Chapter 23

161K 7.4K 6.5K
                                    

Chapter 23

The next 3 weeks, I was focused on revising my script. Pina-basa ko muna iyon kay Kaleigh at nang sabihin niya iyong sinabi rin ni Austin Archangel, nagdesisyon ako na i-revise 'to. It would take a lot of time, but that was okay. I really appreciated their honest opinion because that was the only way that I'd be better at my craft.

I would still wake up at 3AM and be at the gym before 4AM. I would do my job. And then I would head straight home para magkulong sa kwarto ko. Revising is way harder than writing. One wrong edit and the whole script would start to get confusing.

"Thank you," I said to Austin Archangel nang abutan niya ako nung coffee in can. Last Thursday, I went to the storage area to get some clean towels, pero hindi ko napansin na naka-tulog na pala ako nung mai-sandal ko iyong ulo ko sa pader. Austin Archangel caught me sleeping. After that, palagi niya na akong binibigyan ng kape bago magsimula ang practice. He gives me a different coffee per day.

"Progress?" he asked.

"95 percent," I replied. "Where did you get this?" tanong ko dahil masarap iyong kape na iniabot niya sa akin.

"Convenience store outside," he said. "I'll get you more tomorrow."

Tumango ako. Tinawag si Austin Archangel at nagka-roon sila ng meeting sa gitna. Ngayon na iyong second round ng laban nila sa Brent. Pagka-tapos nito ay simula na ng championship. Kung mananalo ang Brent, silang dalawa na sa championship. Pero kung mananalo ang SCA, kailangan pang labanan ng Brent iyong St. Bridget's at ang mananalo sa kanila iyong makaka-laban ng SCA sa championship.

Gusto ko nang matapos 'tong season na 'to. Ayoko nang gumising ng 3AM. Gusto ko na ulit gumising ng 7AM at magbreakfast ng cereals at maglakad-lakad sa garden namin sa umaga.

Tahimik akong naka-upo habang hini-hintay na matapos sila sa meeting nila. Pagkatapos nun ay pupunta na kami sa arena para sa game.

"Last 3 games," sabi ni Serj. "Or if manalo 'yung Brent sa first game, last 4."

I sighed. "I hope they lose."

Natawa si Serj. "Oo nga, e. Para makapagconcentrate na rin ako sa postprod," sabi niya. Nagkwento sa akin si Serj tungkol sa postproduction ng short film niya. Hindi natapos iyong kwento niya dahil pina-punta na kami sa shuttle. I did not even try to take a nap on the way to the arena dahil masyadong maingay iyong mga lalaki. Medyo dikit iyong laban nila the last time sa Brent kaya naman kailangan nilang mas galingan ngayon.

Pagdating namin doon ay hindi naka-lagpas sa mga mata ko iyong haba ng pila. Hanggang sa likuran kung saan kami papasok ay mayroong pila. I winced at the volume of the chants from the basketball supporters. Kung wala lang akong bitbit na gamit ay tatakpan ko iyong tenga ko sa ingay nila. I was starting to think na artista ang mga kasama ko at hindi collegiate athletes.

Pagpasok namin sa arena ay wala pang masyadong mga tao dahil nasa labas pa sila. Nagsimula ng magwarm-up exercise iyong mga lalaki. Hinubad nung ilan sa kanila iyong mga jacket nila. Naka-suot sila ng kulay puti na jersey. Nandoon na iyong Brent at naka-kulay blue sila na jersey ngayon. I saw Dominic who was stretching on the floor. Nang makita niya ako ay kumaway siya sa akin kaya naman kumaway din ako sa kanya.

"Karma," sabi ni Serj sa akin. Tumingin ako sa kanya. "Kung gusto mong wala ng fourth game, 'wag mong pansinin si Dom ngayon."

Kumunot ang noo ko. "Ano'ng kinalaman nun?"

Serj shrugged. "Wouldn't hurt to try. Saka 'di naman natin schoolmate 'yan."

I just nodded and focused on doing my job. I drew a deep breath before I began. Mas madaling gawin iyong trabaho ko kapag nasa gym lang kami, pero kapag may laro, ang daming tao na nakiki-upo sa bench. Sabi nila, mga alumni na politicians daw iyon. Wala naman akong pakialam. Sana lang ay hindi sila naka-harang kasi nadadagdagan iyong trabaho ko.

Eyes On Me, Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon