KIM TAEHYUNG'S POV
"TAE!!" Nilingon ko si Jimin na napakalakas ng loob na guluhin ang nananahimik kong buhay. Napatingin pa'ko sa kasunod nyang pumasok ng unit ko na mas kinasimangot ko."Bakit nandito kayo? Alam nyo namang gusto kong mapag-isa muna, diba?" Nakapamewang kong tanong.
"Honeybunch naman! Di mo ba'ko na-miss? Ilang linggo rin tayong di nagkita dahil sa mga schedules mo. Buti nga at naisipan akong isama ni Jimin ngayon dito sa unit mo" parang batang sabi ni Rhaya kaya napailing ako.
"Di mo'ko madadaan dyan sa pagpapa-cute mo. Lumabas na kayo bago ko pa kayo sipain." Sabi ko pero parang wala silang naririnig. Nakuha pang tumungo sa kitchen ni Rhaya at nangalkal ng kung anu-ano dun.
"Wala man lang laman tong mga cupboard mo" bulong nya na umabot naman sa pandinig ko. "Deh, bilhan mo. Alam mo namang wala akong oras para mag-grocery, eh" sabi ko bago lingunin si Chim na prenteng-prente sa pagkakahiga sa long sofa habang nanonood.
Napahilot ako sa sintido ko dahil imposible talagang makuha ko ang katahimikan at pag-iisang gusto ko lalo na kung may isang Jimin at Rhaya sa buhay ko---
"Teka naman, hyung. Walang tulakan." Nanlalaki ang mga matang nilingon ko ang pintuan ng unit ko nung marinig ang boses ni Hobi hyung. Di nga ako nagkamali dahil isa-isa silang pumasok na para bang kanila ang unit ko.
"Taehyungie!!" Mabilis akong niyakap at hinalikan sa pisngi ni Jin hyung. Mahinang pinalo ni Namjoon hyung ang balikat ko bago sundan si Jin hyung. Tinanguan lang ako ni Yoongi hyung bago lapitan si Chim.
"Tae! Nagrocery na kami para sayo!" Sabi ni Hobi hyung at inangat pa talaga ang mga plastic na hawak nya. Dahan-dahan akong napatango habang may pilit na ngiti sa labi. Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman sa pinapakita nila sakin.
Alam kong naikwento na sa kanila ni Chim ang nangyari sa huling flight naming dalawa kaya nandito sila ngayon. Ayaw na ayaw nilang napag-iisa o nagmumukmok ako dahil kay Kookie. Gusto nilang lagi silang nasa tabi ko kapag ganitong may iniisip ako.
"Great, Hobi Oppa!! Walang kalaman-laman tong mga cupboard nya, oh" sabi ni Rhaya habang isa-isang binubuksan ang cupboards sa kitchen. Lumapit sa kanya si Hobi hyung at nagtulong na sila sa pagsasalansan ng pinamili nila hyung.
"Tae.." Tiningnan ko si Jin hyung nung tawagin nya ko. Nakatayo sya malayo sa mga kaibigan namin kaya alam kong gusto nya kong makausap ng solo.
Naglakad ako palapit sa kanya. "Jiminie told us about Jungkookie." Nahalata ko ang halong excitement at lungkot sa mga mata nya. Maski naman ako ay ganun ang naramdaman ko nung magkita kami ulit ni Kookie pero nanaig ang lungkot nung makita kong kasama nya si Hearth.
"Uhm, yeah." Tanging sagot ko bago humarap sa bintanang nasa likuran nya lang. "I-I guess, he already ends our story." Panimula ko.
"I can see how much he take care of Hearth. Halos di nga sya mapakali nung umiyak si Hearth. Narinig ko pang may baby'ng mapapahamak kapag hindi kumalma si Hearth. See? They already have baby after few years.." Huminga ako ng malalim para pigilan ang luha ko.
BINABASA MO ANG
SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]
Romance"Kung gusto mo'kong titigan ng matagal, feel free to visit my unit" napalingon ako sa kanya nung sabihin nya yun. Nagsalumbaba sya bago ako ngisihan. "Taehyung, alam mo naman ang address ko, diba?--" "Gago, pakialam ko sa address mo?" Angat-kilay ko...