KIM TAEHYUNG'S POV
"KIM TAEHYUNG!" Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong strawberry smoothie nung marinig ang boses ni Jimin. Mabilis kong inubos ang hawak ko at tinapon yun sa pinakamalapit na trashcan sakin. Inayos ko ang sarili ko at tumakbo patungo kay Jimin.
Napatayo ako ng tuwid nung mamataan nya kong palapit sa kanya. Naniningkit ang mga matang lumapit sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin. May pinunasan sya sa baba (chin) ko na kinalaki ng mga mata ko.
Patay ka talaga, Kim Taehyung. T^T
"Great, Kim Taehyung. Great." Tumatangu-tango pa sya habang sinusuri ang damit at mukha ko. "NAKUHA MO PA TALAGANG MAGLIWALIW KAHIT ALAM MONG ILANG MINUTO NA LANG AT TAKE-OFF NA? GUSTO MO BA TALAGANG MAPARUSAHAN TAYO SA KATIGASAN NYANG ULO MO?!" Napatakip na lang ako sa tenga ko sa lakas ng boses nya.
Tiningnan ko ang mga pasahero ng airport na naglalakad malapit samin. Halatang natatakot sila kay Jimin dahil sa aura nito. "Hehe, Chim naman. Kalma naman dyan. Natatakot sayo yung ibang pasahero, oh." Mas tumalim ang tingin nya sakin kaya napasimangot ako.
"Di na talaga mauulit, Chim. Mag-iingat na talaga ko. Di na'ko maghahanap ng smoothie lalo na kung malapit na ang take-off. Hindi ko dudumihan o lulukutin ang uniform ko. Magiging mabait na talaga ko." Maamong sabi ko at kulang na lang talaga ay yakapin ko pa sya para lang mawala ang galit nya
"Nakatatak na sa utak ko lahat ng pangako mong yan pero wala kang natupad. Tingnan mo nga yang damit mo! Asul ang uniform natin pero nahaluan ng pink yang sayo! Nako, Kim Taehyung! Pasalamat ka at kailangan na tayo sa departure area. Masasampolan ka na talaga sakin" banta nito bago ako talikuran.
Nakangusong sumunod ako sa kanya. "Nag-away na naman ba kayo ni Yoongi hyung kaya k--"
"Wag mo ngang dinadamay sa usapan yung sinungaling na pusang yon! Wala sya dito kaya di natin dapat sya pinag-uusapan. Pag-untugin ko pa kayong dalawa, eh" nakairap na sabi nito bago lumapit sa ibang kasamahan namin. Napabuga na lang ako ng hangin dahil nagiging demonyo na naman ang napakabuti at sweet kong kaibigan dati.
In-assist na lang namin ang sasakay sa eroplanong nakatoka samin. Kahit na ngumingiti si Jimin ay mapapansin pa rin talaga ang labis na inis sa mukha nya. Grabe, halatang nag-away na naman sila ng pusa nya.
Matapos ma-assist ang mga pasahero ay pumasok na rin kami sa loob. Hinintay na lang namin na mag-announce ang piloto na lilipad na ang eroplano. Nilingon ko si Jimin na abala sa pag-aayos ng ilalagay sa cart gaya ng snacks at drinks para sa pasahero.
"Chim, anong pinag-awayan nyo?" Tanong ko kaya stress nya kong nilingon. Napangiwi pa'ko nung pabagsak nyang binaba ang isang baso sa cart. Matalim ang tingin ny sakin na para bang nakikita nya sakin ang kaaway nya.
BINABASA MO ANG
SWEETEST ARGUMENT (Taekook FF) [COMPLETED]
Romance"Kung gusto mo'kong titigan ng matagal, feel free to visit my unit" napalingon ako sa kanya nung sabihin nya yun. Nagsalumbaba sya bago ako ngisihan. "Taehyung, alam mo naman ang address ko, diba?--" "Gago, pakialam ko sa address mo?" Angat-kilay ko...