019

93 3 0
                                    


It was a typical morning for Jisoo. And by typical, I meant that she was running late again for her first class.

Pero ang gaga, nakuha pang dumaan sa isang coffee shop para bumili ng kape at isang slice ng cake plus donuts dahil ang motto niya sa buhay: it's better to be late than hungry.

She momentarily stop when she felt her phone vibrating. Itinabi niya muna ang mga dala sa isang bench para kunin ang kanyang cellphone. A huge grin instantly formed on her face after she read Lisa's message.

Wala raw ang prof nila at wala ring iniwang activity. Nakangiting nagpatuloy siya sa paglalakad, magaan ang mga hakbang kumpara kanina. Mas lalo pang ginanahan si Jisoo dahil sabi ng kaibigan ay may surpresa raw sila para sa kanya.

Kulang nalang ay tumakbo siya pero dahil tamad, dinahan-dahan niya parin ang paglalakad kahit kating-kati na siyang makarating sa classroom nila. May kutob kasi siyang pagkain yung hinanda nila Lisa.

Nang malapit na sa classroom, marami siyang babaeng nakakasalubong. Kung hindi namumula ang mga pisngi, parang nakakita ng aparisyon ang mga hitsura. They all look flustered that made Jisoo wonder what happened to them. May artista ba? isip niya.

Ilang hakbang nalang ang layo nang mamataan ni Jisoo si Lisa na masyadong masaya sa umaga. Malawak kasi ang ngiti nito at tumataas-baba ang dalawang kilay habang papalapit siya sa kanila. Binaling niya ang tingin kay Rosie at Jennie na parehong seryoso ang mukha at may tinititigan.

They were staring at someone who was leaning on their classroom's door. Jisoo can't see his face but she was already sure she won't like what she'll see and she was right.

Agad siyang napamura nang humarap ito sa kanya because it was that guy.

Yung maarteng kaibigan ni Jimin.

Failing PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon