《14》MIRAQUEL SEASIDE

682 25 6
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Hyung naman, eh" para kong tanga habang nakasunod kina Namjoon hyung at Jin hyung pababa ng unit ko. Di ko alam kung bakit ako pa ang napili nilang third wheel sa dami ng tao sa mundo. Nang-aasar yata tong magsyota na'to, eh.

"Tae, minsan lang naman to. Pagbigyan mo na ang request ng Jin hyung mo" pangaral sakin ni Namjoon hyung kaya wala kong nagawa kundi manahimik na lang. Tumungo ako sa backseat ng kotse gaya na rin ng utos nila.

Gusto ko nga sanang i-drive ang sarili kong kotse pero tiningnan ako agad ng seryoso ni Namjoon hyung. Bukod kay Appa at Eomma ay kay Namjoon hyung talaga ako tumitiklop. Nakakatakot kasi sya kapag tumitingin ng seryoso at mas lalo na kapag galit o iritado na.

"Saan ba punta nyo?" Tanong ko habang nakatingin sa bintana ng kotse. "Miraquel Seaside" sabi ni Jin hyung kaya napatango na lang ako. Mag-aalas-nuwebe pa lang naman ng umaga.

Sabado ngayon, imbis na nasa kama pa'ko at nananaginip ay nandito ako sa kotse kasama ang magkasintahan na'to. Minsan talaga ay nakakainis kapag bunso ka, wala kang choice kundi sumunod sa nakatatanda sa ayaw o sa gusto mo man.

"Lagi yatang dun ang date nyo?" Tanong ko. "Paborito kasi ng Jin hyung mo dun" sabi ni Namjoon hyung. "Oo, Taehyungie! Ang ganda kasi dun. Hindi lang sya basta seaside, meron ding mga nagtitinda ng kung anu-anong gamit. Merong mga maliliit na kaininan. Meron din yung mga rides na sa amusement parks mo lang nakikita" bahagya akong napangiti dahil mukhang bata si Jin hyung nung nga oras na yun. Tiningnan ko si Namjoon hyung at nakita ang pagkinang ng mga mata nya habang pinagmamasdan ang kasintahan.

Did I ever stared at Jungkook like he's the most precious thing I ever had in my life?

Ganun kasi ang nakikita ko sa mga mata ni Namjoon hyung ngayon. He looks inlove, happy and contented. I hope they won't give up amidst the struggles that they're going to face on their way to forever.

"We're here" napatingin ako sa lugar nung saktong makababa ako. Agad kong sinuot ang shades ko dahil tumatama sa akin ang hindi naman ganun kainit na araw. Alas-nuwebe pa lang naman kasi kaya di pa mainit ang sinag ng araw.

"Taehyungie!" Nilingon ko sina Namjoon hyung at nakitang humahalo na sila sa madaming tao. Pansin ko lang sa lugar ay mukhang dinudumog talaga sya. Maluwang sya at masasabi talagang naroon na lahat ng pwedeng gawin ng isang tao.

Tumakbo ako patungo sa dalawa at huminto sa likod nila. Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin-tingin sa paligid. Napatigil ako sa paghakbang at napako ang mga mata ko sa tindahan ng smoothie.

"Tae, dun tayo--" napatigil si Namjoon hyung nung makitang nakatulala ako sa isang lugar. Natawa sya ng mahina bago tapikin ang balikat ko. "Bumili ka na muna ng smoothie. Dun mo kami puntahan sa tindahan ng mga blazers. Gusto yatang bumili ng Jin hyung mo" sabi ni Namjoon hyung. Wala pa mang milliseconds ay nakatayo na'ko sa mismong harap ng stall.

Nakangiti akong binati ng smoothie lady. "I want the strawberry flavor" sabi ko sa excited na tono. Mabilis naman nyang inayos ang smoothie'ng hinihingi ko.

"Chocolate smoothie, please" napatingin ako sa katabi ko at muntik ko pang mabitiwan ang wallet ko nung makitang busy ang boyfriend ko sa pangangalkal sa sarili nyang wallet. "Jungkookie, cookie yung akin!" Narinig ko ang boses ni Hobi hyung sa gawing likod namin. "Mine is Cold Brew" pagsabat ni Yoongi hyung

"Fine. I'll treat the two of you" sabi ni Jungkook bago tingnan ang smoothie lady. Tumingin din ako dito at nakitang may hawak syang maliit na papel at ballpen.
"May I know your name, Sir?" Tanong nito. "For?" Mahina kong tanong.

SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon