035

85 2 0
                                    

Jisoo's POV

Well, this is awkward.

I spent the entire thirty minutes trying to find something interesting on my nails. Bukod sa nalaman kong kailangan ko ng bumisita sa nail salon, wala na akong ibang naisip. Hindi ko rin alam kung saan ko pa ibabaling ang paningin ko dahil ayaw ko siyang tignan ng diretso sa mata.

I tried looking at my shoes but it did not help ease the awkwardness I'm feeling. Sinubukan kong maghanap ng ibang distraction hanggang sa napadpad ang mga mata ko sa mga kuko ko, and they stayed there since then.

I'm close to hyperventilating. Paano ako hindi magiging ganito eh sinabi ko lang naman kay Jinyoung na may espesyal ng namamagitan sa aming dalawa nitong lalaking kaharap ko ngayon?

Kinakabahan ako kasi baka magalit siya sa ginawa ko kagabi. I used him because I did not have the heart to reject my best friend directly.

"Let's continue the pretention."

"I'm sorry."

Napaangat ako ng tingin dahil sabay kaming nagsalita. Taehyung was not looking at me. Nakatingin siya sa bintana, tulala at parang katulad ko ay hindi nakatulog ng maayos.

"What?" I asked.

His eyes found me and I fought the urge to scream in horror. Bakit mukha siyang nakakatakot? He's giving me a sharp look with a straight face. Inisip ko kung may emergency exit ba 'tong Jollibee dahil parang gusto kong tumakbo nalang pauwi. I know Taehyung's the can't-be-joked-around-easily type but I'm not aware he is this poker-faced in person. No wonder muntik niya ng ipakulong yung stalker niya dati.

Tapos ako na isang dakilang boba, kinaya-kaya lang siyang pagtripan sa FB?! Shet, kung pinagpatuloy ko pala yung pangungulit sa kanya baka sa korte na kami magharap sa susunod.

"The plan you first told me. Gawin natin yun." Sa tono ng pananalita niya parang dapat gets ko na kung anong tinutukoy niya pero pota wala akong maalala sa sobrang kaba.

"Alin dun?" Napiyok ako ng slight pero hindi niya napansin.

He grabbed a handful of fries and shove it in his mouth. Napaawang naman ang bibig ko dahil napaka out of his character ng ginawa niya. From someone dangerous, nagmukha tuloy siyang bata sa paningin ko.

"The one where I pretend to like you to make Jennie believe I'm not interested in her," he said, too formal for my liking. Hindi pa ako nakakapunta sa mismong work ni dad pero feeling ko business partner ang kausap ko ngayon.

Halata mo talagang matalino si Taehyung. Kahit estudyante pa lang siya, kagalang-galang na siya tignan na parang mataas na ang naabot niya sa buhay. Siguro kapag nagmumura siya in English din. Kaya pala wala siyang alam sa mga memes na trending sa internet. Alam niya kaya yung tungkol sa sardinas nga lamang?

"Did you tell Jennie you like me? Sabi ko no sabihin mo eh," reklamo ko kahit may nagawa rin akong wala sa usapan. How should I tell him about it? Pwede bang wag ko nalang sabihin? Hindi naman katulad nila Lisa si Jinyoung na magtatanong talaga. Naniwala naman siguro yun agad na MU na nga kami ni Taehyung. Shuta hindi ko rin pala alam paano nangyayari yung MU.

I actually do not fully understand the term "Mutual Understanding". Sabi lang ni Jennie sa'kin dati na kung gusto ko rin daw si Suho, magka-MU na kami. Hindi rin naman tumagal yung feelings ko para sa lalaking yun so I don't know how it works in the long run. Bahala na nga. Kunwari lang naman eh

"I did not say yes or deny. I just told her you seem interesting."

"Hala! Bakit ganun sinabi mo?"

Tinanggal niya yung balat ng chicken joy at tinabi sa plato niya. Hindi rin pasok sa prim and proper impression niya ang magkamay. Akala ko maarte siya kasi 'diba nga yung nangyaring kainan ng buhok sa jeep.

Nakakacurios naman siyang tao. Parang habang tumatagal, binabago niya yung tingin mo sa kanya. One moment he's being this, the next moment he's different. Ang sarap niya pang kilalanin. Sana magkaclose kami soon. Pwede naman akong magtanong kay Jimin tungkol sa kanya pero mas gusto ko talaga na ako yung mismong nakakatuklas ng mga bagay-bagay.

"Because she offered to be our bridge. Kapag nangyari yun, mapapalapit ako sa kanya. I now have the reason to talk and approach her any time."

Back to being kasosyo sa negosyo na naman siya. Sabagay, tama nga siya. Gusto ko sanang magsalita pero nakakaagaw ng pansin yung balat ng manok sa plate niya. Shuta sana pala hindi spaghetti lang yung inorder ko.

"I'm sorry if I didn't consult you. All I was thinking was to grab the opportunity given to me."

"Ayos lang," sagot ko na natatakam parin sa kinakain niya.

Inikot-ikot ko nalang tinidor sa pagkain ko at sumubo na. Malamig na yung spaghetti pero masarap parin naman. Mas masarap lang talaga yung chicken joy ni Taehyung. Naiilang talaga ako sa kanya kanina kaya nagmadali akong nag-order ng kahit anong kaya kong sabihin sa moment na yun.

Nakakagulat naman kasi dahil bigla-bigla siyang nag-aya na magkita kami ngayon para daw makapag-usap ng maayos. Siya lang naman ang maayos kausap sa'ming dalawa ngayon. May debate parin kasing nangyayari sa utak ko, kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Mas nakakahiya kasi yung ginawa ko. Buti sa kanya hindi siya nagbigay ng straight to the point na sagot kay Jennie kaya ligtas siya sa pagsisinungaling.

Samantalang ako, ganito talaga yung sinabi: Taehyung and I are not on the same page right now but we're getting there. We realized how much compatible we are for each other but I insisted to take things slow. Ayaw ko na kasi maulit yung nangyari kay Suho dati.

I'm such a bad friend, I know.

Ayoko munang isipin si Jinyoung at baka maloka na ako ng tuluyan. Alam ko kailangan ko rin siyang kausapin sa personal pero hindi ko pa yata kayang ulitin ng harap-harapan yung kasinungalingang sinabi ko sa kanya sa ngayon. Pota talaga kasi iba si Jinyoung sa mga lalaking nagbalak manligaw sa'kin dati eh. Aminado akong may ilan sa kanilang sinakyan ko at nilandi-landi pero hindi naman ako nahirapan nung sasabihin ko ng hindi pa ako ready para sa ganun.

Those ended pretty decent. Wala namang naghabol o nagpilit. They were a good sport kasi landian lang din naman talaga ang habol nila. Mga takot din mga yun sa commitment. Si Suho lang naman yung makapal ang apog na hindi tumigil kahit ilang beses kong pagsabihan. Kung ano-ano pang mga balita yung kumalat kasi lumipat ng university yung gago pero kahit baliktarin pa nila ang mundo, alam kong wala akong kasalanan. Everything just got messy when my stupid ass decided to stop him from giving up but it was too late and I'm glad it's too late.

He was not the one.

I was just twirling the fork on the pasta repeatedly. Hinihiling na sana maging manok ito nang may lumitaw na chicken skin sa plato ko.

Naabutan ng paningin ko si Taehyung na hinihimay yung manok niya. He did not ate them though. Tinabi niya lang ulit at yung fries ang binanatan.

Hindi ko naman alam kung magpapasalamat ba ako o ano. Sa huli ay hindi ako nakaimik at tahimik nalang na kinain yung balat na binigay niya. Inisang subo ko lang ito at agad akong nagsisi dahil nakaramdam agad ako na bitin. Sana pala dinahan-dahan ko lang yung pagkain.

Uubusin ko na dapat yung spaghetti nang may lumitaw na naman sa plato ko. Automatic na napatingin ako ulit kay Taehyung. Wala na siyang ulam kahit wala pang bawas yung kanin niya. He caught me looking at him and his plate. Umangat ng bahagya ang isang gilid ng labi niya.

"Do you want the rice or should I order more food?" I've been asked this question by a lot of guys before but they all sound too forced and generic. Like they always make their voices softer and sweet when they talk. Pero bakit sa kanya ang effortless?

Lord, bakit naman ganito? Bakit sa kanya ko nahanap yung isang sign?

Failing PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon