THIRD PERSON'S POV
"Hinga ka muna." Masamang tingin ang pinukol ni Taehyung kay Jimin nung sabihin nito yun. "Joke lang, halata naman kasing kabado ka. Di ka naman tatakbuhan ni Jeon, eh." Kibit-balikat na sabi nito bago kainin ang hawak nitong mansanas.
"E-Eh sa kinakabahan ako, eh! M-Mapipigilan ko ba yun?" Tanong ni Taehyung habang pilit na pinapakalma ang nanginginig na kamay.
"Hindi lang kayo nagkita ng isang buong araw ni Jungkookie kaya ka ganyan. Isa pa, mamaya na ang kasal nyo kaya pwede ba, kalma ka muna dyan. Baka imbis na sa simbahan ka namin dalhin ay sa ospital pa ang bagsak mo." Sermon ni Jimin na kinasimangot ni Taehyung
"Maya-maya lang ay nandito na yung mga mag-aayos sayo. Maligo ka na nga." Sabi pa nito bago ituro ang pintuan ng banyo. "Oo na po." Sabi na lang ni Taehyung bago kunin ang mga gagamitin nya.
"Wag ka na kasing nerbyusin. Imposibleng takbuhan ka ng kunehong yun, alam mo naman kung gano kabaliw sayo yun. Nung nalaman nya nga lang na isang araw kayong di magkikita, halos maglupasay na." Iiling-iling na sabi ni Jimin na bahagyang kinatawa ni Taehyung. Pumasok na sa banyo si Taehyung at naligo.
Habang naliligo ay naglalaro pa rin sa isip nya lahat ng nangyari sa nakalipas na mga taon. Sa sobrang dami nilang pinagdaanan ay di nya inakalang mauuwi pa pala sa kasalan ang lahat. Sa dami ng sakit at luhang dinanas nya sa pagmamahal kay Jungkook ay mauuwi rin pala ito sa matamis na I do.
"I guess, it's worth it." Sabi ni Taehyung habang pinapakiramdaman ang tubig na dumadaloy sa katawan nya. Maya-maya lang ay lumabas na sya habang pinupunasan ang buhok nya.
Naabutan nyang nandun na lahat ng taong mag-aayos sa kanya habang kausap si Jimin. Nandun na din si Seokjin na may kausap pa sa cellphone.
"Oh, tapos na syang maligo. Mas mabuti siguro kung ayusan nyo na sya."sabi ni Jimin nung mapansing nakalabas na si Taehyung ng banyo.
"Mr. Kim, umupo po kayo dito." Magalang na sabi nung isang stylist na mabilis namang sinunod ni Taehyung. Nagsimula syang ayusan ng mga stylist mula sa buhok hanggang sa mukha.
"Nagugutom pa yata ako." Sabi ni Jin bago umupo sa tabi ni Jimin na pinapanood ang pag-aayos kay Taehyung.
"Kumain ka muna, hyung. Wag ka nagpapalipas ng gutom." Sabi ni Jimin. "May pagkain ba dito?" Tanong ni Jin.
"Sa kitchen baka meron. Tingnan mo nalang, hyung." Sabi ni Jimin kaya tumungo naman nga sa kitchen si Jin. Kinuha ni Jimin ang cellphone nya at tinawagan si Yoongi.
"Pusa!!" Excited na sabi nya nung masagot nito ang tawag. "What?" Tanong nito sa tamad at masungit na tono.
"Naayusan na si Jungkookie?" Tanong ni Jimin. "Yeah, sinusuot na lang nya yung damit nya. Si Taehyung ba?" Tanong din nito.

BINABASA MO ANG
SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]
Romance"Kung gusto mo'kong titigan ng matagal, feel free to visit my unit" napalingon ako sa kanya nung sabihin nya yun. Nagsalumbaba sya bago ako ngisihan. "Taehyung, alam mo naman ang address ko, diba?--" "Gago, pakialam ko sa address mo?" Angat-kilay ko...