Chapter 09

180K 7.5K 6.3K
                                    

Chapter 09

"So... what do you want to do first?"

Tumingin ako sa paligid. "Ayun," sabi ko sabay turo roon sa may basketball. Hindi ako umaasa sa stuffed toy dahil impossible na makuha ko iyon sa dami ng tickets na required. Hindi ko alam kung alin ang lalaruin—itinuro ko iyong basketball dahil iyon ang pinaka-madali sa basketball player ang kasama ko.

Lumapit kami ni Austin Archangel doon. Iniabot niya sa akin iyong bola. Umiling ako. Naka-tingin ako sa ring at hinihintay na magsimula siya, pero limang segundo ang lumipas at wala akong nakitang nagshoot doon. Lumingon ako sa kanya at nakita ko na binubuksan niya iyong bag niya.

"Okay lang kahit ikaw na lang," sabi ko nang maglabas siya roon ng wipes.

"I've been to the arcade a lot of times already," sabi niya at humugot ng isang wet wipes doon. "I'll clean the ball and you play?"

"So, magpapalit tayo ng trabaho?"

"What do you mean?" tanong niya habang pinupunasan na iyong bola.

"Sa training—ako iyong nagpupunas ng bola at ikaw iyong naglalaro."

Napaawang ang labi niya. "Great observation, Karaminah Viel."

I shrugged. "Thank you," sabi ko at saka iniabot niya sa akin iyong bola. Nagshoot ako roon at nagsimula iyong timer... kaso mas mabilis akong magshoot kaysa magpunas siya. Nang lumipas ang sampung segundo at hindi pa siya tapos, huminga ako nang malalim at kumuha pa ng isang bola.

"What—"

"Sayang iyong bayad," sabi ko. "Mag-alcohol na lang ako after," dugtong ko.

Sa 3 minutes na binigay, naka-60 na shoot ako. Sa 60 na bolang inihagis ko, 37 ang pumasok doon.

"Not bad," sabi niya nang matapos ako.

"Thank you," sabi ko habang nilalagyan niya ng alcohol iyong kamay ko. "Gusto mong maglaro?"

"Okay," sabi niya. Nagswipe siya ulit para makapaglaro siya. Humakbang ako palayo dahil baka matamaan ako ng mga braso niya. Kumuha siya ng isang bola, hinawakan iyon, at saka tumingin sa akin. "Good luck," dugtong ko bago siya nagsimula.

Kahit na alam ko na magaling siya dahil basketball player siya ay bumilib pa rin ako dahil na-shoot lahat ng bolang inihagis niya. Zero margin of error. Ang galing. Kung sabagay—nakaka-hiya naman kung hindi. Araw-araw siyang naglalaro.

Nang matapos siya ay tumingin siya sa akin. Naka-tingin din ako sa kanya. Bahagyang kumunot ang noo niya. Itinuro ko iyong tickets na lumabas doon sa machine.

"So... what to do next?" tanong niya sa akin.

Tumingin ulit ako sa paligid. Pumunta kami doon sa may hinahampas ng parang martilyo. Inilabas ni Austin Archangel iyong wipes.

"Wag na," sabi ko.

"Are you sure?"

Tumango ako. "Maliligo na lang ako agad pag-uwi ko," sabi ko sa kanya dahil hindi cost efficient na punasan niya lahat dito sa arcade. Hindi naman ako germophobe—mas gusto ko lang na malinis hanggang may choice at option ako. Ayokong magka-sakit dahil ayokong pumunta sa ospital.

Naglaro kami ni Austin Archangel doon sa may hina-hampas at mas mataas iyong score niya sa akin. In my defense, lalaki siya. He's genetically wired to be stronger than me, so he couldn't take that against me. Tapos ay naglaro kami doon sa may bina-baril. Nanalo pa rin siya sa akin. Wala akong defense doon dahil malinaw naman ang mga mata ko.

"Game?" tanong niya habang naka-tayo kami sa magka-bilang gilid ng table para sa air hockey.

Huminga ako nang malalim. Wala pa akong naipapanalo na laro sa 1 hour and 12 minutes na nandito kami. Nang mapa-tingin ako sa kanya ay parang naka-tawa siya.

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon