093

69 2 0
                                    

Taehyung's POV

Before first year college...

My friends told me it's too early to enrol but I did not listen.

Mabuti ng gawin ko na 'to para wala na akong aalahanin. I want to spend the last two weeks of vacation without worrying.

Yoongi:
Send mo sa'kin sched mo. We need to be classmates dude.

I recieved texts from Jungkook and Jimin saying the same thing.

Kung sabihin ko kaya sa kanilang nagpalit ako ng course?

Magwawala ang mga yun.

"Wala naman sigurong nakakakilala sa'kin dito ngayon."

Narinig kong nagsalita yung babaeng kasabay kong naglalakad.

I don't mean to be judgemental but what's wrong with her hair? Why is it too short? Sobrang buhaghag parang lumang wig.

Is she in disguised?

"Akala ko ba magaling yun bakit naging ganito buhok ko?"

I can hear the frustration in her voice. Paos din ito. "Pagtatawanan ako nila Lisa 'pag nakita nila ako." Sinabunutan niya yung sarili niya.

Hindi ko napigilang matawa. It does look funny on her kahit likod niya lang ang nakikita ko.

~~~

Hindi ko na nakita yung babae pagkatapos kong mabigyan ng enrollment form.

Where is she now?

Umuwi kaya siya?

"Pota! Pati ba naman ballpen nakalimutan kong dalhin?!"

There were armchairs scattered on the gymnasium where enrollment is being held. The girl was sitting near the exit. Nakatalikod parin siya sa'kin. I grimaced when she pulled her hair again.

Padabog siyang tumayo at lumabas ng gym. Bibili yata ng ballpen. I would have offered her one but she's already gone before the idea came to my mind.

"Babalik din siguro yun agad."

Natapos nalang ako pero hindi parin siya bumalik. After handing over the requirements needed, the attendant said she would take my picture. Pinasuot niya sa'kin yung unform. While fixing the buttons, the sliding door opened and someone entered. Napaangat ako ng tingin agad--but it wasn't her.

Where did she go?

Pagkatapos kunan ng litrato ay sinabihan akong pumunta sa registrar para bayaran yung enrollment fee. Nagtagal ako dahil marami kaming nakapila.

Pagbalik ko sa gym, dumami yung tao but I spotted the girl with the crazy hair. Her back was on me again. She's still filling out her form. Bago lang ba siya nakabalik?

Hiningi yung papel na binigay sa registrar. I was told to take a seat and wait. Pinapanuod ko lang yung babae. Her head was bowed the whole time. Mabilis na nagsusulat yung kanang kamay niya.

"Mr. Kim?" I was called back.

"Proceed ka dun sa gilid so you can pick your schedule."

Nakalimutan ko saglit yung babae. I considered what Jimin said habang namimili. As much as possible, yung wala sanang pasok sa Sabado at Linggo. Kung mamalasin silang tatlo bukas at puno na yung napili ko, I guess I have to bid them adios.

After printing out my official schedule, may tinuro yung lalaki. Dun daw ako sunod na pumunta. It's located in the corner of the room, may babaeng nakaharap ulit sa computer. She needs to get my signature for the I.D.

I think that was the last step of the process dahil wala na itong iba pang sinabi kaya nagpasalamat na ako.

I looked for the girl pero wala na siya sa loob. Lumabas na ako ng gym. I stretched my arms and legs. Nakakapagod magpabalik-balik.

"Gusto ni'yo po sabay na tayo?"

Narinig ko ulit yung boses niya. She's not alone now. May dalawa na siyang kasama.

"Wag na miss, baka matagalan pa kasi kami ng anak ko."

"Naku ayos lang po, malapit narin po akong matapos. Samahan ko lang kayo saglit sa SAO."

I can see the mother's face and she was smiling. "Salamat miss ha, kanina pa kasi kami paikot-ikot pero hindi namin mahanap."

"Sabi kasi nung guard malapit lang daw." Nagsalita yung kasama niyang kaedad yata namin. I guess she's the daughter.

"Hala, talaga? Nasa third floor pa kasi yung SAO kaya hindi ni'yo talaga yun mahahanap dito."

"Ganun ba miss?"

Her head bobbed up and down. "Nagkamali lang po siguro si kuya guard. Halina po kayo."

For the last time, yung likod niya lang ang nakita ko. I hope I could see her again soon.

Failing PretendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon