053

96 6 0
                                    

"Nakita mo ba si Jisoo ngayon?"

"Napansin mo si Jisoo kanina?"

Iyan ang gustong itanong ni Taehyung sa mga kaibigan niya. Mula umaga kasi ay hindi niya nakita ang dalaga sa campus. Lunch time na ngayon at inabangan niya talaga ang barkada ni Jisoo sa cafeteria pero nakapagtatakang hindi nila ito kasama.

"Baka absent lang dude," Jungkook said. Napansin niya kasi ang panay na paglingon ni Taehyung sa table nila Lisa na parang may hinahanap.

"Huh?"

"Si Jisoo. Absent lang siguro kaya 'di nila kasama," pang-uulit pa nito.

Dumating sina Jimin at Yoongi bitbit ang kani-kanilang mga tray ng pagkain. Katulad ni Jungkook, kaninang umaga pa din nila pansin ang pagkabalisa ni Taehyung. He kept on looking at his phone like he's waiting the most important call in his life. Hindi maasar ni Jimin kasi mukhang may bumabahala talaga sa kanya.

"Nag-away ulit kayo ni Jen²?" tanong ni Yoongi kay Taehyung. Alam kasi nilang nagkatampuhan ang dalawa.

"No," tipid nitong sagot. "I'm looking for Jisoo. Have you guys seen her?"

Parehong nagulat si Jimin at Yoongi sa tinanong ni Taehyung. Si Jisoo? Bakit niya hinahanap si Jisoo eh diba si Jennie yung gusto niya? They know Jisoo and him got closer because of their plan to make Jennie believe Taehyung's not interested in her. Sinabi ni Jisoo sa kanila para matulungan nila si Taehyung tuwing dinadaga siyang makipag-usap kay Jennie. But telling the three of them was useless. Kulang nalang kasi ipagtulakan nilang tatlo si Taehyung kay Jennie pero ang gago kay Jisoo parin bumabalik at dumidikit.

"Nakausap ko siya kahapon. May emergency daw sa kanila kaya absent siya ngayon." Paliwanag ni Jimin na nahihiwagaan parin sa inaasta ng kaibigan nila. Matagal narin siyang nagdududa kay Taehyung. Parang iba kasi yung sinasabi niya sa kinikilos niya katulad dun sa restobar.

"Why would she tell you that?" may bahid ng inis ang boses ni Taehyung.

"Bakit naman hindi?" nagtatakang balik ni Jimin ng tanong. "I'm her friend too, Taehyung." Jimin added, a bit offended by Taehyung's remarks.

"I'm sorry. Library lang ako. I need to look for some... books." Taehyung said after a deep sigh and left them.

"Anong problema 'nun?" Yoongi wondered. Nagtinginan muna si Jimin at Jungkook, nang walang nakuhang sagot ay sabay silang nagkibit-balikat.

Puro mga tanong na ang nasa utak ni Taehyung. Magkausap kami kahapon pero bakit hindi niya sinabi? Bakit hindi siya nagsasabi sa'kin pero kay Jimin sinabi niya? I asked if she's okay kasi pansin kong matamlay siya.

Am I not her friend?

Failing PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon