043

86 6 0
                                    

"Gago talaga."

Bigla silang natahimik. Taehyung's not the type to interrogate even if he's curious. Si Jisoo naman hindi nagsasabi unless tinanong mo.

"Alam mo yung issue?"

Umiling si Taehyung. "No, Jimin just mentioned Suho courted you when he thought I was interested in you. I thought you still like him so I offered to help you in exchange of helping me with Jennie," he explained.

"User ka talaga." That could've offended Taehyung but he's used to Jisoo being blunt. Madalas iniisip niya nalang na nagbibiro ito para hindi siya mainis.

"Wala naman talaga akong gusto sa kanya sa una. Isa siya sa makulit na nagpupumilit manligaw. Pero siya talaga yung pinakamatigas ulo. Hinayaan ko nalang kaysa ma-stress ako kakaisip paano siya papatigilin. It went on for a month until I decided to give it a try. Tuwang-tuwa mga kaibigan ko kasi sa wakas daw may nakapukaw na sa interest ko." Si Jisoo nalang kasi yung hindi pa nagkakaboyfriend. Jennie had her first one during fifth grade. Si Lisa sa high school tapos si Rosie nung grade 12 kami with Jimin.

"We went out on dates a couple of times. Nakilala niya pa pamilya ko. I told him to wait muna kasi malapit ko na siyang sagutin. He told me to take my time and he understood kasi nga it will be my first relationship. Wala pa ngang isang buwan ang lumipas, he confronted me. Minamadali niya ako. Even telling me na maraming babae naghahabol sa kanya. That made me mad and told him if he wanted to stop, he could freely do so."

Napamura nalang si Taehyung sa utak niya nang maalalang sa panahon na yun, may nakwentong ibang mga babae si Suho sa kanya. He knows he's courting someone pero di niya alam na si Jisoo pala yun.

Ilang linggo naging bukam-bibig ni Suho si Chorong at Irene, bragging that he thinks both girls are interested in him. Ilang beses nga siyang binara ni Yoongi dahil guni-guni niya lang daw. That's also probably the reason why nagkainitan sila ni Jimin for weeks. Kasi kilala ni Jimin personally si Jisoo na nililigawan niya tapos kwento siya ng kwento sa'min ng ibang mga babae.

"She's taking too long. Hindi ko alam kung ano pang hinihintay niya." Suho would always complain to them how he's getting tired of waiting.

"What happened next?" Hindi na napiligan ni Taehyung magtanong. Gusto niya malaman kung paanong naging si Jisoo ang dahilan kung bakit lumipat si Suho when he clearly told him, Jimin, Jungkook, and Yoongi that he wants to transfer dahil bantay-sarado siya ng tatay niyang Dean ng department namin.

"The whole thing lasted for four months. Sa loob ng apat na buwan na yun, tatlong buwan akong nagkagusto sa kanya. Stupid me tried chasing him and practically begged him to talk to me pero ayaw niya. Bangag ako buong final week, muntikan pa akong bumagsak sa mga majors ko. Tapos nalaman-laman ko sa second sem, lumipat na pala siya."

Taehyung knows that she's telling the truth. Hot topic sa buong university kung anong rason bakit siya lumipat. Everybody wanted to know why, everybody except him.

Si Jimin at Jungkook lang naman ang mahilig chumismis sa barkada nila. Si Yoongi medyo lang pero siya, he doesn't care most of the time. Naisip ni Taehyung na baka alam nilang tatlo yung issue na tinutukoy ni Jisoo kasi the last time they bumped into Suho, Jungkook and Jimin were being sarcastic to him. Si Yoongi naman na pinakaclose kay Suho, parang umiiwas at naiilang sa kanya.

"Bago siya lumipat, he published his last article on the school paper before leaving. The title? The Girl Who Broke My Heart. Tangina ang corny lang! Hindi nakasulat pangalan ko pero 'di naman tanga mga estudyante sa university para isiping hindi ako yun. Okay lang sana... okay lang naman talaga dapat pero ang gago lang kasi pinapalabas niyang may third party na involved kaya di ko siya masagot-sagot. Tapos alam mo ba kung sinong tinutukoy niyang ibang lalaki ko? Si Jinyoung! Eh putangina best friend ko yun! Now everyone thinks I'm a playgirl at paasa dahil sa sinulat niya. To not add fuel to the fire that jerk started, hindi muna kami nag-uusap ni Jinyoung sa campus. At baka hindi na talaga kami magkausap ng tuluyan!" Jisoo screamed in frustration.

Bwisit kasi si Suho. Hanggang ngayon nagtatanong parin mga magulang niya tungkol sa lalaki kasi siya yung una niyang pinakilala sa kanila. Alam ng Kuya Seokjin at Ate Chaewon niya kung anong nangyari. Like her, they're mad. So freaking mad na muntikan pang sumugod yung dalawa sa school niya. Naka-block si Suho sa accounts nila kaya hindi nila nakikitang nagko-comment ito ulit sa mga posts niya at ginagambala siya.

He is at the least of Jisoo's concerns now. Si Jinyoung ang pinoproblema niya ngayon at ang pag-amin nito.

She knew. Alam niya pero nagkunwari siyang hindi. Na hindi niya napapansin mga tingin nito sa kanya... na hindi niya ito nagegets tuwing nagpaparinig.

Hindi niya naman kinulit si Lord para manghingi ng jowa kahit minsan natetempt na siyang mag Omegle dahil ang kulit ng mga friends niya kaya bakit ganito?

Bakit pinapahirapan siya ni Lord?

Paano niya irereject yung best friend niya without sacrificing their years of friendship?

Paano siya kakalma ngayong silang dalawa nalang ang magkasama ng lalaking nakaupo sa tabi niya kung sa kanya niya nakita yung hindi niya mahanap kay Suho dati?

Failing PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon