060

102 6 0
                                    

Jisoo's POV

Pinaglalaban parin ni Lisa na malapit na kaming magkajowa ni Jennie. Hindi ko alam kung saan niya napulot ang balitang yun. Basta raw feeling niya lang mangyayari talaga.

"Hala kailangan ko narin palang maghanap ng akin kapag nagka-boyfriend na kayong tatlo."

"Peer pressure? Gaga! Don't enter a relationship just because you don't want to be left out. Kawawa yung guy," payo ni Rosie sa kanya. Sumang-ayon kami ni Jennie. Ako nga kahit natetempt sumubok dahil sa kanila, di ko parin ginagawa.

Yung signs kasi eh, di ako tinatantanan. Kung hindi ko lang siguro inalala ang mga yun, baka naging kami talaga ni Suho. But I doubt if it would last kasi sinabi niya ngang marami siyang babae. Hanggang harmless landian lang talaga ang kaya ko. 'Di ko na nga matandaan kailan ako huling nagkacrush sa lalaki.

Ngayon. You currently have a crush but you don't want to acknowledge it.

Kasi delikado! Di siya pwede sa'kin. Kapag pinush ko, masasaktan lang ako. Tapos my friend is involve.

"Si Jinyoung ba wala pang girlfriend?" Lisa asked out of the blue.

Napalunok ako. Hindi ko pala nakwento sa kanila na umamin siya sa'kin. I just don't want them to tease us every time we're together. Alam kong may nagbago na but I'm trying to keep our friendship the way it used to be. Ayokong mas masaktan pa si Jinyoung. I want him to forget about his feelings for me but of course I know it's not easy. That's why I'm doing my best to give him time and space. Hindi ko na siya basta-basta nalang ginugulo. I don't chat or text him whenever I want to. Hinihintay ko nalang kung gusto niya pa bang ipagpatuloy ang pagkakaibigan namin o hindi, it's up to him.

"Sa pagkakaalam ko, parang wala." Si Rosie yung sumagot."Diba Chi?"

"Oo, wala."

"Kaming dalawa nalang kaya?"

Sabay na komontra si Jennie at Rosie sa kanya. "Gaga! Wag si Jinyoung! Baby natin yun!" they shouted.

Kahit matanda ito sa amin ng isang taon, they treat him like a younger brother. The four of us adore Jinyoung so much. Nung high school kami ay palagi namin siyang kasama. Nahihiya pa nga ito dati kasi ako lang naman talaga daw yung kaibigan nila. We told him it doesn't matter.

Hindi man nila madalas nakakasama ngayon ay ganun parin ang turing nila sa kanya. Baby boy Jinyoung, as what they like to call him before.

"Si Kuya Seokjin?" Lisa looked at me, waiting for my confirmation.

Umiling ako sa kanya. "May nililigawan yata siya. Nahuli ko minsan may katawag. Tinanong ko pero naasar kaya tinaboy ako." Bugnutin kasi yung kapatid kong yun. Maayos ko namang tinanong, pinagtabuyan ba naman ako. Hindi ko naman siya aasarin ora mismo, ipagpapabukas ko pa sana.

Natahimik na si Lisa. Sana naman ay hindi niya iniisip kung sinong mga lalaki ang pwede niyang aluking maging jowa niya.

"Basta ako, nahanap ko na." Naiintrigang napatingin kaming lahat kay Jennie. She was smiling again. Yung ngiti niya tuwing may nagugustuhan siya. "I think... I think I'm falling in love," she declared.

All of us gasped. Si Lisa yung unang tumili. Nagtatatalon naman si Rosie. Habang ako, nanginginig ang kamay na kinuha ko ang cellphone sa bag.

May parte sa'kin na sumisigaw na wag ko munang sabihin pero hindi ko pinadaig yun. I slowly typed the words I don't want him to know but I have to do my part of the deal.

03:15 PM

JISOO:
our plan worked

Failing PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon