{17} PROMISE ME

503 25 27
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Di ko na talaga alam. Ayokong masaktan silang dalawa. Mahal na mahal ko sila, Hyungs, pero kailangan kong mamili.." Nangangatal ang labing sabi ni Jungkook habang nakatingin sa limang lalaking nasa harapan nya.

"Ayokong makasal si Noona kay Tyler hyung pero ayoko ring saktan si Taetae. Wala akong magawa para ibahin ang sitwasyon.." Dagdag pa nya bago marahas na punasan ang mukha nya. Mabilis syang nilapitan ni Jin at niyakap. Hinaplos nito ang buhok nya samantalang hinahaplos naman ni Jimin ang likod nya.

"Hush, just cry, Jungkookie. It can somehow ease the pain." Pinilit ngumiti ni Jin habang pinapakalma si Jungkook. Kumalas si Jungkook ng yakap at mabilis na nilingon si Namjoon na kanina pa tahimik. Lumapit sya dito at hinawakan ang kamay nito.

"H-Hyung, I-I'm sorry. I'm sorry if I-I will break my promise. I'm sorry if I'm going to hurt Taehyung. Ayoko, Hyung, ayoko syang saktan pero m-mahalaga sakin si Noona. H-Hyung, patawarin mo'ko.." Tuluy-tuloy na sabi ni Jungkook habang patuloy sa pagluha. Imbis na magalit o mainis ay awa at lungkot pa ang naramdaman ni Namjoon para dito.

"I understand your situation, Jungkookie. Wag kang mag-alala at wala kang kasalanan. Alam ko, alam namin kung gaano mo kamahal ang kapatid ko kaya wala ako sa lugar para kagalitan ka. Alam ko ang pakiramdam na gusto mong mapunta sa mabuti ang kapatid mo. Na gusto mo syang sumaya at maging kuntento..." Inangat ni Jungkook ang tingin nya at nakita ang ngiti ni Namjoon.

"..kaya nga kita hinayaang mahalin ang kapatid ko, dahil alam kong nasa mabuti syang kamay. Hindi mali na piliin mo ang kapatid mo ngayon, hindi mali na pakakawalan mo ang kasiyahan mo para sa kanya. Minsan talaga ay kailangan mong magsakripisyo para sa mas magandang hinaharap. Magkasakitan man kayo ngayon ni Taetae, kung kayo talaga ang para sa isa't isa ay magtatagpo kayo sa hinaharap." Payo nito kaya mabilis na yumakap si Jungkook dito. Natawa na lamang si Namjoon at niyakap rin ito pabalik.

"Tama si Namjoon hyung, Kook. Kung para talaga kayo ni Tae ang para sa isa't isa ay magkikita kayo sa hinaharap. Masakit para samin na kailangan nyong magkasakitan ngayon pero parte yan ng relasyon, kailangan nyong mas maging matatag at malakas para sa isa't isa.." Rinig nyang sabi ni Hoseok kaya tumingin sya dito saka ito nginitian.

"Salamat, Hyung..." Sabi nya dito. Bago nya harapin at kausapin si Taehyung ay minabuti nyang unahin munang kausapin ang limang taong pinakamalalapit sa kanila.

Di nya pa rin alam kung paano ipapaliwanag kay Taehyung ang lahat kaya humarap muna sya sa mga hyungs. Gusto nyang makakuha ng lakas ng loob mula sa mga ito. Natatakot sya sa magiging reaksyon ni Taehyung kapag nalaman nito ang sitwasyon nya.

Na kailangan nyang magpakasal kay Hearth para sa pamilya nya at sa kumpanya nila.

"Waahh!!! Jungkookie! Naiiyak ako. Napakasakit. Napakahirap tanggapin. Bilang super-ever ultra mega number one shipper nyo ay di ko kayang tanggapin na magkakahiwalay na kayo. Ako ang kauna-unahang tao na ginustong magkatuluyan kayo pero kay Hearth ka pa pala ikakasal!! Wahh!! I kennat! Di ko matanggap--aray!" Asar na nilingon ni Jimin si Yoongi na binatukan sya.

SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon