly shook his head.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me, Baby (COMPLETED)
RomanceKaraminah Viel Trajano has always been told that she's... peculiar. She just doesn't like the things that girls her age are expected to like. But she loves writing... that's probably the only normal thing about her. Problem is, her parents do not su...