Chapter 08
"Thank you," sabi ko kay Serj matapos naming mag-usap tungkol sa mga bagong dinagdag ko para sa script ko. Sinabi niya na mas maayos na, kaya lang ay mas mabuti raw na magresearch pa ako. Nagpasalamat ako sa kanya dahil malapit na iyong pasukan at alam ko na maraming pinapasa sa Creative Writing. Kailangan kong sulitin iyong libreng oras ko ngayon habang hindi pa ako nag-aaral.
Nang matapos iyong training, naghihintay na lang ako na matuyo iyong mga tuwalya na nilabhan namin ni Serj. Halos tuyo naman na iyon nang ilabas namin sa washing machine kaya sandali na lang ang hihintayin namin. Nagpaalam si Serj dahil may kailangan pa raw siyang ayusin para sa isang project niya. Nagsorry siya dahil maiiwan ako, pero ayos lang naman. Sobrang naaappreciate ko iyong pagcritique niya sa mga pinapabasa ko sa kanya.
Habang naghihintay sa pagtuyo nung mga tuwalya, naka-tingin ako sa cellphone ko. Naubos ko na iyong listahan ng mga movies dahil bago kami umuwi galing Zambales ay nanood lang ako nang nanood habang naligo sa beach iyong mga lalaki—pero hindi naman lahat sila naligo dahil kalahati sa kanila ay nagpictorial lang habang half-naked sila. Doon lang ako naka-kita ng mga lalaki na sobrang hilig magpicture.
"Need help?"
Napa-tingin ako sa nagsalita at nakita ko si Austin Archangel. Galing siya sa CR at bagong ligo gaya ng lagi nilang ginagawa after training. Naka-suot siya ng kulay puti na Nike t-shirt at black na Nike jersey shorts. Naka-suot din siya ng itim na Nike sliders. Sponsor niya ang Nike dahil nakita ko sa Instagram niya na may post siya palagi dahil pinapadalhan siya ng sapatos.
"Okay," sabi ko para mapa-bilis ang pagtitiklop ko. Pagkatapos nito ay pupunta ako sa mall para manood ng sine. Mayroong pelikula na showing ngayon at nabasa ko sa isang article na iyon daw ang pinaka-nakaka-kilig na pelikula sa taon. Wala kasi sa online kaya kailangan ko pang pumunta roon.
"I have 48 pairs," sabi niya. Napa-tingin ako sa kanya. "48 pairs of shoes," dugtong niya. "Because... we were talking about it last time?"
Tumango ako. "Naaalala ko."
"Right," sabi niya. "So, I counted my shoes at home and I have 48 pairs."
"Nagagamit mo lahat?"
"I try to," sabi niya.
"Hindi ba nasisira iyon?" tanong ko.
"The others," sagot niya. "So I give them to kids who are learning to play basketball. But some are for collection."
"Nangongolekta ka ng sapatos?"
Tumango siya. "You? Do you collect anything?"
Sandali akong napa-isip. Marami akong notebook, pero hindi naman ako nangongolekta noon. Ayoko lang itapon dahil gusto kong basahin kung anuman ang naisip ko sa araw na iyon—at saka kung itatapon ko, baka mayroong ibang maka-basa. Kung ididispose ko man ay ishe-shredder ko iyon kaya lang ay wala akong shredder sa bahay.
"Wala," sagot ko pagkalipas ng 13 seconds na pag-iisip. Napa-tingin ako bigla sa cellphone ko dahil na-receive ko na iyong pin mula sa debit card.
"You're watching a movie?"
Tumango ako. "Romance," sagot ko. Hindi ko alam kung bakit nagsimula na naman siyang maubo kahit wala naman siyang iniinom. Baka nasobrahan siya sa hangin nung huminga siya. "Ayos ka lang ba?" tanong ko muli sa kanya. Tumango lang siya habang patuloy pa rin ang pag-ubo. Yumuko siya para kuhanin iyong tumbler mula sa bag niya at uminom siya ng tubig mula roon. Naka-tingin lang ako sa kanya. "Baka kailangan mong magpa-check up," sabi ko dahil dalawang beses nang nangyari ito na para siyang mamamatay sa kaka-ubo.
BINABASA MO ANG
Eyes On Me, Baby (COMPLETED)
RomanceKaraminah Viel Trajano has always been told that she's... peculiar. She just doesn't like the things that girls her age are expected to like. But she loves writing... that's probably the only normal thing about her. Problem is, her parents do not su...