{22} TRYING TO LET GO

493 23 9
                                    

KIM TAEHYUNG'S POV

"Ano? Dala mo na ba lahat ng kailangan mo?" Tanong sakin ni Jin hyung habang nakatayo sa tapat ng kwartong okupado ko. Kami lang ni Hobi hyung ang nagkaroon ng solong kwarto dahil couples nga lahat ng kasama namin. May sarili na talagang kwarto si Hobi hyung dito kaya dun na lang sya nag-stay.

"Oo, hyung. Isang araw at gabi lang naman tayo dun. Uuwi rin naman tayo agad bukas ng umaga. Ayos na tong dala ko" hinawakan ko ang bag ko saka sinuot ang shades ko.

"Halika na sa baba. Baka nandun na yung iba" sabi nya kaya agad akong sumunod sa kanya. "Waahh!! Ang wafu ng honeybunch ko!!" Tili ni Rhaya ang sumalubong sakin nung pababa ako ng hagdan. Napapokerface na lang ako matapos iangat ang shades ko. Nilagay ko muna yun sa ulo ko at umupo sa tabi ni Jimin.

"Ingay mo, Rhaya. Mahiya ka naman kay Ice" singit ni Jimin na kinairap ni Rhaya. "Si Hobi hyung na lang ang hinihintay natin." Sabi ni Jimin sakin na tinanguan ko lang naman.

"Van na lang daw nila yung gagamitin natin at mayroon na ring sariling driver yun." Sabi naman ni Yoongi hyung na nakatayo sa tabi ng inuupuan namin ni Chim. "Mabuti naman. Akala ko ay magiging driver na naman ako nung dalawa dyan" sabi ko na kinatawa nina Rhaya at Ice.

"Sorry naman, Tae" sabi ni Rhaya. "Nah, it's fine. Kita ko naman kung gaano kayo ka-sweet kahapon sa backseat. Ayoko namang manira" sabi ko na lang.

"Bakit nga pala natatagalan si Hobi hyung--"

"Ganun kaselan ang pagbubuntis mo? Di pa naman ganun kalaki ang tiyan mo pero mas magandang mag-iingat ka pa rin. Kaya naman pala todo-alaga sayo si Jungkookie.." Sabay-sabay ang naging paglingon namin sa hagdan nung marinig ang boses ni Hobi hyung. Nakaalalay sya sa bawat hakbang ni Hearth.

Napatitig ako ng ilang segundo kay Hearth. Di man ganun kalaki ang tiyan nya ay masasabi pa ring buntis sya dahil sa bump sa tiyan nya. Idagdag pang medyo tumataba sya dahil na rin siguro sa pagiging mahilig sa pagkain ng mga buntis.

"Tulak ko kaya yan para gumulong at makunan? Mapapasayo na ulit si Kuneho at lalayag ulit ang universal ship kong Taekook." Bulong ni Jimin kaya mabilis ko syang siniko. "Ouch." Bulong nya habang nakahawak sa sikmura nya.

"Dapat ay iniwan mo na yang sungay mo sa Manila. Bakit dinala mo pa hanggang dito at pati si Hearth ay dedemonyohin mo? Loko ka" bulong ko na kinasimangot nya.

"Ang OA naman kasi Tae. Di pa naman ganun kalaki yung tiyan nya pero todo-alaga na lahat ng kasama nya sa kanya. Lalo na si Jeon fuckin Kook" bulong nito pabalik at halatang-halata ang sobrang inis sa tono nya.

"Malay mo kasi at maselan talaga? Chim, wag mo na nga silang guluhin.--"

"Pero halata naman kasing di ka okay. Kung di lang nakakahiya kay Hobi hyung ay magho-hotel o sa mismong resort na lang sana tayo mag-s-stay at hindi dito. Kaya nga natin to pinlano ay para maitakas ka sa sakit na nararamdam mo pero tingnan mo naman ang nangyayari. The people who caused you pain were also here in the same house we are staying." Simangot na sabi nito.

SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon